Baking pala namin bukas at kami ni Ivo ang magkapartner, okay na rin yun para naman may time na makasama ko siya at makabonding,lagi nalang kasi siyang busy at di namamansin..
Pagkatapos ng klase ay inaya ko siyang bumili ng ingridients na gagamitin namin.
"Pwede mo naman akong samahan bumili ng gagamitin natin bukas di ba?" Sabi ko habang nakaupo kami at hinihintay ang pagdating ng prof.
"Oo naman," sagot niya pero di ako tinignan
"Ivo, may problema--
"Wala Naya, okay lang ako.dont worry." Sagot niya.
"Ilang araw na rin kaseng di ka umiimik," sabi ko nalang..
"Tahimik naman talaga ako ah," sagot niya.
Okay,tahimik nga siyang tao pero pag magkasama naman kami dati madaldal siya, ang weird lang ngayun kase hindi na niya ako kinakausap, di sinasabayan sa paglunch, at di na ako sinasamahan pag uwian, pati dito sa loob ng room bihira ko lang siyang makausap, pag nagtatanung lang ako tsaka nagsasalita, dati panay ang dal dal at kulit niya.
"Uhm,about kay Reeka, Gf mo na ba siya??" Lakas loob na tanung ko kahit alam ko na ang sagot. Gusto ko lang marinig yun sakanya.
"She's special, a very dear one." turan niya, nag nagpatigil ata ng pagtibok ng puso ko. Parang gusto kong bawiin niya yung sinabi niya kaso yun naman talaga ang inaasahan kong sagot niya. Napalunok ako.
Tsaka atleast ngayon malinaw na, hindi nalang kung anu anu pang ang iisipin ko. Atleast ngayon may rason na para patayin ang siguroy pagtingin ko sakanya.
Saktong dumating ang Prof ,salamat naman dahil hindi ko alam kong may isasagot pa ako doon o sasagutin ko pa yun.
**
"Tara," nakangiting aya ko sakanya pagkatapos ng klase, the usual me, very positive and bright ang aura.
Tumango lang siya at nauna nang naglakad ,hindi man lang pinagkaabalahang kunin ang mga gamit ko na hawak ko. Pero okay lang yun. Magbestfreind pa naman kami kahit may special someone na siya di ba? Ako nalang siguro ang mag aadjust sa mga moods niya.
Nang nasa supermarket na kami ay wala pa rin siyang imik. Hindi na rin ako umiimik kase parang ayaw niya akong kausap. Kase pag tinatanung ko kung eto ba o eto, ang laging sagot niya. Ikaw na ang bahala, so ayaw talagang makipag usap kaya ayun, nakasunod lang siya sakin.
Nasa may pila na kami sa counter ng biglang may tumawag sakanya.
"Hello,"
"Okay, where are you??" Parang nag aalalang tanung niya.
"Calm down okay,"turan niya na parang kung may anung nangyari.
"Hush, wag ka nang umiyak, ill be right there," sabi pa niya sa kabilang linya.
"Okay, stay there,"
"Yeah,bye Riks," sabi niya at ibinaba na ang phone niya.
"I have to go ,emergency lang. " sabi niya sakin.
"Anung nangyari?" Tanung ko naman dahil wala naman akong alam kong sinu ang tumawag.
"Si Reeka, kailangan niya ako. Take this," turan niya at inabot sakin ang ilang pirasong pera.
"Sige, una na ako." Turan niya at umalis na.
Ayun nga umalis na, parang hindi ako kaibigan na basta basta nalang niyang iniwan, dati ayaw na ayaw niya akong iwan kase baka daw mapanu ako, pero ngayon parang wala na lang. Ayos ah!!!
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
AléatoireVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...