Anim na buwan. Anim na buwan na pakiramdam ko nabuhay ako ng mag isa s kabilang dako ng mundo.
Hindi ko rin alam kung paano ako nakasurvive sa Snow, hindi ko alam kung paanu nakasurvive ang hika ko.
Sa anim na buwan na pananatili ko doon, hindi ko mabilang kung ilang beses ako nagkasakit.
Pero wala naman akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Ilang beses na umiiyak ako aa gabi at tinatawag si Mama. Ilang beses akong mutik muntikan ng sumuko.
Pero hindi ako sumuko, hindi kasi ako palasuko.Ako si Naya,ako yung taong di sumusuko. New york lang yan. Snow lang yan. Hika lang yan. Si Naya ako.
Napagdaanan ko na yata lahat, kaya, kaya ko na.
Sa araw araw na ginawa ng diyos, hindi ko nakalimutan lahat ng problema ko sa Pinas.
Sa anim na buwan unti unti natatanggap ko na ang katotohanan tungkol sa tunay kong pamilya.
Pero sa pagtanggap sa ibang paraan, oo tanggap ko na na meron akong totoong pamilya.
Pero ng tanggap as in open arms, hindi pa. At alam kong mahaba pang proseso. Ang anim na buwan ay kunti lang para matanggap ko siyang Lolo o Mommy. Hindi. Hindi ko pa talaga kaya.
Pero ang pinakamasaklap sa lahat, sa araw araw na yun umaasa ako. Umaasa akong baka bigla akong tawagan ni Ivo.
Pero wala eh. Wala talaga. Ang shunga ko rin kasi dahil asa ng asa pa rin ako.
Walang araw na hindi ko siya namiss. Walang araw na hindi ko iniisip na sana, sana pinaglaban niya ako.
Ang daming sana. Pero ni hindi man lang ako napagod.
Sobrang miss na miss ko na siya, yung pagmamahal ko sa kanya hindi man lang nabawasan. Akala ko darating din ang time.na mauubos na yung pagmamahal ko pero hindi eh.
Yung sama ng loob ko, nawala na lang din,basta isang araw nagising ako at naisip na, tama na,kailangan ko ng magpatawad,kailangan ko ng mag move on.
Oo nakapag move on ako,pero hindi sa pagmamahal sa kanya.
Kundi sa mga sama ng loob ko.
Ang love ko for him, nandito lang sa puso ko. Untouched. Solid pa rin.
Ganun yata talaga, kapag mahal mo ang isang tao hindi ganun kadali makalimot. Oo nadapa na kami pareho, pero eto pa rin ako gumagapang pabalik, instead na bumangon, nanatili ako sa kinasadlakan ko.
Pero ganun na yata siguro. Tanging ang pamilya ko n lang sa Pinasang pinaghugutan ko ng lakas. Si Mama, Papa, Tatay, si tita at ang mga kapatid ko.
We spent our Christmas and New Year in New York, dinalaw kasi ako nila Papa at bakasyon na rin ng boung pamilya kaya hindi ako masyadong na home sick noon.
Pati si Thiara,dinalaw din ako pero yung totoo gusto lang din makaexperience ng snow.
Pag uwi ko alam kong maraming nagbago, pero ako hindi ko makapa ang pagbabago sa sarili ko,ako pa rin naman si Naya. Wala eh. Hindi ako nabago ng paglayo ko. Akala ko mababago ako ng mga pinagdaanan ko. Ng mga sakit na naramdaman ko. Akala ko babaguhin ako ng lahat ng nangyari sakin pero hindi. Hindi ako binago. Mas lalo lang niyang pinagtibay kung sinu ba talaga ako. Ako pa rin naman si Naya. Nadagdagan lang ng kaalaman sa mundo. Lumawak lang ang kayang abutin ng pang unawa at ng isip ko.
"Wag kang iiyak ha? Sasabunutan kita." Banta ni Thiara ng matapos ilagay ang Mascarra ko.
"Maiwasan ba yun, ? Eto na ang pinaka highlight ng buhay ko,ngayun mo pa ba ipagkakait ang pag iyak ko?" Natatawang turan ko.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...