33.2

15 1 0
                                    

Inalalayan na rin nya ako at tinulungan sa pagbuhat ng gown ko pabalik ng party..

Agad namin natanaw ang mesa namin nina Casee kanina at mukhang may katuwaan..

Agad kaming lumapit doon..

"Uyy mukhang nagkaaminan na," nakangiting tukso ni Migo na pasimpleng binitiwan ang kamay ni Casee ng malapit na kami.

Namula ako sa sinabi niya.grabe naman siya makabroadcast.

Pinilit ko nalang ngumiti pati si Ivo.

Pinaghila niya ako ng upuan kaya mas lalo pa akong namula.anu to?? Nagpapakgentleman na siya. Ayos ah!!

Sina Reeka at Casee bakas sa mga mukha ang tuwa at panunukso pero mas pinili lang nilang mangiti at manahimik.

"So, ..." makahulugang sabi ni Reeka at nangalumbaba pa na parang abogadong naghihintay ng sagot..

"Anu??" Defensive namang sabi ni Ivo kase lahat ng mata sa mesa nakatingin samin.para kaming nasa presinto na nakareding imbestigahan at usisain.

"Anung score??" Di na napigilang bulalad ni Casee.

"Nagka.." turan ni Ivo tsaka lumingon sakin na parang tinatanung kung anung sasabihin niya. Tinanguan ko lang siya para magtigil na rin tong mga to.

"Nagkaaminan na.. and.." pagbibitin niya sa sasabihin niya.

"And??" Sabay na sabay nilang tanung. Ddi halatang curious!

"And,liligawan ko palang siya," turan niya.

Gusto kung tumawa sa mga reaksiyon nila kase para silang natalo sa pusta at nagsilaglagan ang mga balikat.

"Liligawan pa?? Akala ko pa naman kayu na." Turan ni Casee.

"Dapat lang naman na ligawan ko muna siya, tsaka ako ang unang magiging bf niya,kaya kailangan kong paghirapan muna, " sagot naman ni Ivo at pasimpleng hinawakan ang kamay ko sa ilalim ng mesa.kaya napakislot ako pero hinayaan ko lang siya.ang sarap kase sa pakiramdam.

"Eh kung nagkaaminan na,kailangang may paligawligaw pa?? Iba ka Naya,wag mo nang pahirapan.." pabirong sabi ni Reeka.

"She's worth it Rikz..and willing naman akong maghintay," nakangiting sagot ni Ivo. Ibang ibang aura niya ngayon, kung dati ang lungkot ng mga mata niya ngayun bumalik na yung dati na kapag ngumiti siya sumusunod ang mga mata niya na kaya atang higupin ang kaluluwa ko.

At labis akong kinilig..im worth it daw oh.

"Okay, lets celebrate then.." nakangiting sabad naman ni Migo.

"Ill just go grab some drink!" Sabi naman ni Jared at naglakad na palayo.

"Thanks Bro!" Turan ni Ivo kay Migo.

"Naya is not destined to be mine, but she is.."turan niya sabay lingun kay Casee na bahagyang namula..

"Take care of her," sabi naman ni Ivo.

"Take care of Naya also!" Sabi naman ni Migo.

And thet shake hands..so it means okay na sila,

Nilingin ko si Migo and mouthed thank you.. nagthumbs up lang siya sabay ngiti.

Maya maya ay bumalik na si Jared na may dalang red wine at isang juice para kay Reeka..

"Here you go!!" Excited na turan niya at sinalinan ang mga wine glass sa harap namin.

"For Drake and Naya," sigaw ni Migo. At tinaas ang kamay na may hawak na alak.

Siente Mi AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon