Kabanata 29

18 0 0
                                    


WALANG pagsidlan ang saya ni Elias habang pinagmamasdan ang kaniig na mariing nakapikit ang mga mata habang bahagyang nakaawang ang bibig tanda ng katatapos lang nilang pagtatalik. Habol pa nila pareho ang hininga at tumatagaktak pa ang pawis mula sa kanilang mga katawan.

"You're only mine baby. Hinding hindi ako papayag na makawala kapa sakin. Lalo na ngayong naangkin na kita. Akin kalang." Aniya at mas lalo pang inilapit ang katawan sa dalaga at mahigpit itong niyakap na para bang mawawala ito sa kanya anumang oras.

Napabalikwas ng bangon si Elias at habol ang hiningang napaupo siya sa kanyang kama. Napahawak siya ng mariin sa kanyang sintido ng makaramdam ng bahagyang pananakit doon.

Ilang sandaling nanatili siya sa kanyang ayos upang mawala ang nararamdamang pananakit ng kanyang ulo.

Nang umayos ang pakiramdam ay napahinga siya ng malalim at napahilamos sa sariling mukha. Hindi ito ang unang beses na napanaginipan niya ang tagpong iyon. Hindi niya alam kung panaginip pa ba iyon o isa sa mga alaalang nawala sa isip niya.

Unti unti nang bumabalik ang kanyang alaala pero hindi pa lahat. Naaalala na niya ang kanyang kabataan, pagbibinata at hanggang sa makapagtapos siya ng kolehiyo. Hanggang doon pa lang ang naalala niya. At kahit anong pilit man niyang alalahanin lahat,natatagpuan na lang niya ang sariling iniinda ang hindi maipaliwanag na sakit ng kanyang ulo bago siya mahimatay at magigising na nasa hospital na.

The doctor has told him that it is dangerous for him to try to remember his past because it might never come back. He said he should just let himself remember on his own. Dahil babalik at babalik naman iyon ng kusa lalo pa't unti unti na ngang bumabalik ang mga alaala niya.

Who is the woman who keeps showing up in his dreams? He doesn't know her. It was none of the memories that were coming back to him.

Parte ba ito ng nakaraan niya? Ano ang relasyon niya sa babaeng iyon? Wala naman siyang maramdaman na kahit ano kapag nagigising siya. Pero kapag napapanaginipan niya ito, masayang masaya siya kapag kasama ito.

Dalawang taon ng relasyon nila ni Kaye ng mag proposed siya dito at tinanggap naman nito. Wala namang problema sa relasyon nila at pareho silang may maayos na trabaho kaya hindi na niya nais na patagalin ang pagpapakasal nila. Kahit naman hindi pa siya bumabalik sa pagtatrabaho ay may naghihintay narin naman sa kanyang kompanya na pamamahalaan niya kaya alam niyang kayang kaya na niyang bumuo ng sarili niyang pamilya. At walang ibang babaeng gusto niyang makasama sa pagtatag niyon kundi ang girlfriend niya lang na si Kaye.

"Mom, Dad.. magpapakasal na kami ni Kaye."

His parents stopped eating because of what they heard from him.

Kasalukuyan silang naghahapunan ng mapagdesisyonan niyang sabihin sa mga ito ang plano nila ng kanyang fiancee. They wanted to get married in the Philippines because their relatives were there and they wanted to be part of their wedding. And will come back here to America when they get married to live here.

Kakauwi lang ng kanyang mga magulang galing sa pilipinas. Ilang buwan din ang mga itong nawala para asikasuhin ang kanilang mga ari-ariang naiwan doon. Gustuhin man niyang sumama sa mga magulang ay hindi pumayag ang mga ito at hindi niya rin maiwanan si Kaye dito sa amerika.

"E-elias.. Are you sure about that?" Nabibiglang tanong ng mommy niya.

"Of course mom, Kaye and I are at the right age and we love each other. Bakit pa namin papatagalin?"

"Elias.. hindi pa tuluyang bumabalik ang alaala mo.." anang daddy naman niya.

"It doesn't matter dad. Magpapakasal parin kami, bumalik man sa hindi ang alaala ko."

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon