"Good evening sweet Naya!" Sabi ng boses na hindi ko matukoy kong totoo oh panaginip lang, pero nararamdaman kong may kumikiliti sa tenga ko.
Hayyyss! Tinakpan ko nalang ng unan ang mukha ko, gusto ko pang matulog, kaso bigla na namang may humila dito.
Dahilan para mapabalikwas ako,
"Anu ba!! Natutulog ang tao oh!!" Angil ko, magbiro ka na nga lang daw sa lasing wag lang sa bagong gising lalo na at ikaw ang gumising! Sabi nga nila diba, ako yung tipo ng tao na na una sa lahat , ay ayaw na ayaw kung napipilit na nagigising ,pag hindi na ako gumising sa unang try mo, wag mo ng ulitin dahil magtratransform ako into a lion.
"I miss you too!" Nakangiting bungad sakin ni Ivo.
"Anung ginagawa mo dito?" Utas ko. Asar!! Ang sarap ng tulog ng tao!
"Dinadalaw ka, di mo ba ako namiss??" Tanung niya.
Agad kong inayus ang unan ko tsaka tumayo.
"Nagpapahinga po ako, pwede bukas nalang?? Wala namang pasok bukas, bumalik ka nalang!" Angil ko. At padabog na bumaba sa hagdan ng tree house.
Honestly ,hindi ako nagniinarte pero gustong gusto ko talagang matulog ,dahil pakiramdam ko pagod na pagod na pagod ako, physically ,mentally at emotionally, :( kailangan kong magpahinga, parang kulang ang boung magdamag at maghapon na tulog para maipahinga ko tong pagod na nararamdaman ko, ewan ko ba.
"Akala ko kase namimiss mo ako,dumiretso pa naman ako dito galing airport para makita ka kase namiss kita," matamlay niyang turan, dahilan para mapatigil ako bigla, bakit ganun, anu bang nangyayati at kumabog na naman ang dibdib ko, parang may tumusuk sa puso ng kung anu pagkarinig ko ng malungkot na boses niya. Affected na naman ang boung pagkatao ko.
Lately kase nahihirapan na akong pakisamahan ang puso ko, ayaw ko sa mga itinitibok niya , binabalewala ko, iniiwasan ko kaso ang kulit niya eh , nahihirapan akong kalabanin siya alam kong iba na tong nararamdan ko towards kay Ivo, kumpara sa nararamdaman ko para kay Migo ,
Nakakapagod din palang labanan ang puso ,ayaw ko nito, mali to, hindi dapat, magkaibigan kami, at mas mahalaga yun kesa sa anu pa man, ayaw kong irisk ang freindship namin para sa love na yan, kahit pa sinabi niyang ang pag ibig ay isang sugal.
Liningon ko siya at nagtama ang mga mata namin , ang lungkot ng mga mata niya , para siyang pagod na pagod at hapong hapo, bigla tuloy may kung anung malamig na humaplos sa puso ko,
Diyos ko Naya, wala pang pahinga yung tao, galing pa daw ng airport at dumiretso dito para lang makita ka tapos mag iinarte ka lang?? Anu bang pinaglalaban mo?? Sigaw sakin ng isang parte ng utak ko.
Parang may bumuhos ng malamig na tubig sakin. Bigla akong natauhan . Nagmamaldita na naman ako. Seriously??
Agad akong bumalik sa kinaroroonan niya at umupo sa tabi niya.
"Sorry," mahinang sambit ko.
"Hindi mo ba ako namimiss dahil kay Migo?" Maya maya ay tanung niya.
Tinignan ko siya , bakit nadamay si Migo sa usapan?
"Anung kinalaman ni Migo?" Balik tanung ko.
"Baka lang naman kase mas close ka na sakanya, kaya di mo ako namiss," turan niya na may halong tampo ang boses.
"Sus selos ka?" Sabi ko.
"Nakakaselos naman talaga," sabi niya na nagpatahimik sakin , wag kang umasa Naya, kaibigan mo yan kaya natural lang na magselos, sabi ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Siente Mi Amor
RandomVenus Thanaia Madriaga, simpleng babae na may simpleng buhay. Bestfriend ng gwapo at mayamang si Steve Drake Fuentevilla, Paano kung isang araw magising na lang siya na inlove na siya sa kanya? At paano kung ang simpleng buhay niya ay magbago sa is...