Kabanata 20

11 1 0
                                    


NAPALABI si Elias habang pinagmamasdan ang kasintahan na mahimbing na natutulog. Pigil niya ang mapangiti sa sarili ng mapanguso ito kaya nakagat na lamang niya ang pang ibabang labi. Marahan niyang hinahaplos ang buhok nito para lalo pang lumalim ang tulog nito. Late narin kasi silang natulog dahil sa ilang ulit na nangyari sa kanila kagabi.

Mabilis niyang hinamig ang sarili upang patayin ang pagnanasang bumabangon sa katawan niya habang dumadaloy sa isipan ang kaganapan ng nag daang gabi. Pagod na si Mira at gusto na niya itong pagpahingahin. Tama na na nakatatlo sila buong magdamag.

Dahan dahan siyang bumangon upang maligo. Kailangan niya ng cold shower ng mga oras na yon dahil baka hindi niya mapigilan at magising si Mira ng wala sa oras.

Walang ingay siyang pumasok sa banyo. At habang umaagos ang malamig na tubig sa kanyang buong katawan, hindi niya mapigilang muling mapangiti. Nababaliw na yata siya. Okay lang bang mabaliw sa sobrang saya? Hindi naman ito ang unang karanasan niya, pero bakit napakasaya niya na sa kanya ipinagkaloob ni Mira ang sarili nito?

Does he love her so much that his heart is about to burst with so much joy?Tumango tango siya sa isiping iyon. Nakikiisa sa sinisigaw ng isip niya.

Mabilisan niyang tinapos ang paliligo para muli na niyang makatabi ito sa pagtulog kahit na papasikat na ang araw sa kanluran.

Marahil ay naramdaman ni Mira ang pagtabi niya dito dahil unti unti itong nagmulat ng mga mata. Pagod itong napatitig sa kanya pagkuway ngumiti.

"Morning baby," anas nito.

He felt his heart skip a beat.
Bakit ba ang hot nito sa paningin niya ngayon kahit nababalutan lang ng puting kumot ang kalahati ng katawan nito at magulo ang buhok?

He secretly cursed when he felt his shorts tightened.

"Bakit?" Tanong ni Mira. Dahan dahan itong bumangon habang inaayos ang kumot sa bahaging dibdib nito.

" I want to make love to you again but I know you're tired and sore." Parang batang pag amin niya.

Natawa naman ito ng mahina at pinisil ang ilong niya.
"Masakit na baby. " Napangiwi pa ito ng bahagya.

"I know. Kaya ko namang magtiis. Maliligo nalang ulit siguro." Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Nakangiti nitong ipinahinga ang ulo sa dibdib niya. Agad naman niya itong niyakap at isinandal ang likod sa headboard ng kama.

"Baby?" Tanong nito ng ilang sandaling pananahimik.

"Hmm?" Tugon niya na pinaglaruan ang mahaba at mabangong buhok nito.

"P-paano kung mabuntis ako? Hindi tayo gumamit ng anumang proteksyon."

Natigilan siya sa sinabi nito. Bakit nawala iyon sa isip niya? Pero agad din siyang nakabawi.

Lihim siyang napangiti. Ano naman ngayon kung mabuntis ang dalaga? Mas maganda nga iyon dahil mapapaaga ang pagpapakasal nila. That way, wala na itong kawala sa kanya. Pareho naman silang nasa tamang edad.

"Wala akong nakikitang problema kahit mabuntis ka baby."

"Pero mga bata pa tayo Elias."

Nahihimigan niya ang pag aalala sa boses nito.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga at masuyo itong hinaplos sa braso.
"You're twenty going twenty one and I am Twenty five. What's wrong with that? May negosyo naman ako at kaya kitang bigyan ng maayos na kinabukasan maging ang magiging anak natin."

"Ikaw, ready kana.. ako h-hindi pa Elias."

"Nagsisisi kaba sa nangyari saatin?" Hindi maiwasang sumama ang loob niya sa isiping iyon.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon