Maaga akong pumasok as usual.. habang nasa loob ako ng room eh nag iisip o kung paano ko sasabihin kay Ivo ang tungkol kay Migo.
panu ko ba sasabihin sakanya?? magagalit kaya siya?? matutuwa?? o masasaktan?? ay bat naman yun masasaktan..malamang matutuwa yun kase mapaptunayan niya talagang hindi ako tomboy.tssss...
maya maya ay nagsidatingan na din.ang mga kaklase namin..
nang dumating sya sa room wearing his oh so million dollar smile my bumondol na kaba sa dibdib ko.. bakit ang lakas ng tibok nito? kailangan ko na ba ng check up? abnormal na kase ang tibok neto eh.
agad siyang lumapit skin at nakipag apir.. our signature high five :)
"morning sweet Naya!" bati niya sakin.yan nakasanayan nyang tawag sakin. kase ang hilig ko daw sa sweets.. sa chocolates..sa cakes and ice cream.. ang sarap kase db??
"morning din !" nakangiting sagot ko although dinadaga ang dib dib ko sa kaba.. hindi ko alam kung epekto niya o epekto ng sasabihin ko sa kanya.
"may sasabihin nga pala ako sayo mamaya," sabi ko habang abala ako sa pag aayos ng laman ng bag ko. pero kunware lang yun hindi ako makatingin sa kanya..
"anu yun?" tanung nya mukhang interasado.humarap pa sakin.
"mamaya nga di ba?" sagot ko naman.excited naman to masyado.
"anu nga yun? anung meron mamaya na wala ngayun?" pangungulit nya.
"mamaya may sasabihin ko,ngayon wala " pamimilosopo ko.
"sus.. arte!" sabi niya at ginaya pa talaga yung way ng pagkakasabi ko ng arte ha?! sus arte naman ng lalaking to. haha :)
****
Lunch Break.
nasa canteen kami as usual sa favorite spot namin dun sa mesang pinag agawan namin dati :) memorable kase yun samin.. at nakapag order na siya ng pagkain.
"di ba may sasabihin ka?" sabi niya habang kinakain ang inorder niyang salad.
"ah.. ehmm.. panu nga ba?"sabi ko habang nakamot ng ulo.
"ha anu!?" naguguluhan na tanung niya. tsk panu ko nga ba sasabihin?
"ah eh.. di ba may quiz tayo mamaya? nagreview ka ba? di kase ako nakapagreview eh" turan ko. anu daw?? anu bang sina sabi ko?? bat hindi ko masabi?? anu ba yan!! anung nangyayari sa dila ko??
"ha? yun lang sasabihin mo?" tanung niya. tumango lang ako.
"arte!" turan niya tsaka pinagpatuloy ang pagkain. haha nakakatuwa yung panggagaya niya sa arte na expression ko..
"sus.. kung makapagsabi ng arte naman oh" sabi ko na nakangiti.
ngumiti lang siya tsaka umiling iling. nang malapit na kaming matapos sa pagkain ay may biglang lumapit sakin.. at may hawak na 3 red roses.
agad na nanlaki ang mata ko samantalang nakakunot naman si Ivo.
"for you" nakangiting abot sakin ni Migo
hindi ko alam ang gagawin ko. kill me now.. throw me to tartarus!!
hindi ko pa nasasabi kay Ivo at heto na nandito na sa harap namin si Migo!! waaah!! itapon nyo na ako sa mount olympus o di kaya sa camp jupiter o di kaya sa sea of monster.!! waaaahhhh.!!
ngumiti lang ako kunti o hindi ko alam kong matatawag bang ngiti yun kase parang hindi naman gumalaw yung labi ko habang inaabot yung roses na bigay niya.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RastgeleVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...