49

11 0 2
                                    

Sa dalawang linggo na pananatili ko sa ospital halos doon na rin manirahan si Ivo. Kasi lagi siyang andoon para alagaan ako,lalo nankapag wala sina Mama dahil kailangan naman niyang magpahinga..

nagsimula na rin ang klase,at dahil di pa ako makakapasok hahabol na lang ako..

Pati si Atty at ang kanyang asawa madalas din sila ng dumalaw.. di ko nga alam kong panu makakabayad sa mga tulong nila..

Sila na kasi ang sumagot sa pagkakaospital ko, tapos siya pa ang blood donor ko.. di ko na talaga alam kong panu ako nakakabayad sa kanila,ang dami ko ng utang na loob.. isama pa na siya ang hahawak sa kaso ko..

Pero madalas na napapansin ko kapag dumarating si atty sa ospital,laging lumalabas si Ivo at ang sama ng tinging pinupukol niya kay Atty, magkakilala kaya sila??

"Ivo, kakilala mo ba si Atty?" Tanung ko. Nasa bahay na ako ngayon,nagpapahinga, di pa ako pwedeng kumilos kasi di pa masyadobg magaling ang sugat ko.. masyadong malalim kasi tapos may naapektuhan pang organ kaya mas mahirap magheal.

Kadarating niya lang galing school,dito siya dumidiretso after school. Tsaka lang siya uuwi kapag matutulog na ako..

Naawa na ako minsan sa kanya,parang di siya napapagod alagaan ako.

"Ha?" Parang gulat na tanong niya..

"Si atty kakilala mo?" Ulit ko.

Pinatay niya yung pinapanoud namin at hinila ako sa kuwarto. Kaya nagtataka akong napatingin sakanya.

"Gusto mo talagang malaman?" Tanung niya kaya tumango ako.

"Naalala mo pa ba yung kinuwento ko sayu dati na Atty nung lalaking nakadisgrasya kina Casee?"

Tumango ulit ako..

"Siya yun Naya..". Dagdag niya at kitang kita ko ang galit sa mukha niya.

"alam mo bang dahil sa kanya, tatlong buwan lang nakulong yung driver, di man lang nabigyan ng hustisya ang nangyari." Turan niya kaya napatitig ako sa mukha niya.. andoon pa rin yung sakit at galit..

Nilapitan ko siya at hinawakan. Malalim pa rin yung pinaghuhugutan niya. Masakit pa rinsa sakanya.. pero katulad ng dati di na yun ganung masakit para saakin dahil tanggap ko nang parte yun ng nakaraan niya na at alam kong masakit na masakit para sakanya.
Dahil naagaw sakanya ang mahal niya sa murang edad..

I cant blame him.. pero kailangan niyang magpatawad.. kahit wag na niyang kalimutan.. basta magpatawas lang siya..

"Di ka makakalaya sa nakaraan Ivo kung ikukulong mo ang sarili mo sa galit sa mga taong damay sa nangyari.." turan ko kaya napatingin siya sakin.

"Isipin mo na lang to para mapatawad siya.. dati,tingin mo sa kanya kalaban dahil sa nangyari kina Casee.. " turan ko at naupo sa kama, sa tabi niya.

"Ngayun Ivo,ako naman ang ipaglalaban niya sa korte.. malaki ang tiwala ko sakanya, siya ang tutulong sakin para mabigyan ng hustisya ang nangyari sakin.. kapag ba nabigyan niya ng hustisya ang nangyari sakin.. mapapatawad mo ba siya??" Turan ko kaya kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha niya..

"Ivo,ginawa niya lang ang trabaho niya that time, alisin mo yang galit diyan." Turan ko at hinawakan ang dibdib niya..

"Utang ko sakanya ang buhay ko, at di ko alam kong panu ako makakabayad sakanya, di ko to sinasabi para mapatawad mo siya pero Ivo, ang tagal na.. magpatawad ka na para makalaya ka.." turan ko at iniwan siyad doon sa kuwarto.. kailangan niyang mag isip.. matagal na yun.. sana this time kaya na niyang magpatawad.

****
Dahil pwede na akong pumasok bumalik na rin kami sa dati ni Ivo, hatid, sundo.

Dahil di pa ako makakapasok sa hotel, sa bahay muna ako para makapag cope up sa mga past lessons na di ako na kaattend.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon