Si Thiara mismo ang personal na nag ayos sakin ng dumating ng araw na magkikuta kami ng totoong Nanay ko.
"Ngumiti ka,maganda ka. Tigilan mo ako sa kaartehan mo," sermon niya habang nialalagyan ako ng kunting make up.
"Alam mo naman hindi reunion ang magaganap diba, ?" Buntong hininga ko.
"Naya, naiintindihan ko ang hugot mo,pero after nito,wala namang mababago eh.. makikilala mo lang sila..walang mababago,ikaw pa rin si Naya.." turan niya kaya napatango ako. Tama naman siya. Wala naman talaga mababago sa katauhan ko pero sa takbo ng buhay ko, alam ko marami. Maraming mababago dahil hindi na lang kina Mama at Papa ang mundo ko, may Tita at Tatay na ako, tapos ngayun makikilala ko naman ang nanay ko.
"Sana.. sana di ako lamunin ng sama ng loob at galit.." turan ko, habang nakikipagtitigan sa sarili ko sa salamin.
"Kilala kita, para sayu ang problema nginingitian lang yan. Kaya ngumiti ka na." Turan niya kaya napangiti ako.
Oo nga, ang problema di iniiyakan,nginingitian.. thars Naya.
"Are you ready??" Tanung ni Tatay ng makarating na kami sa Resto. Isa yun sa pinakamahal na Resto sa Pinas. Hindi na ako magtataka kung bakit dito nila napiling makipagkita. Alam kong mayaman si Tatay, peeo alam kong mas mayaman ang nanay ko. Hindi nako magtataka kung bakit kami nandito.
Tumango ako at nag ipon ng lakas ng loob bago bumaba.
Marami akong naiimagine na eksena, kung anung sasabihin ko sa kanila.. paano ko sila pakikitunguhan,kung paanu ako haharap, at kung kaya ko nga ba talagang humarap.
Pero alam ko naman di ako papabayaan nila Tatay at Tita,
Di na sumama sila Mama para di na masyadong magulo ay kumplikado.
Nakasunod lang ako kina Tita at Tatay sa pagpasok. Kinakain din ako ng kaba at sari saring emosiyon.
Okay naman ng sout ko,isang simpleng red turtle neck Skater dress at nude strap pump na di masyadong mataas ang takong.
Napatigil ako at awtomatik yata na umakyat lahat ng tubigmg at dugo sa mukha ko ng lumapit sa isang Mesa sina Tatay, sa Mesa kung nasaan ang mga taong pinaka huling aasahan ko na magiging pamilya ko.
Isa isang pumatak ang luha ko habang pinagmamasdan ang mga taon nakaupo sa Mesa.
Parang yung sakit na dala ni Ivo domoble at nagkaroon pa ng exces na limang sako dahil sa mga nakikita ko.
Agad akong nilapitan ni Tatay at inalalayan ako. Pakiramdam ko gusto ko na lang mahimatay o maglaho sa harap nilang lahat.. gusto kung magising dahil sana panaginip lang lahat to. Gusto kong bigla na lng sanang lamunin ng lupa dahil hindi ko kaya ng katawan ko ng sakit n nararamdaman ko ngayon.
Tumayo ang Mommy ni Ivo na ngayon ay umiiyak na.
"Anak.." mahinang usal niya na nagpabingi sakin. Parang mau dalawang bombang sumabog s ayenga ko. Siua ang kahulihulihang taong iisipin ko na nanay ko. Ni sa pangarao hindi ko siya nakita bilang isang nanay ko pero bakit ganun?? Bakit siya pa?!
Nanginging ako habang nag uunahan ang mga luha sa mata ko.
isa isa kong tinignan ang mga tao sa tabi niya, ang lolo ni Ivo,ang Dad niya.. at pati siya, bakit kailangan niya pang sumama?! Para anu?! Para dagdagan pa yung sakit?!
Bumaha ng sari saring emosiyon sa puso ko. Gusto kong magsalita. Gusto kong sumigaw at magmura peei kinakain ako ng maraming emosiyon
Galit dahil wala akong kaalam alam na siya, na siya na Mommy ni Ivo ang nanay ko,at ang mapanglait at matapobreng lolo niya ay lolo ko rin. Ang sakit isipin na iisa lang ang ina naming dalawa.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
De TodoVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...