Kabanata 2

25 3 0
                                    

NAPAKUNOT NOO nalang si Elias nang makita ang pag mamadali ng babae sa pag alis. Kanina niya pa ito napapansin at mukhang may hinihintay din ito doon katulad niya. Pero wala pa naman itong kasama nagmamadali na sa pag alis? Baka nainip na kaya hindi na nakapag antay.

"Sa bahay kaba ulit kakain?"

Napatingin siya kay Veronica ng marinig ang sinabi nito.
"Oo, Maraming niluto si Manang eh."

Napahagikhik nalang ang magkapatid at sumakay na sila sa dala niyang sasakyan.

Matalik na magkaibigan ang kanyang mama at ang mama nina Katrina at Veronica. Halos magkakasabay silang lumaki sa maynila noon dahil iisa lang ang subdivision ng mga bahay nila. Itinuring narin niyang mga nakababatang kapatid ang mga babaeng Del Rosario.

Narito siya ngayon sa probinsya ng mga ito upang samahan ang kanyang mama. Magtatayo kasi ito ng isang Restaurant at kasosyo ang Tita Isabela niya, ang mama nina Katrina at Veronica. Bukod doon ay plano din ng mga magulang niyang bumili  ng property dito para gawing bahay bakasyunan. Itinuturing narin niya itong bakasyon dahil simula nang nag aral siya sa kolehiyo at ngayong nagtapos na siya ay wala siyang maayos na bakasyon dahil inubos niya ang oras at panahon sa pag aaral ng mabuti.

"Sa weekend ay ipapasyal ka namin sa magagandang tourist spots dito samin." Sabi ni Katrina na siyang katabi niyang nakaupo sa front seat. Sa back seat naman si Veronica na tahimik lang habang may tinitipa sa hawak nitong cellphone.

Napansin nga niyang marami ang mga beach resort dito sa Masbate. Isa na doon ang tinutuluyan nila ngayon na isang Hotel - Beach Resort na isa sa pinakamagandang Beach Resort sa probinsya.  Halos magkakatabi lang. At ayon sa research niya ay marami din ditong mga water falls at mga isla na talaga namang dinarayo ng mga turista.

"Gusto ko yan. Tagal ko nang di nakakapag dagat." Aniya habang ginagarahe ang sasakyan sa harap ng bahay ng mga Del Rosario. Nauna ng magbukas ng pinto sa likod si Veronica at lumabas. Saka lang din sila lumabas ng sasakyan ni Katrina.

Ang magkapatid lang ngayon ang narito sa bahay ng mga ito at ang may edad ng katulong na si Nanay Adela. Nasa Presinto kasi Si Tito Fidel na isang pulis. Hindi na yata iyon umuuwi kapag tanghali.

Pinagbuksan sila ng gate ng matandang kasambahay at magkakasabay silang pumasok. Pangalawang araw na niya ngayon dito sa Masbate at hindi pa siya nakakapag libot kaya naman plano niyang mamasyal sa weekend kasama ang dalawang kaibigan.

"Sabi ni mommy ikaw na daw ang papalit kay Tito Eliseo pag uwi niyo ng maynila?" 
Tanong ni Katrina.

"Yup. Lilipat si papa sa Kompanya nila Lolo at ibibigay niya sakin ang pamamahala ng publishing company."

Ang business ng kanyang lolo ay itinayo pa ng mga magulang ng mga ito. Gumagawa iyon ng iba't ibang furniture na iniaangkat sa iba't ibang bansa. Isa ang kompanya  nila sa matunog ngayon sa market sa larangan ng mga furnitures dahil bukod sa magaganda ang mga design ay talaga namang pulido ang pagkakagawa. Ang publishing company naman na pamumunuan niya ay itinayo ng kanyang papa sa sariling sikap nito. 

"Pag nakapagtapos ako kunin mo ako ha."

Napangiti siya sa sinabi ni Katrina. Kahit hindi nito sabihin iyon ay talagang mag ooffer siya kapag nakapagtapos na ito.

"Depende sa grades mo. Kaya mag aral ka ng mabuti para bigyan kita ng posisyon sa kompanya ko." Pagbibiro niya.

"Sa maynila ako mag ka-college at mag aaral ako ng mabuti noh. Ayokong mapahiya sa boss. Nakakahiya naman." Pabiro siya nitong inirapan na ikina iling lang niya.

Nagpaalam ang dalawa na magbibihis lang bago sila kumain na agad naman niyang tinanguan.

Pagbalik ng dalawa ay kumain na sila agad dahil ihahatid niya pa ulit ito sa paaralan ng mga ito saka siya babalik sa hotel na tinutuluyan niya para gugulin ang oras niya sa pag aaral ng kompanya na pamumunuan niya.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon