Naya:
Hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko ng bigla nalang bumulagta si Migo.
Nagulat ako dahil galit na galit na mukha ni Ivo ang sumalubong sakin..
"Anung ginagawa mo!!" Sigaw ko sakanya ng bigla na naman niyang hilain si Migo sa kwelyo.
Anung kagaguhan na naman ito. Bigla nalang manununtok!
Pilit kong pinipigilan si Ivo dahil pakiramdam ko ayaw gumanti ni Migo sakanya. Anung plano nito?? Magpapabogbog siya!! Baliw na siya??
"Ivo tama na!!" Sabi ko habang tinutulak ko siya palayo..
Pero sinuntok niya ulit at bumagsak si Migo ulit,
"Tumigil kana Ivo!!" Sigaw ko sakanya sabay tulak.
Dumating naman si Justine at Jared at pinigilan si Ivo.
Bumangon naman si Migo at naupo na parang wala lang ang nangyari..
"Anu bang problema mo ha?? Bangag ka ba at bigla ka nalang bubogbog??" Sigaw ko sakanya. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami dito.
Hindi siya sumagot at tinignan lang ako ng masama..
Nagpumiglas siya kina Jared hanggang sa mabitawan siya at hinablot ang kamay ko.
"Bitiwan mo ako anu ba!!" Sigaw ko habang pilit akong kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak niya.
Anu bang nangyayari sakanya.. hindi naman ganito ang Ivo na kilala ko.!
Kaso kinaladkad niya lang ako.
Tumingin ako kay Migo na parang nagpapasaklolo kaso tumango lang siya at parang sinasabi niya na sumama na lang ako..
"San mo ba ako dadalhin ha?? Baliw ka na ba?? Anu sa tingin mo yung ginawa mo???" Sunod sunod na angil ko sa kanya habang kinakaladkad niya parin ako.
"Punyeta Fuentevilla! Pwede ba hindi ako aso na basta basta mo nalang kinakaladkad !!!" Sigaw ko sakanya at nagpumiglas..
Binitawan naman niya ako tsaka hinarap.
"Anu sa tingin mo ang ginagawa niyo ni Migo??!!" Galit na sigaw niya.. mukhang galit na galit nga at amoy alak din siya!! Nyeta! Isa rin tong lumalabag ng rules eh!!
"Wala kaming ginagawang masama!!" Sigaw ko din
"Akala ko ba iniwan mo sa maynila ang personal mong buhay ha?? Tapos ngayon ano?? Lalandi landi ka.???!!" Tiim bagang niyang sigaw sakin..
Napanting ang tenga ko sa sinabi niya..ako lumalandi?? Wow!! Nag init ng husto ang mukha at ulo ko sa narinig ko.
"Wala kang karapatang sabihin sakin yan!!" Matigas kung sabi sakanya kahit sa totoo lang gusto ko ng maiyak dahil sa dinami dami ng taong pwedeng sabihan ako ng ganun siya pa.. mas matatanggap ko pa sana kong si Beatriz eh..
"Eh anung tawag mo doon ha?? Isa na naman sa mga trip mo???!!" Angil niya.
"Wag kang makialam dahil wala kang alam!!" Sigaw ko sakanya.
"Ikaw ang walang alam Naya!! Hindi mo ba alam na ang taong nilalandi mo ang ex boyfriend ng pinsa---
"Alam ko!!" Putol ko sa iba niyang sasabibin..
"Ganyan ka na ba kadesperada??! " sabi pa niya.
Pangalawa na yun at ang sakit na.. too much to bear..
Hindi ko namalayang dumapo na pala ang kamay ko sa pisngi niya.
"Wala kang karapatan sabihan ako ng ganyan dahil sa totoo lang..wala kang alam sa kung anu man ang nangyayari!!!" Sigaw ko sakanya at itinulak ko siya para makatakbo paalis..
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
אקראיVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...