Pumasok ako sa bahay na nakangiti, gusto kong tumingala dahil pakiramdam ko may nagmamasid samin kanina pero naunahan ako ng hiya dahil alam kong si Tatay yun, at nakita niya yung nangyari.. hindi sa ikinakahiya ko pero naiilang lang ako na makita niya kami na ganun ni Ivo.
Pero sana maintindihan niya rin yung lalim ng relasyon namin, at umaasa rin ako, na tuloy tuloy na ang pagtanggap sa kaniya ni Ivo.
"Tay, paanu po pag nasira ko yang kotse??" Tanung ko ng nasa isang Driving school na kami ni Tatay, pang apat na sabado ko na ngayun sa pag aaral ko sa pagdridrive, at ngayun pa lang ako hahawak talaga ng sasakyan.
"Okay lang yan nak. Sige na, sumakay ka na. Ingat ka..and relax ka lang.." sagot niya.
Napatingin ako sa pulang kotse sa harap ko.. at sa lugar na iikutan ko.
Isinout ko ang helmet ko,nakasout din ako ng ilang safety gear, bago pumasok sa kotse, sumakay naman din yung trainor ko at nagsimula na siya sa paggabay sakin.
Hindi ako natatakot sa pagdridrive pero mas kinakabahan ako sa isiping baka masitra ko tong kotse..
"Relax lang ang kamay mo diyan." Turo niya sa manibela,
Ilan pa ang ipinaalala niya bago ko binuhay ang makina..
Dahan dahan ang ginawa kong pag usad..
"Kailangan mong kabisudahin yan para di ka yuko ng yuko,baka madisgrasiya ka." paalala niya dahil madalas akong napapatingin sa paa ko kung alin ang inaapakan ko.
Paunti unti at pabilis ng pabilis ng takbo ng sasakyan.
Ang gaan sa pakiramdm na nakakapagpatakbo na ako ng kotse,
Ilang ikot pa ang ginawa namin ni Coach bago kami tumigil.
"Good Job Thanaia,!" Sigaw niya ng makababa kami at nakipag apir.
"Salamat coach.."
"Well done Anak!" Proud naman sa saad ni tatay na ngayun ay palapit na saamin.
Napangiti na lang ako.. sa bawat sabado na may driving class ako, siya lagi ang sumasama sakin kaya nagkakaroon kami ng time na mag bonding at mag usap,mas kilalanin pa ang isat isa.
Bago umuwi kumain muna kami ng Lunch sa isang Italian Resto.
"Pinakilala ka na ba ni Ivo sa magulang niya??" Tanung niya habang kumakain kami.
"Ah opo,nagtrabaho din po kasi ako sa hotel nila dati.." sagot ko kaya nagtaka siya.
Pinaliwanag ko naman sakanya kung bakit.
"Kamusta naman sila sayu?".
"Mabait po ang Mom niya,pati ang Dad niya, yung lolo po niya ang medyo tagilid.." sagot ko.
Napatango tango lang siya ..
"Kamusta po pala yung kaso nung OFW sa Guam Tay?" Tanung ko naman, dahil yun ang latest na hawak nilang kaso na mesdo maselan kasi sa ibang bansa pa talaga.
Madalas kapag ganito ng kaming dalawa lang, lagi niya akong kinukwentuhan ng tungkol sa mga kasong hawak ng Firm niya,
parang bigla tuloy napapaisip ako,parang gusto ko na ring mag abogado, pero pag iisipan ko muna.
Simula ng araw na humarap si Ivo kay Tatay, parang mas magaan na yung pakiramdam, minsan dumadalaw na siya sa bahay, kahit halatang awkward pa rin sila pareho,casual naman silang mag usap.
Okay na ako doon kesa sa di sila nag uusap.
Naikwento ko na rin lahat kay Tatay, lahat ng nangyari sakin.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...