Kabanata 30

17 0 0
                                    


HINDI ALAM ni Mira kung papano pakakalmahin ang kanyang mama. Kahit nasa loob na ito ng kusina ng resort ay patuloy parin ito sa panggagalaiti. Tamang tama at dumating ang kaibigan niya kaya Kinakailangan niya munang iwanan si Elisse kay Jayson para lang makausap ang ina.

"Ma, tama na kasi. Wala na tayong magagawa dahil narito na ang lalaking yan."

" Wala akong pakialam sa gagong yan! At anong wala tayong magagawa? Resort mo to! Mapapaalis mo kung sino ang gusto mong paalisin dito! "

" Ma, pinapaalis ko na. Ayaw namang umalis. Saka wag kang mag aalala. Narito lang siya para humingi ng tawad saakin. At.. " napatikhim siya bago dinugtungan ang sasabihin.
" Ikakasal na siya ma. Kaya malabo yang iniisip niyo na makikipagbalikan ako sa kanya. "

Natigilan ang kanyang mama at mariing napatitig sa kanya. Pagak pa itong tumawa habang umiiling iling.

" Narito siya para ipamukha sayo kung gaano siya kawalang kwenta? "

Hindi siya nakasagot sa kanyang mama. Maski siya ay hindi maintindihan kung bakit kailangan pang magpakita ni Elias sa kanya para lang balitaan siyang magpapakasal na ito. Mas lalo lang nitong pinasama ang imahe sa kanila.

"Bakit kailangan niya pang ipaalam sayo na ikakasal na siya? Bakit naghahabol kapa ba sa kanya?"

"Hindi ma. Alam niyo yan.. Gusto lang daw niyang mapatawad ko siya para panatag ang pagpapakasal niya. Dahil kahit kayo, alam niyong wala kaming closure sa kung anuman ang relasyon namin noon."

Huminga ito ng malalim  bago humugot ng isang upuan at naupo doon.
"Wag na wag mong ibibigay sa kanya ang apo ko! Naku, magkamatayan muna kami bago niya makuha ang apo ko!"

"syempre hindi. At mukhang wala din naman siyang balak na kilalanin si Elisse. Wala siyang tinatanong ng tungkol sa anak namin ma. "

" Mabuti kung ganoon! Dahil hindi kailangan ni Elisse ng tatay na katulad niya!"

Pagod siyang tumitig sa ina. Alam niyang nasasaktan lang ito para sa kanilang mag ina. At kahit siya, kung siya ang nasa katayuan nito at may nanloko kay Elisse, hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin para maipaghiganti ang anak. Alam niyang hindi lang siya ang nasaktan at nahirapan noong iniwan siya ni Elias.

Matapos kumalma ng kanyang mama ay nagpaalam na siyang pupuntahan ang anak. Gusto sana niyang umuwi muna para pagpahingahin ang katawan at isipan pero mas pinili niyang abalahin ang sarili sa resort lalo na't marami silang costumers ngayon.

Napag alaman niya sa receptionist na nagpabook ng cabin si Elias. Good for two weeks.. mukhang magtatagal nga ito doon katulad ng sabi nito kanina.

Pumasok siya sa loob ng restaurant at naroon na sina Jayson at ang anak niya. Nagpaalam rin saglit ang mga kapatid niya na uuwi sandali at babalik nalang.

Naninimbang ang titig sa kanya ng kanyang kaibigan habang naglalakad siya palapit sa mesang inuukupa ng mga ito.

"Magdi- dinner na ba tayo?"  Tanong niya ng makalapit. Pinaghila siya ng upuan ni Jayson sa tabi ni Elisse. Agad naman niyang hinalikan sa magkabilang pisngi ang anak.

"Pwede rin para makauwi na kayo sa apartment niyo at makapagpahinga. Ihahatid ko kayo pagkatapos kumain. " Sagot ni Jayson.

"Hindi ako uuwi. Pupunta dito ang mga kapatid ko. Mag iinuman kami dahil ilang buwan din kaming hindi nag bonding."

"Paano si Elisse?"

" Ihahatid ko kina papa. Okay lang naman sa kanilang doon muna matulog si Elisse. "

" Sasamahan kita mamaya kung ganoon. Ayos lang ba? "

Ngumiti siya sa binata.
" Oo naman. Walang problema."

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon