Kabanata 26

20 0 0
                                    

SA MGA sumunod nga na araw ay palaging bumibisita sa resort niya si Jayson. May dala ito palaging isang bouquet ng mga bulaklak at kung anu-ano pang pagkain na hindi makikita sa resort niya. May regalo din ito kay Elisse na ikinatutuwa naman ng anak niya.

Kinabukasan din  noong pinuntahan siya ng binata sa palengke ay hindi na ito pumalya sa pagbisita sa kanya araw-araw kahit pa sinabi niyang pag iisipan pa niya kung magpapaligaw siya dito. Nangingibabaw parin sa kanya ang pagkakaibigan nilang dalawa na ayaw niyang masira kung sakaling hindi naging maganda ang relasyon nila kung sasagutin niya ito. Lalo pa't wala siyang anumang nararamdaman sa binata kundi pawang kaibigan lang.

"Isang linggo na yang may dalang bulaklak kapag pumupunta dito ah.." napapalatak na sabi ng kanyang mama. Magkaharap sila ngayon sa isang mesa sa loob ng kanyang restaurant habang pinanonood ang kanyang anak na nakikipaghabulan kay Jayson sa dalampasigan.

"Ewan ko nga diyan ma. Pursigido talaga siya ngayong ligawan ako. Alam mo naman ang stand ko pagdating sa bagay na yan." Tugon niya sa ina.

"Bakit di mo bigyan ng chance? Matagal na kayong magkakilala niyan diba? May nabalitaan kabang naging girlfriend niya simula noon?"

"W-wala po.."

"Kita mo na? Baka talagang hinihintay ka niya. Sa gwapong yan ni Jayson isang salita lang niyan sasama na ang mga babae, pero nanatiling single dahil sayo. "

" Baka naman po nagkaroon ng girlfriend hindi ko lang nabalitaan."

Umiling iling ang kanyang mama. Alauna na ng hapon at madalang nalang ang pumapasok sa restaurant nila kaya't nagpahinga muna ito sandali sa pagtatrabaho.

"Nagkaroon man o wala isa lang ang masasabi ko, seryoso sayo ang kaibigan mong yan. Hindi ba't gusto niyang tumayong tatay noon habang buntis kapa kay Elisse? Ganoon ka niya kamahal na kaya niyang akuin ang batang hindi sa kanya. Kaya niyang ibigay ang apelyido niya sa bata para lang maprotektahan ka sa sasabihin ng ibang tao. "

Kumalat nga noon ang usap usapan sa lugar nila na nabuntis siya at hindi pinanagutan ng boyfriend niya. Na magiging katulad din siya ng kanilang mama na iba ibang lalaki ang tatay ng mga anak. Kung pumayag lang siya noon baka hindi apelyido niya ang dinadala ng anak niya. At may tumatayo sanang tatay para dito ngayon. Pero kahit anong kahihiyan ang sinapit niya dahil lang nabuntis siya na walang ama ang dinadala niya, hinding hindi siya manggagamit ng ibang tao para lang isalba ang sarili.

Maayos na ngayon ang buhay nila at nakaya niyang harapin lahat dahil sa anak niya. At kung may lalaki mang darating na magiging ama kay Elisse, alam niyang hindi si Jayson iyon. Dahil kahit anong pilit niya sa sariling magiging maayos ang buhay nila ni Elisse kasama ang binata, hindi niya parin mapilit ang sariling mahalin ito ng higit pa sa isang kaibigan.

"Mommy come here! Play with us!" Tawag sa kanya ni Elisse at sinenyasan pa siyang lumapit.

Ngumiti lamang siya sa anak saka umiling. Kanina pa ito naglalaro kaya gusto na sana niyang magpahinga na ito. At saka kailangan narin nitong matulog para sa afternoon nap nito.

"Excuse lang ma, papatulugin ko lang si Elay. Mag aalas dos na ng hapon."

"Sige anak. Babalik narin ako sa kusina at titingnan ko kung malambot na ang karneng pinakukuluan ko." Sagot ng kanyang mama na nauna nang tumayo sa kanya.

Tumayo narin siya at lumapit sa dalampasigan kung saan nag du-drawing na ang kanyang kaibigan at anak sa buhangin gamit ang mahabang patpat.

"Elay that's enough. Matutulog kana."

Napatingin sa kanya ang dalawa at napabusangot ng mukha si Elisse dahil sa narinig mula sa kanya.

"Later mommy. Naglalaro pa kmi ni Uncle Jayson."

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon