Kabanata 15

15 1 0
                                    


PAGKAUWI nga ni Mira ng gabing iyon ay tumawag sa kanya ulit si Elias. At dahil sa matinding pagpupumilit nitong pag aralin siya, sa huli ay pinagbigyan niya nalang ito sa isang kondisyon na babayaran niya ang lahat ng gagastusin nito sa buong panahon ng pag aaral niya.

Isang linggo bago ang pasukan ay nag pa enroll na siya sa Gregorio Montero Colleges parin naman dahil mas mababa ang tuition fee kumpara sa ibang paaralan sa kanila. At maging ang kanyang dalawang kapatid ay sinabay niya naring i enroll doon. At nagpaalam naman siya ng maayos sa supervisor nila sa mall kung saan siya nagtatrabaho na mag re-resign na siya dahil kailangan din niyang mag aral.

Titingnan niya pa ang oras niya sa college kung may panahon pa siyang mag part time, Yung sasakto sa free time niya. Gusto parin niyang kumikita siya habang nag aaral. Ayaw niyang iasa lahat kay Elias ang gastusin niya sa eskwela.

"Nakabili ka naba ng mga gamit mo sa school?" Tanong ni Elias.

Kakadating niya lang sa bahay nila ng tumawag ito para kamustahin ang pamimili niya ng mga gamit sa eskwela. Noong isang araw ay nagpasukat narin siya para sa uniform at one week daw bago niya iyon makukuha.

"Opo.. kakauwi ko lang." Sagot niya na naupo sa pang isahan nilang sala set.

"Nagkasya ba ang pinadala ko sayo?"

"Oo naman. Sobra sobra pa nga. May natira pa dito."

" That's good to hear. Just tell me kung may mga kailangan ka pang bibilhin. "

"Sa totoo lang Elias. Nahihiya talaga ako sa set up nating ito. Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang mo? Na oportunista ang girlfriend mo? "

"Shhhh. Don't say that. Naiintindihan nila ang ginagawa ko. Wag kang mag isip ng mga ganyang bagay okay? "

Nasapo nalang ni Mira ang noo. Pinadalhan siya ni Elias ng sampung libo para sa enrollment niya at mga gamit. Higit pa sana doon ang gusto nitong ipadala para hindi daw kulangin ang pera niya pero tumanggi siya. Sobra sobra na nga ang limang libo na binigay nito. Tinakot niya pa ito na hindi nalang siya mag aaral kung  ito rin lang ang  masusunod sa perang ipapadala nito.

Naging maayos Naman ang mga unang buwan ng college life niya. Hotel Restaurant Management ang kinuha niyang kurso dahil iyon ang sa tingin niya'y mas makakahanap agad ng trabaho kapag nakapagtapos na siya. Lalo Pa't wala naman siya talagang specific na gustong kurso. Kahit medyo busy ay nagkakaroon parin naman siya ng oras kay Elias. Noong una ay nahihirapan pa silang mag adjust sa long distance relationship nila pero nang katagalan na ay nasasanay na sila. Kahit na sobrang miss na niya ang binata wala naman siyang magawa para makita ito sa personal.

"Happy birthday baby." Bati niya kay Elias. Nakahiga na siya ngayon sa kanyang tulugan at ka video call ito.

Alas nuebe na ng gabi ng makapag online ito. Nagkaroon daw kasi ng birthday celebration kasama ang pamilya nito at ngayon palang natapos.

"Thanks baby. Sorry at naghintay kapa ng matagal."

Ito ang unang birthday nito na mag boyfriend at girlfriend sila pero hindi manlang sila magkasama. Gusto din sana niyang e celebrate iyon ng magkasama sila.

"Ayos lang. Kamusta ang celebration mo?"

"Ayos lang din. Mas masaya sana kung kasama kita."

"Malayo tayo sa isa't isa eh. " Malungkot na sabi niya. Nakita niya rin ang lungkot na bumalatay sa gwapo nitong mukha.

"It's been eight months. I missed you so bad. "

" I missed you more."

"Titingnan ko sa Christmas kung maka leave ako sa work. Kahit three days lang. "

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon