"anak gising na! " tawag sakin ni mama
"ma 5 mins nalang po "
sagot ko at nagtalukbong na naman ako ng unan .
"anak tanghali na"
pangungulit ni mama.
at dahil alam kong wala akong magagawa eh pupungay pungay akong bumangon.
"gising na po "
sagot ko sakanya.
"mag ayos kana at tatangahaliin kana maghahanda na ako ng almusal "
saad ni mama at narinig ko nalang ang papalayong yabag niya.
minulat ko ang mata ko at nabungaran ko ang simple at maliit kong kwarto. maliit lang ang kwarto ko, may isang maliit na aparador lagayan ng mga damit ko, at sa gilid may isang lumang gitara at may maliit na mesa kung san madalas ako nag aaral..
aral.. aral.. napabalikwas ako at agad hinablot ang twalya kong nakasabit sa pintuan at tumakbo palabas ng kwarto papunta sa cr sa tabi ng kusina dahil wala akong sariling cr. maliit lang kasi ang bongalow naming bahay may dalawang kwarto , maliit na kusina , at munting sala.
ay oo nga pala di pa pala ako nagpapakilala,
Im Venus Thanaia Madriaga , 16 years of age. matangkad may pagkamistisa ewan kong bakit hindi naman ganito ang balat nina mama at papa pero sabi n papa mana daw ako sa lolo ko na espanol, aba malay di ko pa naman sya nakikilala kasi andun na daw siya sa heaven. at incoming 1st year college student.
at kaya ako nagmamadali maligo eh dahil ngayon ako mag eenrol at last day na ngayon ng enrolment, kararating lang kasi namin kagabi galing ng ilocos, probinsiya ng nanay ko at medyo may hangover pa sa biyahe kaya late akong nagising.
dali dali akong nag ayos pagkatapos maligo at agad dumulog sa hapag kainan, nagmamadali akong kumain kaya napansin ni mama.
" oh anak dahan dahan lang. "
si mama
"naku ma paniguradong mahaba na ang pila ngayon "
ako
"makakahabol ka naman siguro anak,mahaba pa araw"
turan pa niya
"sana nga po ma "
sagot ko
pagkatapos kung kumain ay agad na akong nagpaalam kay mama at naglakad hanggang sa sakayan ng jeep.
simple lang ang buhay na meron kami. plain housewife lang si mama at si papa naman ay isang family driver na isang mayaman na pamilya.
makalipas ang ilang minuto ay nakarating na ako sa paruruonan ko, ang ESCUELA DE DON ANTONIO isang malaki at mamahaling paaralan. madalas ang mga nag aaral dito ay kilala sa alta sosyedad, mga mayayaman at kung may nakakapasok man ditong mahirap na kagaya ko ay dahil sa schoolar. schoolar lang ako pero pinaghirapan at pinagsikapan ko yun. valedictorian ako nung high school ako at halos tatlong buwan ako nagsunog ng kilay para lang pumasa sa exam para makakuha ng schoolarship at eto na nga nandito na ako para mag enrol. yieepiee!!
pagbaba ko ng dyip ay dumiretso agad ako sa main gate. isang malaking gate, may isang bababe na nag aabot ng leaflet na kung saan laman nito ang map ng boung campus para daw madaling mahanap ang pupuntahan ng mga baguhang kagaya ko. ayos! hindi ko na kelangang magtanong nito.
nakangiti akong pumasok at agad tinungo ang registrars office. madali ko lang nakita ito. salamat sa mapa :)
mahaba na ang pila kaya napabuntong hininga nalang ako. paniguradong aabutin ako ng maghapon dito, di bale nalang kaya ko naman maghintay..
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
AléatoireVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...