Agad akong tumayo at agad akong tumakbo papunta sa pintuan pagkababa niya ng telepono,baka mabulabog pa si Ivo pag nagdoorbell siya, at maya maya pa ay bumungad na siya..
Kandahirap hirap pa kami sa una para mabuhat ang mesa niyang pang apatan para mailabas sa balcony..
Agad naming inayos ang mga lobo.. Ang may kaliitang banderitas.. Ang fresh flowers, ang table setting at ang mga pagkain..
Na niluto ko pa kina kase at kailangan pa ipainit sa kusina ni Ivo dahil lumamig na, kaya natawa na lang kami pareho.. dahil muntik na kaming mawalan ng oras.
And lastly ang red wine na ipinagpilitan pa ni casee para naman daw mafeel namin..
At napatingin ako sa orasan nang mapagtantong ilang minuto na lang twelve na.. Dali dali kong hinablot ang bag ko at pumasok sa cr, pakapalan na to ng mukha ayaw ko naman siyang isurprise na ganito ako,puro pawis at haggard pa..
Pagkatapos kong maligo ay isinout ko ang white tshirt niya na ipinahiram niya dati at ang maong shorts ko..itinali ko nalang sa laylayan ang damit ko para hindi siya magmukhang dress ..
Nagpumilit naman si Casee na ayusan ako ng kunti at wala akong nagawa,i just roll my eyes, at sinunod siya.
pinatuyo niya lang ang buhok ko at brinaid ito at ginawang headband sa natitirang hibla nito..
Napangiti naman ako sa repleksiyon ko sa salamin..
"Not bad..'' nakangiting turan ko sa isip ko..
''akyatin ko na??'' nakangiting tanung ni Casee.. pagkatapos kung iset up ang upuan ko.
Napatingin ako sakanya, andami dami din nitong pagod para mabou ang surprise ko kay Ivo wich take me a whole day to figure out kung anu nga ba ang gagawin ko. Tsaka ko lang nabou ang plano ko ng nag out na ako sa hotel.. at alam kong gahol na ako sa oras.
Si Casee ang tinawagan ko kase maliban kay Ivo siya lang ang maasahan ko,
sa bahay nila ako nagbake ng cake nagprepare ng ibang foods,
siya sumama sakin para magpagawa ng baloons, bumili ng kung anu anu tapos siya ang kasama ko sa pag sasaayos nito sa loob ng unit ni Ivo..
''thank you Cas..'' nakangiting turan ko at niyakap siya..
''anything for you Naya..anything for Drake..'' nakangiting sagot niya.
''eto na.akyatin ko na!. '' turan niya at nakangiting umakyat sa taas..
Agad naman akong naupo sa isang upuan at inayos ang gitara ko..
Inhale, exhale..this is it.. Kinakabahan ako sa magiging resulta nito.. Sana matuwa siya sana.. Maappreciate niya ito, sana sapat lang ito para mapagaan ang mararamdaman niya mamayang gabi sakaling malaman niya na hindi ko siya sisiputin sa birthday niya..
Nagulat na lang ako ng marinig ko ang sigaw nito sa taas..
''what the hell!'' sigaw nito dahilan para mapangiti ako.
''relax !okay. Si Casee ito. Dont take off your blindfolds you fool!'' sigaw din ni Casee.
Ay naku!papalpak pa ata ako,napakagat ako ng labi..maya maya ay tumahimik na sila at nakita kong palabas na sila ng hagdan..
Nakablindfolds siya habang hawak hawak ni Casee ang kamay nito pababa ng hadan,
napangiti ako sa hitsura niya dahil halatang bagong gising kasi ang gulo gulo pa ng buhok niya..
Nag thumbs up sakin si Casee at agad akong bumalik sa upuan ko..
Ipinatayo niya si Ivo sa may pintuan ng balcony tsaka siya tumakbo palabas ng pinto pero bago siya makalabas she mouthed ' go girl!' napangiti naman ako and mouthed her 'thank you..
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...