CHAPTER 8.1

30 2 0
                                    

Kinabukasan hindi ako nakapasok dahil bago ako umalis ng bahay ay bigla nalang hinimatay si mama at nakaalis na si papa kaya ako ang nagdala sa kanya sa hospital.

Mabuti na lang at agad naman sumaklolo ang kapitbahay at nadala siya agad sa hospital, nakahinga naman ako ng maluwag nang sinabi nh doctor na wala naman daw syang malubhang sakit.

"nak pasensya ka na ha..naabala ko pa ang pag aaral mo" si mama..gising na siya at magsstay daw muna siya hanggang bukas para maobserbahan ng maayos..

"anu ka ba mama, mas importante ka naman dun..atsaka mama anu ba kase ang ginagawa niyo sa bahay at napapagod kayo ng sobra..? wag naman kayong masyadong magpagod..yung mga damit kong marurumi wag niyo na kaseng labhan kaya ko naman eh.." panenermon ko kay mama.baliktad na ako na nanenermon sa kanya.. kase naman eh.

"anu ka ba naman anak.. kaya ko pa naman eh.." sagot ni mama.

"naku mama talaga.. oh nagugutum na ba kayo?..baba lang ako..bibili lang ako ng pagkain." paalam ko.

"sige anak".sagot nya.

Tinawagan ko na si papa kanina kaso baka mamayang madaling araw pa daw siya makakarating kase nasa subic daw sila ng boss niya.. kaya panay ang tawag niya para makibalita..labis labis din syang nag alala..wala naman kase syang magagawa nasa malayo siya.. kaya ako muna ang magbabantay kay mama..

tinawagan ko na din si Ivo kanina kase naka limang miss calls siya di ko nasagot kase sa sobrang takot ko kung anu na nangyari kay mama.. at sinabi niya na dadaan nalang daw sya pagkatapos ng klase..

Habang pinapakain ko si mama ay dumating nga si Ivo..wow ha ang gwapo naman niyang tignan sa sout niya.. mukhang bagong ligo siya..naka shorts lang siya tas simpleng t shirt and slipper.. hmmn ..dadaan daw galing skul eh mukhang galing sa bahay nila..may mga dala dala din syang fruits at ewan ko bsta ang alam ko pagkain yun lahat..madaming pagkain. Hindi halatang marami dahil 3 paper bags ang dala niya.

"good evening po.. para po sainyo" bati niya kay mama.. at inilapag sa mesa ang dala niya,

"salamat iho nag abala ka pa" sagot ni mama.

"wala pong anuman" turan niya at nakiupo sa tabi ko..

"di ka pa naliligo no?!" Agad niyang sabi. wow sweet ng bati niya oh..pang asar agad.

"naligo na ako kaninang umaga!" Ako

"gabi na kaya!"

"anu bang paki mo?"

"kaya pala may mabaho ," pang asar pa niya..

at ako naman si shunga inamoy amoy ka pa yung damit ko,baka kase totoo ,kakahiya naman kung talagang mabaho nga ako.

"di naman eh.." di naman talaga mabaho..nang aasar lang talaga siya.

"maligo ka muna .. bago ako tumabi sayo " turan niya tsaka umalis at umupo sa upuan malapit sa kama ni mama.. nasa isang semi private room lang kase kami..electric fan lang ang gamit kay medyo mainit..may extra kama naman siya para sa watcher ng pasyente kaya pwede akong matulog dun mamaya..

"eh di huwag! "sagot ko arte arte naman nito porket bagong ligo at ang bango bango..oo naamoy ko kanina..bango niya .. sarap yakapin at panggigilan :)

"tss..uwe.maligo!" utos pa niya. Kung makautos si kuya oh,

at dahil nanlalagkit na din ako ay di na ako sumagot.. urrrrggghhh!! kainis.. tinatamad na akong umuwe. Pero kailangan ko din talagang maligo.

"oo na oo na..uwe na po kamahalan..!" turan ko at saka tumayo na at inayos ang buhok kung sumabog na din dahil sa pagkakahiga kanina,

di ko napansin nakalapit na pala siya sakin

"hatid na kita!" turan niya.

"hindi.bantayan mo si mama" sabi ko at bigla naman sumagot si mama..

"anu ka ba naman anak..hindi ako bata tsaka pagod lang ako wala naman akong malalang sakit tsaka gabi na.. baka kung mapano ka  jan.mag pasama ka na" mahabang litanya ni mama.

"sigurado kayu ma?" paniniguro ko.

tumango lang siya.

pero ibinilin ko pa din siya sa mga nurses na silip silipin kong pwede..oo naman daw.. at may pacute effect pa na isang kutsarita kay Ivo,

mabilis lang naman ang naging biyahe namin papuntang bahay kasi malapit lang naman ito sa hospital.tsaka gabi na din kaya kukunte nalang ang sasakyan.

nang matanaw ko ang bahay may natanaw akong isang lalakng pasilipsilip sa loob na animoy may hinihintay..pagtigil ng sasakyan ay agad akong lumapit sa lalaki na naka itim na pantalon at jacket tas nakasumbrero na halos matakpan na ng mukha kaya di ko masyadong makita ng mukha niya..

"excuse me po..anung kailangan niyo?" tanung ko agad pagkalapit..si Ivo agad din naman na sumunod at nakatayo sa likod ko.

halatang nagulat siya ng marinig niya ako at agad napakislot..mas lalo pa siyang parang nagtaka ng makita na ako.nakatalikod kase sakin kanina nakaharap sa bahay.. naalibadbaran ako kase yung klase ng tingin niya parang sinusuri ako.

"ah sino po ang kailangan niyo?" tanong ko ulit kase hindi pa sya makasagot. Baka kase kamag anak ni papa na di ko kilala , romblon kase ang province ni papa, di pa ako nakarating doon kaya pwala pa akong masyadong kakilala sa mga kamag anak ni papa,

"kaibigan ako ng papa mo.pakisabi nalang dumaan ako" turan niya..tsaka nagmamadaling umalis..pero bago tuluyang naglaho ay lumingon siya..kitang kita ko ang kakaibang pagngiti niya. Pero siguro mali lang ako ng kita kase naman madilim na din.

Pero anu yun? bat parang bigla akong kinabahan sa ngiting yun? san ba nakilala ni papa yun??

"creepy!" turan ni Ivo.

"halika pasok na tayo sa loob .!" yaya ko para mailihis ang usapan kase nakakatakot ang itsura nong mama..

pagpasok sa loob ay agad naupo si Ivo sa sofa sa harap ng tv..

"ligo lang ako.noud ka lang diyan" at saka ako naglakad papuntang kwarto.

"sí señorita.." sagot naman niya habang nakangiti.

"senyorita your face!" sagot ko naman at napatawa lang siya.

agad akong kumuha ng damit at sosoutin ko at dumiretso ng cr.dun na din ako magbibihis kase pag lumabas ako ng cr na nakatapi ng twalya baka mahimatay siya.. hahaha :) nalingunan ko pa siyang busy sa pagtetxt..sinu namn kaya ang katext niya??

mabilis lang akong naligo at nagpalit ng damit at saka lumabas ng cr..dumiretso ako sa kwarto para magsuklay at maglotion at kung anu anu pa, you know, girl things.. kahit naman may pagka boyish ako gurl na gurl naman ako noh.

paglabas ko bumalandra sakin ang gulat at naka kunot noong mukha g kumag..

"por diyos por santo Thanaia what are you wearing?!"

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon