CHAPTER 4.1

41 2 0
                                    

hindi ko namalayan pagabi na pala.. nagsiuwian na din yung iba.. nagpaalam na din ako kay ate Bianca pagkatapos i discuss ang na assign sakin.. sakin lang talaga kase walang kwenta yung partner ko.

naglakad na ako palabas ng gate nila ate Bianca.. medy malayo layo pa ang lalakarin ko bago makarating sa mismong highway wala naman daw kase nadaang puv dito.. actually gusto akong ipahatid ni ate Bianca sa isang driver nila kaso tumanggi ako kase nakakahiya naman .. alangan makisabay ako sa iba, anu yun FC?! hayy hirap talaga ng mahirap ang buhay..

dahil sa pagmumuni muni ko halos mapatalon ako sa gulat ng may bigla nalang bumusina  ng malakas sa likod ko.

"PEEEEEPPPPPPP!!!!

"anak ng tipaklong naman?!" naiinis kung turan.

tumigil ito sa harapan ko at dahan dahan bumaba ang salamin ng bintana niTo at bumungad sakin ang gwapong mukha ni KAPRE?!!ay hindi.. hindi pala siya gwapo! anu na nman kaya ang trip nito ang luwag ng daan oh!

"anu bang problema mo ha!?" iritang tanong ko.

"sakay na," turan niya.

anu daw?? ako pasasakayin niya jan sa mamahalin niyang sasakyan?! bat naman niya ako yayayaing sumakay! may sapi na naman ba?

"bakit?" tanong ko.

"sasakay ka o hindi?  nababagot niyang tanong.

anu ba namang klaseng tao to parang hindi namn sincere tung pag aaya ..  try nating magpakipot..

"panu kung ayaw ko?! "

" okay, 1km walk more and maybe just maybe may makaksalubong kang holdapper or worst rapist.." turan niya at pinausad na ang sasakyan.

nanindig lahat ng balahibo ko sa tinuran niya..pwedeng nga na mangyari yun sakin lalo nat madilim na at walang nadaang sasakyan masyado. NO!! ayoko pa! madami pa akong pangarap.. magpapayaman pa ako!!! agad kong hinabol ang sasakyan niya at nag sisigaw.

" hoy wait!!!! sasakay na ako!!!" sigaw ko pero di pa din siya tumitigil..

paulit ulit akong sumigaw.

"hooy sasakay na ako!! hintay!!" ulit ko. anu ba namn yan tatakutin tas iiwan din. bangag ba yun?!

nakahinga ako ng maluwag ng  makita kong ianaatras na nia ang kotse niya. pagtapat sakin

tinignan niya lang ako at binuksan ang kabilang pinto.

weird talaga tong ugok na to. di man lang umimik.pagkasakay ko ay agad na din niya tong pinaharurot..

"seatbelt. " utos niya.

isinout ko naman ang seatbelt.tipid na aman niyang magsalita. naku ilang personality kaya meron to?

walang nang kusang magsalita saming dalawa hanggang makalabas na kami sa may highway.

" diyan na lang ako. mag jijeep na lang ako." turan ko.

tinignan niya lang ako. blanko ang mukaha katulad ng dati walang emosyong makikita sa mukha niya.. at hindi niya tinigil ang kotse.anu bang klaseng tao to hirap kausap ang sakit sa kilay!!

"mr fuentevilla ,pwede mo na pong itabi. kaya ko na. thank you. " litanya ko. aba anung bang balak niya?!

"ill take you home" siya.

anu daw?! he'll take me home? weh?

"okay na ako dito.malapit na lang ang samin." pag iinarte ko. kase gusto ko naman na talagang magpahatid. nakakapagod naman kase ang araw na ito.kaso subukan lang natin..

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon