CHAPTER 20.1

25 3 2
                                    

Again..sorry sa mga typos.. hindi kase ako fan ng laptop at mobile lang talaga ang gamit  ko mula simula.. so pasensya po.. :)

Dedicated to : @ yoonamissa !

Chapter 20.1

That was so close!! Muntik muntikan na, kunting kunti nalang sana didikit na yung labi niya sa labi ko

Anu ba kaseng pumasok sa isipan niya at bigla nalang kikilos ng mga ganun. Nakakainis, di ko  na naman  mapatigil ang kabog ng puso ko.! Inayos ko ang itsura ko tsaka bumalik sa kama.

Pero ang nakakaloka bigla akong nanghinayang.. anu kaya ang pakiramdam nun?? Ahhh!! Anu bang inisip ko.

"Ah, ma.. ma.. matulog na tayo," nauutal kong sabi at inayos ang kumot ko at kamang medyo nagulo sa harutan namin.

"Sige, goodnight sweet Naya," malambing na turan niya. Parang walang awkwardness sa boses niya, see?? Wala lang yun sakanya, ako lang talaga ang nagbibigay ng malisya, tss.

"Okay, goodnight din senyorito.," turan ko.

Itinaas niya ang kamay niya at nakipag apir naman ako. Dating gawi.

Pagkatapos ay nagkanya kanya na kami ng higa, tabi kami sa kama, sanay na naman kase akong lageng katabi siya. Yun nga lang iba na ngayun.. hayy.

Makalipas ang ilang minuto ay himbing na himbing na rin siyang natutulog.

Agad akong humarap sa pwesto niya. Napakapeaceful ang itsura habang natutulog, nakatulog agad, halatang pagod talaga.

Ivo, kinakatakutan ka na ng isang parte ng katawan ko. Piping pakikipag usap ko sakanya.

Nahihirapan na siya sayu, hindi ko alam kung anung pinakain mo sakin at nagising nalang ako na wala na, nasira na yung shield na promoprotekta sa kanya para hindi siya mahulog sayu, hindi ko alam kung sinasadya mo talaga oh assuming lang ako..

nahihirapan na siya Ivo, mahirap pala talaga, alam naman niyang hindi tama kaso wala eh. Araw araw palubog na siya ng palubog. Para siyang nasa gitna ng dagat na wala man lang sanga na palutang lutang para makapitan, wala man lang bangkang makikita na papalapit sa kanya para sagipin, at mas lalang walang malapit na isla para makaligtas pa siya, sana pwede, sana maari, sana kaya mo, at sana magawa mo ring sagipin ang puso kung unti unting nalulubog sayo. Tahimik kung usal bago natulog..

****

Ivo's toughts:

Pagkagising ko, napangiti ako ng makita ko ang himbing na himbing na mukha ni Naya, napakainosente ang mukha niya,

Suddenly, memories of last night flashback,

Muntikan ko na siyang halikan kagabi,kung hinalikan ko kaya siya, magagalit siya??  Syempre naman!

Unti unti na ngang nagbabago ang feelings ko towards her, at dahil mali, iiwasan ko muna siya, baka sakaling pag di na kami masyadong magkasama mawawala na tong feelings na to.

Kahit mali, iiwas muna ako siguro, mukhang malapit na rin naman niyang sagutin si Migo, tama, kay Migo alam kong nasa mabuting kamay siya, alam kong aalagaan siya nito,

Kakausapin ko nalang muna si Migo, sinubukan kong lumayo sa kanya ng apat na araw , hindi ko kinaya, pag uwi ko sa kanya ako ulit dumiretso, pero subukan ko ulit kahit pakunti kunti, ayaw kong mawala siya sakin ng tuluyan dahil sa nararamdaman ko, mabuti na rin yung ganito, friends lang kami, atleast alam kong hindi siya mawawala kesa namang isugal ko tong nararamdaman ko , baka hindi niya masuklian at lumayo pa siya.

Kaya, magtitiis nalang muna ako na na didistansiya muna sa kanya para naman maiwasan ko rin ang mga masasakit na bagay na pwedeng mangyari sa kanya, sakin at sa puso ko.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon