Hindi ko pa man naididilat ang mata ko pinepeste na ako ni Bryan.
Kaya napilitan na akong bumangon at hinarap siya.
"Tangahali na Ate! Magpapastol pa tayo ng baka, tayo diyan! dali!!" Turan niya at hinila pa ng kumot ko.
"Oo na,saglit! Maghihilamos lang!!" Turan ko at binato ko ng unan ko sa mukha niya, tsaka lumabas ng kuwarto.
Pagkatapos kong maghilamos at tootbrush ay nagpalit ako ng lumang t shirt tsaka jogging pants.
"Tara!" Aya ko na sakanya ng makapaghanda ako.
"Oh sumbrero!" Saad niya at binato ang kulay pulang sumbrero na agad kong sinout.
Nakagawian na kasi namin na ako ang taga pastol ng baka o kambing o kalabaw pag nandito ako sa probinsiya, si Kuya Kaloy nga lang dati ang kasa kasama ko.
Ngayun si Bryan na. Nakakatuwa kasi naalala pa nilang mahilig akong sumama sa mga ganitong lakad.
"Gusto mong sumakay?" Tanung ni Bryan ng nailabas na namin ang mga baka para dalhin doon sa burol.
"Sa kalabaw ako." Turan ko dahil mas maamo kasi ang kalabaw.
Pinatong niya ang sako sa likod ng kalabaw at tinulungan akong sumampa.
Tawa ako ng tawa kasi nga madulas yung sako.
"Pag ikaw nahulog diyan, tatawanan lang kita." Turan ni Bryan.
"Umasa ka Bry, umasa ka!" Sagot ko naman dahil madalas din kasing sumasakay ako sa kalabaw dati kaya marunong na ako.
Sa awa ng diyos nakarating kami sa Burol at napastol yung dalawang baka tsaka kalabaw ng matiwasay at di ako nahuhulog.
Ng mapadaan kami sa isang kamalig bigla na lang akong binato ni Bryan ng Dayami kaya ginantihan ko.
"Leche makati yan!!" Reklamo ko ng gumanti ulit siya.
Hanggang sa ayun nagbatuhan na kami, hanggang sa ako na mismo ang sumuko dahil nangati na ako.
Kaya ang bagsak namin puro Dayami ang damit pati buhok ko.
"Bry di ba may batis diyan?" Turo ko sa kabilang banda. Natatandaan ko doon kami nagpapainom ng baka dati.
"Meron, bakit daan tayu??" Turan niya kaya napaisip ako.
"sa susunod na lang para kasama si Thiara." sagot ko kaya dumiretso nalang kami ng uwi.
"Bansot,pagod na ako. Pasanin mo nga ako." Sabi ko sakanya pero dinedma lang ako.
"hoy bansot!"
"Bansot nga ako di ba?? Makakaya ba kitang pasanin." Sagot niya kaya natawa ako.
"bansot kasi." Kantiyaw ko.
"Pag ako talaga tumangkad Ate,sinasabi ko sayu.." banta pa niya kaya mas lalo ko lang inasar.
Hanggang makarating kami sa bahay.
Sabog na sabog na itsura ko dahil nagulo yung pagkakatali ng buhok ko at puro dayami ang damit namin.
Pawis na rin kami dahil medyo mataas na rin ang araw.
"Morning Aunty!" Bati ko kay Aunty na abala sa paglilinis sa likod.
"Magandang Umaga din Tanya, magkape na kayo, may tinapay doon." Turan niya kaya agad pumasok ai Bryan.
"Hala,gutiom na si Bansot! mag atas ka ha? wag kape di nakakatanggkad yun!" Asar ko kaso dire diretso lang siya.
Ako naman umikot pa ako sa may front door dahil yung tsinelas ko naiwan doon.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
AléatoireVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...