52

12 0 0
                                    

Pinipilit ko pa ring mag adjusts sa mga nangyayari sa buhay ko..

Siguro it take times talaga,kailangan ng oras, maraming oras para maka fit in talaga ako dito. Kailangan pa ng kunting panahon,hindi lang naman kasi to basta basta, na parang 21 days habit, mahabang proseso rin..

Lahat naman ginagawa ni Atty, minsan siya naghahatid sakin sa School.

O di naman kaya pinipilit niyang umuwi ng Maaga para makasabay kami sa dinner.. mabait siya..sobra.. ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal ng isang ama sa lahat ng pinapakita niya at pinaparamdam. Kahit medyo ilang pa rin alo sakanya,hindi yun naging sagabal para kausapin niya ako lagi, tinatanong niya kung kamusta ang school,kamusta kami nila Caleb.. si Ivo.. he's trying .. sinusubukan niyang tibagin ang wall na nakatayo sa pagitan namin.. sinusubukan niyang maging komportable kami sa isat isa.

"I thought you are our sister,why your not calling daddy, daddy?" Inosenteng tanung ni Caleb habang nag brebreakfast kami one day,kaya napatingin kaming lahat sakanya.

"Ah..kasi..ano.." nangangapang sagot ko. At nagpalipat lipat ang tingin ko kina Mama at Papa,pati kay Atty..

"Di ako sanay eh.." namumulang dagdag ko.

Wala naman siyang reaction kaya nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako ng palihim.kay Atty, bakit nga ba di ko siya matawag ng daddy??

Wala namang dumagdag sa tanung ni Caleb o nagreact sa sagot ko,hanggang matapos kami sa pagkain. kasi aware naman siguro silang medyo di pa ako sanay.

"Anak,daanan na lang kita mamaya sa School?" Tanung ni atty ng palabas na kami sa garahe.

"Sige po.." sagot ko.. ngumiti siya tsaka tumalikod..

sinundan ko siya ng tingin at may kung anu akong naramdaman sa dibdib ko habang pinagmamasdan siya palayo.. awa?? Kasi di ko siya matawag na tatay man lang, kahit alam kong sabik siya sakin bilang anak niya, o eto na ba yung lukso ng dugo?? Na kahit hindi pa ganun kakomportable ang relasyon namin bilang mag ama ay may nararamdama akong pagmamahal para sakanya bilang isang magulang ko?? Kaya bago siya pumasok sa kotse niya tinawag ko ulit siya.

Agad siyang lumingon at nagtatakang napatingin sakin,

"Pasensiya na po kung di ko po kayong matawag na Daddy,di po kasi ako sanay.." nahihiyang turan ko.

"Okay lang,no pressure.. it'll take time.." mabait na sagot niya. Napaisip ako sa sagot niya,

"Okay lang po ba na Tatay nalang ang itawag ko sainyo?" Tanung ko kaya biglang nagliwanag ang mukha niya na parang nakarinig siya ng magandang balita.

"Okay lang.. kahit anung tawag mo pa sakin, Masaya ako.. kasi di mababago ang katotohanang anak kita,na buhay ang anak ko.." maluha luhang turan niya..

Lumapit ako sakanya at nginitian siya..at ako na mismo ang yumakap sakanya, halatang nagulat siya,siguro kasi aloft ako sakanya,at di niya pa ako nayayakap.. ilang sandali lang ay gumanti na rin siya ng yakap.. ramdam ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko.

At bilang anak.. gusto ko ring maramdaman ang isang yakap ng tunay na ama na matagal na nawalay sakin.. totoong ama.,at bilang anak.. gusto kong iparamdam sakanya ang yakap ng isang anak na matagal nawalay sakanya. Anak na matagal niyang pinagluksaan..

---

" Ivo,si Tatay ang susundo sakin mamaya, wag mo na akong ihatid.." paalam ko kay Ivo, gagabihin kasi kami ngayon dahil may subject kaming panggabi.

Nagtatakang napatingin siya sakin.

"Tatay?"

"Si Atty, tatay na ang tawag ko sakanya.." nakangiting balita ko.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon