CHAPTER 2.1

49 2 0
                                    

"IKAW!?" gulat kong turan at tinuro ko pa ang mukha niya. sino nga naman ang mag aakalang ang kapreng gwapo na nambuwisit sa akin sa school ay nakatayo sa harapan ko na nakapamewang at tagaktak ang pawis. siguro galing sa jogging. wooh hot..

medyo nagulat din siya ng makilala niya siguro ako.

" nextime make sure na nakatali ang aso mo.! para hindi ka makadisgrasya! " sigaw niya.

" nextime kase wag ka dito magjogging ! dun ka sa luneta para hinda ka PO napeperhuwisyo ng mga aso dito ! " pagtataray ko.

" kaya pala maldita ang aso kase maldita din ang amo"

pagkasabi nun ay agad na syang nagjogging paalis at sa di kalayuan ay sumakay siya sa isang magarang motorsiklo tsaka nya to pinalipad.. ou pinaharorot kase parang lumilipad akala mo naman hinahabol ang kalsada.

anung sabi niya!? ako maldita!? eh anung tawag niya sa sarili niya? dakila? dakilang mayabang!!!

WATTA DAY !!

--------------------------------

Mabilis na lumipas ang sabado at linggo at lunes na. ibig sabihin unang araw ko to sa kolehiyo! yiee!

at dahil eggsited ako ay maaga akong bumangon para gumayak sa pagpasok. at dahil dakilang early bird ako eh maaga palang nasa school na ako.

pumasok ako sa isang

room ayun sa class sched ko. kampanteng naupo ako sa dulo sa malayo sa pinto at nag antay ng mga magiging kaklase ko. inilibot ko ang mata ko sa kabouuan ng room. white board ang nasa harapan. at hindi lang din basbasta ang mga upuan. at fully airconditioned pa. ganito pala ang school na pang mayaman..

maya maya ay nagdatingan na din ang mga kapwa ko estudyante. naweweirduhan lang ako kase nagkakamustahan sila at nagbabatian. ha? ganito ba dito fist day palang close na sila agad??. hindi ko nalang masyadong pinansin.

may isang lalaki na pumasok sa pinto na nakapukaw ng atensiyon ko. matangkad, hindi naman masyadong maputi, matangos ang ilong at almond shape ang mga mata na kylay brown at napakissable ng lips niya. may kamukha siya.. di ko lang matandaan.

lumapit siya sa kinarorunan ko at umupo sa tabi ko. tumuwid ako ng upo kase sa totoo lang hindi ako komportable na malapit siya sakin. ang lakas kasi ng dating. medyo napaigtad ako ng magsalita siya.

" Hi " tipid niyang bati.

nilingon ko lang siya tsaka tipid na ngumiti.

"new student?" tanung ulit niya.

sasagot pa sana ako ng biglang dumating ang prof at ako naman si magalang eh agad na tumayo at masiglang binati siya.

"GOOD MORNING SIR!! "

nakatingin lang siya saakin. luminga linga ako at halos magkulay valentines day ang boung katawan ko sa hiya kase po ako lang naman yung nakatayo.at lahat sila parang shocked sa ginawa ko. yung feeling na gusto mo nalang maglaho.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon