Kabanata 10

25 2 0
                                    

"HEY ARE you okay?"

Mas lalong humigpit ang yakap ni Mira kay Elias. Hindi niya napigilang kumawala ang mahinang hikbi. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman ng makipagsuntukan ito kanina sa tatlong lalaki. Mabuti nalang naroon sina Carl, Randell, Jayson at Ronald. Kung wala ay baka nabubog na ito.

Hinagod nito ang likod niya.
"Ayos na Mira, wala na ang mga bastos na yon."

Umiling siya. Hindi naman siya umiiyak dahil nabastos siya. Sa uri ng trabaho niya at bar pa iyon,hindi maiiwasang maka encounter ng mga ganong pangyayari. Natakot lang talaga siya kanina dahil nakipag away pa ito gayong pwede naman niyang palagpasin nalang iyon para wala nang gulo. Natakot siya para sa binata. Paano kung wala ang mga kaibigan niya? Tatlo ang mga gagong yon!

"Mira, umuwi kana muna.. mukhang nabigla ka sa nangyari." Payo ng boss nila.

Kumawala siya sa pagkakayakap kay Elias ngunit hinawakan nito ang kamay niya.

Tumango siya sa may ari ng bar.
" Sige po. Mukhang nanghina nga po ako dahil sa nangyari. Ngayon ko lang naranasan na may nag away sa harapan ko kaya n-nabigla po ako. "

Tumango ang babae at napatingin kay Elias saka na ito umalis.

"Mi, ihahatid na kita." Presinta ni Carl na hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanila at ang tatlo pa niyang kaibigan.

"Ako na Carl. Nong nakaraan nga na uminom ka hindi kana makatayo. Baka mabangga mo lang ang motor mo lalo pa't nakainom ka na naman ngayon." Sabi naman ni Jayson.

Naramdaman niya ang pag higpit ng hawak ni Elias sa kanya. 

"Ako ang maghahatid kay Mira." Sabi ni Elias na nakapagpatigil sa dalawa.

"Sino kaba ? Bakit kaba nakikialam kay Mira?"

"Ano naman sayo?"

Mukhang mag aaway away pa ang mga ito!
"Kay Elias ako sasama.. wag na kayong mag abala pa. Ipagpatuloy niyo nalang ang pag inom niyo."

" Sino ba ang lalaking yan Mi? "

" Kaibigan ko Carl. "

" Kaibigan lang din pala kung makaasta akala mo kung sino! " Si Jayson na talagang naghahamon ng away.

Hinigit niya palayo sa mga kaibigan si Elias dahil baka magkaroon pa ulit ng gulo. Huminto sila ng makalabas na nang paraiso.
" Hintayin mo ako dito. Kukunin ko lang ang bag ko."

" Babayaran ko yung inorder ko. "

Umiling siya. Sagot na lang niya iyon dahil sa pagliligtas nito sa kanya kanina.

" Ako na ang bahala."

Bumalik siya sa loob at kinuha ang bag niya. Dumaan din siya sa counter para bayaran ang ininom ni Elias.

"Ayos ka lang ba Mira?" Tanong ng mga kasamahan niyang nasalubong niya.

"Oo pasensya na mag half day lang muna ako. Bawi ako bukas. "

"Naku walang problema! Ako nga noong una kong maka experienced ng ganyan nahimatay pa talaga ako." Sabi ni Melanie.

Tumango siya at tipid na ngumiti sa mga ito . Hinanap ng mga mata niya si Angel para makapag paalam ngunit may inaasikaso itong costumers kaya nagtanguan nalang silang dalawa.

Ang mga kaibigan niya naman ay bumalik sa mga mesa nito at nagpatuloy sa pag iinuman. Hindi na siya nag abala pang lapitan ang mga ito at baka magtanong lang naman ng kung anu-ano.

Pinagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ni Elias. Walang imik na pumasok siya at agad naman nitong sinarado iyon at umikot sa driver seat at pumasok.

"Ayoko pang umuwi." Aniya sa mababang tinig. Napalingon ito sa kanya at Hinawakan ang nanlalamig niyang kamay.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon