Pabalikwas akong napabangon kinaumagahan.. pero agad ding kumalma nang mapagtantong nasa tabi ko lang si Ivo,mahimbing na natutulog. Masyado ng maliwanag kaya dahan dahan akong umalis sa kama para hindi siya magising at kumaripas ng takbo palabas pero bago pa man ako lumabas ng unit niya ay nag iwan muna ako ng note sa mesa sa sala na nagsasabing.''ivo, umuwi na ako, hindi na kita ginising para makapagpahinga ka ng maayos, happy birthday again, te amo'' yun ang nakasulat at dinikit sa ref niya.
At agad akong nagtungo sa locker room, tinawagan ko na rin si mama para di siya mag alala,
at nagsinungaling na sumama ako kay casee ng 2 days outing kaya lubos na lubos ang panalangin ko sa kasinungalingang iyon,
dire diretso ako sa kusina at abalang abala na ang lahat, agad kong lumapit kay chef at tumulong,
Ivo' POV:
kinapa kapa ko muna ang tabi ko bago ko imulat ang mata ko, wala na pala si Naya kaya napabangon ako ng marahas, tanghali na pala ayun sa cellphone ko.
Andami dami nang tawag si mommy,
bumaba ako at nagbabakasakaling naroon pa si Naya kaso isang note lang ang naiwan sa ref.
dali dali akong umakyat at naligo, pagkatapos kong tawagan si mommy ay agad kong tinawagan si Naya,
panay ring lang, hindi siya sumasagot..
Agad akong bumaba at tinungo ang sasakyan ko para puntahan siya..
Hindi ko pa siya nasasabihan ng personal na siya ang kasama ko sa party,
dumaan muna ako sa isang kilalang
Designer para i pick up ang mga isosout namin mamayang gabi bago tuluyang pumunta sa bahay nila..Dali dali akong bumaba sa sasakyan at agad pumasok sa bahay nila..
''oh iho,'' nakangiting sabi ng mama niya.
''good morning tita,si Naya po??'' agad na tanung ko.
Mababakas naman ang pagkabigla sa itsura nito,
''ha? Hindi ba niya nasabi sayo? May 2 days out of town daw sila ni Casee kahapon pa siya wala..'' sagot ng mama niya kaya napakunot noo ako.
Si Casee?out of town? 2 days? Eh kasama ko lang siya kagabi..
''ah ,ganun po ba, sige tita ,iwan ko na po muna to sainyo, pakibigay nalang kapag dumating siya,'' turan ko sa mama niya at agad nagpaalam,
dali dali kong tinungo ang kotse ko at agad tinawagan si Casydee! Kaso nakakailang ring na wala paring sagot,
''shit!! Where are you Naya!!'' utas ko at pinasibad ang sasakyan..
''where is Naya???'' sigaw ko kay Casee ng mabungaran ko siyang kampanteng nakaupo at may taong nakapaligid sakanya, yung isa sinasabunutan yata siya i mean pinapaliguan siya. Srly? Tanda na ha! Yung isa naman dina disect yata ang mga kuko niya at may takip pang pipino sa mata.
''what? Iniwan ko siya kagabi sayu.'' sagot naman niya.
''shit!'' turan ko at napahawak sa batok ko.
''ang sabi niya umuwi na siya, pero wala siya sa bahay nila, ang sabi ng mama niya sinabi daw niya na may out of town daw kayo ng dalawang araw!!''
''what???!!!'' gulat na turan ni Casee,at napabangon bigla
''i didnt know bout that, wala siyang nasasabi saakin,'' turan nito at napadilat pa ng mata.
''shit! Where is she!!'' galit kong sigaw bago tumalikod at lumabas,
''Drake!! '' sigaw naman ni Casee kay nilingon ko.
''what???!!''
''happy birthday!!'' nakangiting sigaw niya tinanguan ko lang siya at dali daling umalis at bumalik sa hotel..
Dire diretso ako ng kusina at marahas na binuksan ang pinto.
''Naya??!'' agad kong sigaw dahilan para mapalingon ang lahat.
Naya's POV:
''Naya???!'' sigaw ng isang pamilyar na boses dahilan para mabitiwan ko ang hawakan ng pinto sa pantry,
kanina pa ang bigat bigat ng pakiramdam ko dahil tumawag si mama, nagpunta daw doon si Ivo at may iniwang kahon na naglalaman ng gown at sapatos..
Sumunod naman si casee na naguguluhan dahil kagagaling lang daw doon ni Ivo at nagsusumigaw,
lalong dinudurog ang puso ko sa isiping iyon, wala akong lakas ng loob na harapin siya, wala kong mahagilap na tamang salita para tanggihan siya, kaya mas mabuti na lang na pagtaguan ko siya at tsaka na harapin kapag nairaos na ang birthday niya..
Padausdos akong napaupo sa sahig pagkarinig ng sigaw niya..
''where is Naya??!'' sigaw niya ulit pero wala pa ring naglalakas ng loob na sumagot.. Ramdam na ramdam ko ang inis at galit sa boses niya dahil ngayon ko lang narinig ang mga galit niyang sigaw..
''sorry Ivo..'' piping usal ko habang namumou ang butil ng luha sa mata ko..
''shit! Bakit walang sumasagot??!" Sigaw na naman niya, this time may narinig na akong kalampag.
''she's not here,'' sagot ng isang boses, at alam kung galing kay head chef yun,
'' she should be here!''parang nagbabakasakaling sigaw niya.
''im telling you, shes not here..'' mahinahon pa ring turan ni chef..
''fuck!! Shit shit shit!!'' sunod sunod na pagmumura niya, napapikit ako lalo at pumatak na ang mga luhang kanina pa nagbabadya,
dinig na dinig ko ang pagtilapon ng kung anu anu bago tuluyang bumalibag ang pinto..
Kahit gustuhin kong makahinga ng maluwag ang bigat bigat pa rin, knowing na frustrated at galit na galit siya ngayon..
Makalipas ang ilang minuto ay may kumatok sa pinto..
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at tumayo,
''Naya?? Okay ka lang?'' nag aalalang turan ni ate Kayla,
binuksan ko ang pinto at pilit akong ngumiti..
''okay lang ako, salamat..'' turan ko..
Tinanguan niya lang ako pero mababanaag sa mga mata niya na naaawa siya sakin, nasabi ko rin kase kanina sa kanya ang dahilan,
So eto sko ngayun.. di ko alam kong anung mararamdaman..
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...