CHAPTER 17

39 2 0
                                    

Ivo POV:

Pagkasakay ko ng kotse ay napaisip ako ,lately naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko, naiinis ako kay Migo pag lumalapit siya kay Naya, parang ayaw kong palapitin siya, at mas lalo akong nabubuwisit kapag napapangiti siya nito, parang ayaw kung pumayag, parang hindi pwede dapat ako lang,  sumisikip ang dibdub ko pag nakikita kong natutuwa si Naya sa mga efforts niya bakit ganun?

Natatakot ba akong mawalan ng kaibigan o nagseselos na ako kay Migo??

Sinadya ko talagang wag ipaalam sa kanya ang lahat, ang estado ng buhay namin, dahil natatakot akong mailang siya sakin, lumaki akong walang kaibigan kaya pakiramdam ko hulog siya ng langit ng dumating siya sa buhay ko. Hindi man ganun kaganda ang unang encounter namin naging okay naman kalaunan.

At sinadya ko talagang ipasok siya sa hotel para naman kahit papanu makatulong ako sa problema nila at nang malaman na din niya ang lahat sakin., ipinakilala ko na rin siya kay mommy dahil matagal na din niyang gustong makilala si Naya, pero ako lang yung tumatanggi at hindi naman naging mahirap na kumbinsihen si mama na dun na siya magtrabaho dahil hindi ko pa man natatapos yung mga sinasabi ko ay pumayag agad at mukhang excited pa, natuwa pa nga nang sinabi kong ipapakilala ko na siya, kahit bawal yun sa hotel ay pumayag pa din siya,

Rewind:

"Mom , kailangan niya talaga ng trabaho baka naman pwede mo siyang isingit sa kitchen kahit---

"Okay, tanggap na siya , sige na dalhin mo na siya dito at ng makilala ko na siya!" Nakangiting sabi ni Mommy

"Tanggap agad mom?!" Di makapaniwalang turan ko.

"Drake, sabi mo nga bestfriend mo siya at sa lage mo ba siyang ikinukwento sakin eh kilalang kilala ko na siya maliban nga sa mukha niya" sabi ni mama, lagi ko kasing nakukwento sa kanya si Naya kaso di pa sila nagkikita ng personal,

"Sige mom, susunduin ko lang siya, nasa kitchen kase." Turan ko.

"Okay, im happy for you son, since youve met her bumalik na ang dating ikaw sana magtuloy tuloy na yan at sana hindi ka na masasaktan ulit kagaya ng sakit na dulot ni Me- ---

"Mom, napag usapan na natin to di ba?." Putol ko sa dapat ay sasabihin niya, ayaw ko nang maalala lahat.

"Okay, sige na, im so eager to meet her," pagtataboy naman sakin ni mama.

End of rewind:

pero pati ako naweiweirduhan na ako sa sarili ko,  nagiging possesive na ba ako?? O obssesed na ba ako sakanya?? Natatakot akong sagutin niya si Migo ,kase baka lumayo siya sakin ng paunti unti, tama na ang minsan na nawalan ako, sobrang sakit kaya ayaw ko nang maulit pa.

natatakot akong pati din siya, pero ayaw ko namang pagbawalan siya, dun siya masaya, tsaka bestfriend niya ako dapat susupurtahan ko lang siya. Pero nangangamba pa din ako, natatakot sa pwedeng mangyari.

Pinaandar ko ang kotse at agad nagtungo sa isang pribadong hospital, may nagtext kanina, gising na raw siya, thanks god! After 4 long years in coma, nagising narin siya, makakausap ko na din siya, mabuti nalang at hindi siya sumuko.

*****

Naya's head:

Nakakatuwang isipin pero bat ambilis lumipas ang araw, halos tatlong buwan nang nanliligaw si Migo, at almost 3 mo's na din akong nagtratrabaho sa hotel at ang laki ng naitutulong non sa amin, lalong lalo na sa pinagkakautangan nina mama, nakikita ko paminsan minsan yung lalaking nainingil kina mama, creepy talaga siya at parang lageng natatakot sa kaniya si mama, ang pangit kasi ng aura niya. At hindi ako pinapayagang lumapit sa kanya.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon