DAHAN DAHAN NA napabalikwas ng bangon si Elias at agad na iminulat ang mga mata. Ramdam niya ang pamamawis ng kanyang noo kahit na may malamig na hanging ibinubuga ang aircon ng silid na inuukupa niya. Habol niya ang hininga ng inabot ang isang bottled mineral water na nakapatong sa bedside table niya at ininom iyon.Ang panaginip niya.. ang babaeng iyon na naman ang laman ng panaginip niya at sa pagkakataong iyon, may mukha na ito. It's Mira. Ang babaeng paulit ulit na nagpapakita sa panaginip niya ay walang iba kundi si Mira. O kung panaginip nga lang ba ang lahat ng iyon? Hindi na niya alam dahil pakiramdam niya ay totoong totoo ang mga pangyayari doon.
Napahilamos siya sa sariling mukha at ipinilig ang ulo para pakalmahin ang sarili dahil ramdam parin niya ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Hindi niya alam kung para saan iyon at nakakaramdam pa siya ng mumunting kirot. Hindi naman niya iyon nararamdaman sa mga pagkakataong nakaharap niya ang dalaga.
Hindi dapat siya makaramdam ng ganoon dahil may girlfriend siya at mahal na mahal niya ito. Hindi maaring tumibok ng ganoon kabilis ang puso niya para sa ibang babae kung hindi manlang si Kaye.
Pinag isipan na niyang mabuti kagabi kung ano pa ba ang silbi ng pananatili niya sa lugar na iyon gayong nakikita naman niyang hindi na siya kailangan pa ni Mira. Na mukhang maayos naman ang buhay nito at wala nang pakialam pa sa kanya.
Tapos na ang lahat sa kanilang dalawa at may kanya kanya na silang buhay. Ayaw na niyang palalain pa ang sitwasyon kung mananatili pa siya at dahil nakapag usap naman na silang dalawa, mas maigi na sigurong umalis na siya sa lugar na iyon. Nag-stay lang naman siya para patawarin nito at bumawi sa naging kasalanan niya pero kung ganoong paulit ulit niya itong mapapanaginipan, mas maigi sigurong bumalik nalang siya sa buhay niya na wala ito.
Dahan dahan siyang bumangon at nagtungo sa banyo para maligo. Matapos siyang makapag ayos ng sarili ay inilabas niya ang maliit na maleta na kinalalagyan ng mga gamit niya at inayos na ang mga gamit doon. Buo na ang pasya niyang umuwi na ng maynila at tuluyan ng tanggalin sa sistema niya si Mira.
Matapos ayusin ang mga gamit ay nagpasya siyang lumabas ng kanyang cabin upang mag agahan muna at muli niyang kakausapin si Mira para magpaalam na dito ng maayos bago siya tutulak paluwas ng maynila.
Kasabay ng pagbukas niya ng pinto ay siyang pagbukas rin ng hindi kalayuang pinto ng isa pang cabin. Nangunot ang noo niya ng makita ang mabilis na paglalakad ni Mira at sa magkabilang kamay nito ay isang tray ng mga mukhang natapon na pagkain. Lalapitan sana niya ang dalaga upang batiin ngunit natigilan siya ng lumabas din mula sa cabing iyon ang kaibigan nitong si Jayson na nagmamadali pa sa pagsusuot ng T-shirt dahil tanging pang ibabang pantalon lamang ang suot nito na hindi pa naibubutones at hinabol si Mira. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya ng may isa pang babae ang lumabas sa cabin na nilabasan ng dalawa at nakasuot lang iyon ng roba. Hindi na ito sumunod sa dalawa at naguguluhan nalang na napahinto sa labas ng cabin.What the?!
Hindi siya tanga para hindi makuha kung ano ang nangyayari. Mabilis na naglakad siya at sinundan sina Mira at Jayson. Natagpuan niya ang dalawa sa hindi kalayuan. Maayos na ang pagkakadamit ng lalaki kaya siguro hinarap na ni Mira.
"I'm so sorry Mira. Sorry.." hinging paumanhin ng lalaki.
"Jayson ano kaba? Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman tayo para mag sorry ka dahil may nakasex kang ibang babae."
Natigilan siya sa paglapit sa mga ito dahil sa narinig. Hindi niya alam kung bakit bilang uminit ang ulo niya para sa lalaki. Alam niyang walang relasyon ang dalawa pero sa pagkakaintindi niya ay matagal nang nanliligaw ito kay Mira. Kung totoong mahal nito ang dalaga, bakit ito makikipagsex sa iba?
"N-natukso lang ako. Pagkatapos ng pag uusap natin kagabi, I was so broken and hurt. I got myself drunk then the next thing I knew.. kasama ko na si Carol. S-sandali kong nakalimutan ang sakit dahil sa kanya. Pero maniwala ka Mira.. Mahal na mahal kita."

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...