TAHIMIK SI MIRA habang nakaupo sa couch na nasa kwarto ni Elias sa isang pribadong hospital kung saan nila ito dinala ng mawalan ito ng malay. Natagpuan nalang niya ang sarili na nakasakay sa ambulansya kasama ito dahil sa sobrang pag aalala. Sumunod naman ang mga magulang ng binata na sakay ng mga sarili nitong sasakyan.Siya ngayon ang naiwan kay Elias dahil ang mga magulang nito ang kumakausap sa doktor na sumuri dito. Abot abot parin ang kaba niya lalo na ng malaman niyang may history ito ng aksidente at nabagok ang ulo nito dahilan para mawalan ito ng alaala. Dahilan para makalimutan siya at ang anak niya.
Nang hindi magawang pakalmahin ang sarili ay tumayo siya at nagsimulang maglakad lakad sa silid na iyon habang paminsan minsang sinusulyapan ang binatang walang malay na nakahiga sa kama.
Wala namang nakakabit na kung anong aparato sa katawan ni Elias dahil ayon sa narinig niya sa doktor kanina, maayos naman ang katawan nito at kailangan lang ng pahinga pero kinailangan paring i test ang utak nito dahil iyon ang malimit na cause ng madalas na pagkawala ng malay nito.
Ipinagsalikop niya ang mga nanginginig na mga kamay at lihim na nagdasal na maging maayos ang resulta ng test sa utak ni Elias.
Halos dalawang oras na rin itong walang malay at lumalalim na ang gabi pero hindi parin bumabalik ang mga magulang nito matapos ipatawag ng mga doktor.She turned around when the door opened and her Tita Isabela, her father and her siblings entered. Agad na lumapit sa kanya si Katrina at niyakap siya. Ganon din si Veronica.
"Are you okay ate? Kumain kana ba?" Tanong ni Katrina.
Umiling siya bilang tugon sa tanong nito at hindi niya alam kung makakakain ba siya hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan ni Elias.
"Maayos naman daw ang lagay ni Elias. Tumawag si mommy kay Tita Lorna kanina. sumasakit daw talaga ang ulo ni Elias kapag may alaalang bumabalik sa kanya. Minsan nakakayanan naman niya ang sakit, pero kadalasan..he fainted from a headache just like now. " sabi naman ni Veronica na lumapit sa natutulog na si Elias at marahang hinaplos nito ang kamay ng binata.
"Hindi din namin alam na naaksidente pala siya kaya sila biglang nanirahan sa ibang bansa. Walang nabanggit si Lorna na dahilan kung bakit sila biglang nawala." Ani naman ni Tita Isabela. Makikita ang hindi makapaniwalang bakas sa mukha nito.
Ang kanyang papa ay naupo sa couch matapos ilapag sa lamesa ang dalang paper bag na hinuha niya ay mga pagkain. May mga dala din itong tubig at prutas.
"A-alam niyo ba Kat? Na may amnesia siya?" Halos hindi na niya marinig ang sariling boses sa tanong na iyon.
"Hindi ate eh, promise.When we met in Manila when he just returned home, it was okay. We did not notice anything unusual about him. Except that he constantly asks about you . Sobrang nagulat siya noong malaman na kapatid ka namin."
" Naiintindihan naman namin kung nagulat siya dahil nang umalis sila, he still doesn't know that you are Dad's daughter. So we ignored his few questions."Sabi din ni Veronica.
Napakagat siya sa pang ibabang labi. Bakit hindi niya napansin? Alam niyang ibang iba na ang Elias na bumalik sa Elias na kilala niya pero hindi na niya iyon pinag tuonan ng pansin dahil mas nangibabaw sa kanya ang galit dito sa biglang pag iwan nito sa kanya at naisip niya ring ang pag iiba ng ugali at kilos nito ay dahil din sa ilang taong pagkakalayo nila.
"Hindi ko maintindihan kung bakit itinago ito saatin ng mga Guerrero. Malapit ang mga pamilya natin sa kanila at hindi ko lubos maisip na naitago nila ito saatin sa loob ng anim na taon. " iiling iling na sabi ng kanyang papa.
May magsasalita pa sana sa kanila nang muling bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Elias. Lahat ng mga mata ay natuon sa mga bagong dating. Agad na napatayo ang kanyang papa at tinapik sa balikat ang daddy ni Elias. Si tita Isabela naman ay agad na sinalubong ng yakap ang kaibigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/332745119-288-k716000.jpg)
BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...