MADALAS maitanong ni Mira sa sarili.. kung hindi ba siya sumuko noon, magkasama pa kaya sila hanggang ngayon? Magiging masaya ba silang tatlo ngayon?Akala niya noon, ang kanyang papa lang ang may kakayahang saktan siya. Akala niya.. ang hindi nito pagtanggap sa kanya ang siyang pinakamasakit na mararanasan niya sa buong buhay niya. Pero hindi pala.. Ang sakit na iyon ay katiting lamang kumpara sa sakit nang pagkawala ng lalaking pinakamamahal niya.
Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na darating ang panahong halos mawala siya sa sarili dahil lamang sa isang lalaki.
Sa isang lalaki na akala niya ay mananatili sa kanyang tabi.. at kasama niyang tutupad sa mga pangarap niya. Lalaking magmamahal sa kanya ng walang kapantay.. At lalaking magpapatunay sa kanya na true love exist.
Tatlong araw din ang naging bakasyon niya kina Elias noong birthday ng mommy nito. At sa loob ng tatlong araw na iyon.. ay masasabi niyang iyon ang pinakamasasayang araw sa relasyon nilang dalawa. At akala niya, hindi na iyon matatapos pa. Pero maling mali siya.
Nagsisimula palang ang kanyang ikalawang semester para sa ikalawang taon niya sa kolehiyo nang mapansin niyang nag iiba ang pakiramdam niya. Madalas siyang makaramdam ng pagkahilo at nagiging mainitin din ang kanyang ulo. Minsan ay nakakaramdam din siya ng hindi maipaliwanag na paghalukay ng kanyang sikmura.
May ideya na siya sa maaaring nangyayari sa kanya pero ayaw niya lang aminin sa sarili. Lalo na't hindi siya dinatnan ng buwang iyon.
"Hello baby? Are you still there?"
"Oo nandito pa ako."
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng nasa kabilang linya. Kausap niya ngayon si Elias.
Nasa eskwela ang kanyang dalawang kapatid at bakanteng oras niya ng mga sandaling iyon. Mamayang hapon pa ang pasok niya kaya mag isa siya sa bahay nila.
Hawak niya sa kamay ang pregnancy test na may dalawang guhit. Positive ang resulta. Nag dadalawang isip siya kung sasabihin niya sa binata na buntis siya.
Iyon ang gumugulo sa isipan niya kaya hindi siya makausap ng maayos ni Elias nitong mga nakaraang araw.
" May problema ba? Napapansin ko nitong mga nakaraan na parang wala ka sa sarili mo. Okay ka lang ba? Tell me, baby."
Napalunok siya at napakagat sa kanyang pang ibabang labi. Alam niyang wala namang problema kay Elias kung mabuntis siya pero natatakot siya. Hindi pa siya handa! At ano nalang ang sasabihin ng kanyang mama? Pinagkatiwalaan silang dalawa tapos mabubuntis siya sa kalagitnaan ng kanyang pag aaral? Paano ang mga pangako niya ditong magtatapos muna ng pag aaral at tutulong siya na pag aralin ang kanyang mga kapatid?
Mariin siyang napapikit at matapos ang isang malalim na hininga ay nagsalita.
"Baby.. b-buntis ako." Mahinang sabi niya. Hindi siya sigurado kung narinig ba nito iyon.
Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Napatingin pa siya sa cellphone kung naroon pa ang kausap.
"A-anong sabi mo? Pakiulit,please."
"B-buntis ako. Noong nakaraan pa, pinagdududahan ko nang.. buntis ako. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na mag pregnancy test. P-positive siya, Elias."
Muli itong natahimik kaya mas lalo siyang kinabahan. Ano kaya ang nasa isip nito ng mga oras na iyon? Narinig niya ang malalim na paghinga nito.
" Okay, ahm.. h-how are you feeling? Are you okay? Are you okay right now baby?""Okay lang ako pero hindi ko alam ang gagawin ko. Elias.. h-hindi pa ako dapat magbuntis. Nag aaral pa ako. " Nasapo niya ang noo at unti unting nanubig ang kanyang mga mata.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...