"Pahinga ka na rin," turan ko at nagpaalam na.
Agad akong pumasok sa kwarto at nag ayos para makaligo na ng maayos..
Pagkatapos kong maligo ay kumain muna kami, di na nakasabay sina Beatriz dahil mga tulog na..
Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko na sa kwarto niya si Reeka para makapagpahinga naliligo kase si Casee..
Lumabas muna ako at pumunta sa tabing dagat.
Naupo ako sa buhangin.. malamig ang simoy ng hangin.. ber na kasi.. malapit na ang pasko.. tumingin ako sa malayo..
Marami pa ring tao ang naglalakd..lumalangoy at nagkwekwentuhan sa tabing dagat..
Biglang nagflashback lahat ng nangyati ngayung araw.. kanina nakita kung paanu mag alala si Ivo kay Reeka..
Nakakinis pero mas maskit pala pag ganun..yung pilitong tinatago lahat..yung pinipilit mong isiksik sa utak mong okay ka lang kahit durog na durog na ang.puso mo.
Eto yung mga panahon na masarap umiyak kaso hindi eh..hindi pa kaya ng mata ko.. ewan ko ba sasarili ko bakit hindi ko magawang umiyak ng ganung kadali..
Napayuko ako nalang ako..mas mahina pa ako sa mahina.. dahil sila nakakaiyak sila..nakikita mo silang mahina.. pero ako malakas daw.. oo malakas ..pero ang hina ko dahil ako mismo hindi ko matanggap sa sarili kong nasasaktan ako.. pati nga mata ko nagiging plastic na rin dahil hindi man lang makaluha ni isa.. ang hina ko kase di ko mailabas lahat ng mga sakit sa paraan na mahinahon..nasanay ako sa pagwawala at hindi sa pag iyak..
Napangiti ako ng mapakla..masakit pala, habang nakikita ko silang masaya mas sumasakit kase ang saya saya nila.. alam kong dapat maging masaya din ako para sakanila pero ipokrita ako kung sasabihin kong masaya ako for them. dahil alam kong hinde.. nasasaktan ako.. yun ang totoo, hindi lang basta bastang sakit .. kase sobrang sakit na.. napapikit ako ng mariin..
Ng biglang mag ring ang cellphone ko..
Galing kay Thiara..
"Hello madams!" Agad kong bati..akalain mo nga namang ngayun pa siya napatawag kung kelan kelangan ko siya.
"Oh madams kumusta??" Tanung niya.
"okay naman.. ikaw??" Ako.
"Bat mukha kang malungkot??" Siya
"Wala na ba akong karapatang maging malungkot??" Utas ko
"Gaga! Ang tanung bat ka malungkot??" Utas naman niya.
Napabuntong hininga ako.
"Madams kelan ka uuwe??" Tanung ko.
"Bakit???" Siya.
"Miss na kita.." malungkot kung turan..
"Hoy Madriaga wag ka ngang maarte! Anu nga ang problema??" Sigaw niya.
"Mahirap ipaliwanag," sabi ko.
"Anu ba? Wag ka ngang maarte diyan!" Sigaw pa niya lalo.
"Alam mo Thiara hindi ka nakakabingi.. ang sarap sarap sa tenga yang sigaw mo.." sabi ko.kase kung makasigaw parang wala ng bukas.
"Alam ko, kaya habang nag eenjoy ka sa pagsigaw sigaw ko pwede magsabi ka na!" Sigaw niya ulit.. at talagang kinareer!
"Hoy Thiara nag eenjoy ka na sa pagsigaw ha!!" Malakas na sigaw ko. Napatigil tuloy yung naglalakad sa may dalampasigan
"Magkwento ka na kase.." malumanay niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...