CHAPTER 21.2

17 1 0
                                    

Bakit ganun? Parang bigla nalang nagbago ang atmosphere, parang bilang naging malungkot ang aura niya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga ,ang lalim para namang may pinaghuhugutan.

"You can tell me," turan ko sakanya pero di ko siya nilingon.

"Tell you what?" Tanung niya.

"The things that bothers you," sagot ko at lumingon sakanya.

"Wala to,pagod lang siguro,"sagot niya tas pumikit.

Alam kong may problema siya or may iniisip siya, lately kase ganyan na siya parang may kung anung chakra na bad vibes na sumasanib sakanya, and sa tagal naming magkakilala,alam ko kung may problema siya o wala.

"Bestfriend mo ako Ivo," sabi ko sakanya.

*****

Ivo's thoughts:

"Bestfriend mo ako Ivo" sabi niya sakin kaya mas lalong ako napatiim bagang,

Isa pa yan, bestfriend ko rin naman siya kaso bakit ganun?? Bakit bigla bigla ay mawawala siya tapos ngayon bumabalik na naman ang mga sakit na dulot niya.

At ang mas masaklap habang nakikita ko si Naya mas lalo lang sumasakit kase ganitong ganito din noon, We have the very best in the whole world, almost i guess, i love her, she loves me, but then all of a sudden parang bula na biglang nawala.

Natatakot ako na mawala din si Naya, kahit hindi gaya ng pagkawala niya kung lalayo naman siya masasaktan na naman ako.

Hindi ko pa naman sigurado ang nararamdaman ko kay Naya,siguro naikukumpara ko lang siya sakanya, at nakikita ko lang siya kay Naya kaya ganito ang nararamdaman ko. At dahil sa pagbabalik niya sa isipan ko kaya siguro nababaling yun kay Naya kaya pakiramdam ko Gusto ko siya pero hinde, bunga lang ng mga alaala niya ang mga feelings na to. Himdi to totoo ,hindi ko siya gusto. Naaalala ko lang siya sakanya. No more no less.

Sana nga, sigaw ng munting tinig sa isipan ko.

**

Naya:

"Wala talaga," sagot niya tsaka ako nginitian.

"Hatid mo na ako," turan ko sabay bangon, para naman makapagpahinga na siya kase pagod daw siya. At para naman makapag isip siya ng maayos.

"Tara, "turan niya at bumangon na rin, nauna na siyang naglakad, nakasunod lang ako. Alam kong may dinadala to, ayaw lang magsabi, bahala siya.

Sayang sobrang enjoy pa naman sana ang magstay doon. Dahil sa ganda ng view..

Nang makarating kami sa bahay ay agad din siyang nagpaalam kina mama at umuwi na rin, dahil na rin sa pagod ay agad akong humilata. Bahala na siya kung ayaw niyang sabihin ang problema niya atleast sinubukan kong itanung.

Bigla kong naalala yung kanina, si Reeka din pala yung picture doon sa kwarto niya, matagal na pala talaga silang magkakilala, siguro mas close pa sila kesa samin , bigla tuloy nagsikip ang dibdib ko sa isiping yun.

Mukhang hindi rin lang sila basta basta magkaibigan. Pero bakit ganun na lang ang reaction niya doon sa pictures?? Parang ayaw niyang makita ko?? Bakit? Dahil ayaw niyang aminin na GF niya talaga si Reeka?? Eh anu naman ??

Anung eh anu naman?? Ikakamatay ng puso mo yun shunga!! Sigaw ng isip ko ,

Napapikit tuloy ako ng mariin.

Naiinis akong isipin nga na higit pa silang magkaibigan, nasasaktan ako, e sa paraan palang ng pagtitig niya at paghawak niya kay Reeka malalaman mo nang espesyal siya para sakanya.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon