"TALAGA ate? Isasama mo kami ni Mico?" Hindi maitago ang excitement sa boses ni Maya habang nagtutupi ng mga damit.
Kakatapos lang nilang mananghalian ng sabihinin niya sa dalawang kapatid na isasama sila ni Elias. Ang kanilang mama naman ay wala nang sinabi noong nagpaalam siya dahil tiwala naman ito kay Elias. Gusto niya rin sana itong isama kaso alam niyang hindi ito papayag dahil alas tres ng hapon ay babalik na ito sa palengke para mag ayos ng paninda. At gagabihin na ito doon. Hanggang ngayon nga ay nasa palengke pa ito at ilang oras lang ang pahinga.
"Oo nga. Bilisan mo na diyan at mamaya narito na si Elias." Kakatapos niya lang maligo ngayon at naghahanda na dahil alam niyang anumang oras ay darating na ang binata.
"Excited lang? Ano na kayo ni kuya Elias ate?"
"Magkaibigan." Sagot niya at inirapan ito ng makita ang mapanudyong ngiti sa mga labi.
"Talaga ba? May magkaibigan bang hinahatid sundo ka at kung makapagbakod saiyo grabe?"
"Makapagbakod sinasabi mo? Ikaw lahat nalang binibigyan mo ng malisya!"
"Ay naku wag ako ate Mira. Baka di mo alam tinitext ako non at tinatanong kung may sumasama sayong boys sa school. Minsan nga pag hindi ako agad makapagreply pinapasahan ako ng isandaan na load."
Agad na napabaling siya sa kapatid.
"Humingi ka ng load sa tao?!""Hoy hindi ah! May hiya naman ako noh. Ang sabi ko pag hindi ako agad nakakapagreply pinapasahan niya ako ng load. Baka akala niya wala akong load kaya di ako nakapagreply. " Inismiran siya ni Maya at tinapos na ang pagtutupi ng mga damit nila.
Pagsasabihan nga niya mamaya si Elias. Kahit naman walang wala sila ay hindi naman sila nang aabuso sa kabaitan ng isang tao. Palagi na nga itong may dala tuwing pumupunta sa kanila at pati ba naman sa pagloload sinasagot pa nito?
Bumukas ang pintuan at pumasok ang bunso nilang kapatid. Nakapagbihis na ito ng pinakamaayos nitong damit. Itinatak niya sa isip na sa susunod na sumahod siya ay bibilhan niya ng isang pares ng masusuot ang kapatid para naman hindi iyon lagi ang suot nito tuwing may lakad.
"Pogi naman ng Mico namin." Lambing ni maya at lumapit sa kapatid para guluhin ang buhok nito.
"Ate May! Sinuklay ko na yan." Iwas naman ni Mico na bahagyang lumayo.
"Arte mo naman! Kahit na anong gulo ng buhok mo pogi ka parin naman dahil may lahing Americano ka kaya."
Hindi na sumagot si Mico at sa kanya humarap.
"Okay na yan bunso. Hintayin mo nalang kami sa sala. Mabilis nalang to."
Walang imik na lumabas si Mico sa silid nila ni Maya at siya naman ay binilisan na ang pag aayos sa sarili sa harap ng salamin. Nakaligo na rin naman si Maya kaya hihintayin nalang nila si Elias na dumating.
Hindi nga nagtagal ay bumungad sa pinto nila si Elias. Naka gray na t-shirt at simpleng panlakad na short at itim na sapatos. Pero kahit ganoon ay napakagwapo parin nito at malayo palang ay nanunuot na sa ilong niya ang pabango nitong hindi masakit sa ilong.
"Poging pogi natin ngayon kuya Elias ah. In love ba?" Birong tanong ni Maya na agad naman niyang siniko.
Umiling iling nalang si Elias at tumingin sa kanya. Agad ang pag iwas niya ng tingin dahil nahihiya sya sa nangyari nang nagdaang gabi. Gusto niyang kutusan ang sarili. Hindi pa sila at walang sinasabi ang binata na gusto siya nito pero kung maghalikan sila kagabi parang sila na!
"Ready na ba kayo? Alis na tayo." Si Elias.
"Sus kami paba kuya Elias? Kanina pa. Ano tara na!" Nauna nang lumabas ng bahay si Maya at akay akay si Mico.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...