HINDI na namalayan ni Mira na napakatuling lumipas ng mga araw. Ang pamamasyal nilang iyon ay nasundan pa ng iilang lakad na kasama ang pamilya niya. Hindi na iba kung ituring ng mga kapatid at mama niya si Elias. Hatid sundo rin siya nito sa kanyang trabaho kahit pa madalas silang mag away dahil bigla nalang itong nagagalit kapag may mga lalaking gustong kumausap sa kanya na kailangan niyang sakyan ang mga biro dahil parte narin ng trabaho niya.
"Magka college kaba Mi?" Tanong ni Angel ng pareho silang mabakante.
Nakatayo sila ngayon sa harap ng counter at naghihintay ng mga papasok na costumer o kaya ay may magtatawag ng waiter.
"Hindi nga ako sigurado gel. Wala akong naiipon. Lagi din kasing sunod sa mga gastusin. Baka hindi kakayanin ng sahod ko dito sa Paraiso." Sagot niya. Ilang linggo na din niyang pinag isipan kung mag aaral siya ng college pero dahil nga sa wala silang pantustos sa kanyang pag aaral baka tumigil nalang muna siya at mag focus sa pag tatrabaho. baka sakaling makapag ipon siya at makapag patuloy ng pag aaral.
"Bakit di ka magpatulong kay Elias? Mayaman naman sila diba? Siguro naman hindi ka niya papabayaan kung mag aaral ka. " Sabi nito na para bang ganon lang kadali yon.
"Hoy, grabe ka naman sa tao. Hiyang hiya na nga ako sa mga binibigay niya saamin kahit hindi kami nanghihingi sa kanya. Ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan niya saamin." Agad na alma niya sa sinabi ng kaibigan.
Alam niyang lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay tingin sa kanya pineperahan lang nila si Elias. Hindi lang niya pinapansin dahil alam naman niya ang totoo na kusang loob ni Elias ang lahat ng iyon dahil narin sa sobrang kabaitan nito. At kailanman ay hindi nila ito hiningan.
"Bakit ka mahihiya e boyfriend mo naman siya?"
"Anong boyfriend? Pinagsasabi mo Gel. May makarinig sayo nakakahiya." Mahinang sabi niya. Napatingin pa siya sa paligid.
"Hala? Hanggang ngayon hindi parin kayo? Sa lagay na yan na para kayong mga sira kung hindi lang maka pag update sa isa't isa, hindi pa kayo?"
"Hindi pa. Wala naman kaming napag usapan na kami na." Tugon niya sa maliit na boses.
"Ang hina naman pala ni Elias. O baka hindi na siya nag abala pang i klaro kung ano kayo dahil pinapakita naman niya sa gawa? Kita mo nga wala ng pumoporma sayo dahil bantay sarado kana tapos wala pang kayo? Bakit di mo siya tanungin? "
" Para saan pa? Kontento naman ako kung anong mayroon kami. At nakakahiyang magtanong no. "
" Talaga ba? Paano pala kung manligaw siya ng iba hindi ka magagalit? Wala kang karapatang magalit kasi sabi mo nga walang kayo. "
"H-hindi. Bakit ako magagalit? Kung anong gusto nyang gawin malaya siyang gawin dahil wala namang kami. Hindi ko naman siya pag mamay ari."
Kunot noo siyang napabaling sa kaibigan ng tumawa ito.
"Wala pa nga di na maipinta ang mukha mo. Pano pa kaya kung totoong may nililigawan na si Elias? Kung ako sayo Mi, kausapin mo. Para magkaliwanagan kayo kung anong estado niyo sa isa't isa. "
Hindi niya napansin na umasim pala ang mukha niya sa isiping may ibang babaeng lumalapit kay Elias. Pano pala talaga kung may gusto itong iba? Paano siya? Mag a-assume nalang ba siya na may something sa kanila kahit wala silang pinag uusapan?
Wala sa sariling natampal niya ang noo. Hindi naman kasi nanligaw si Elias sa kanya kaya mahirap sabihing gusto siya nito. Ayaw niyang mag assume pero sa trato nito sa kanya at sa mga iilang tagpong naghahalikan silang dalawa, para sa kanya hindi na kailangan ng usapan dahil maliwanag pa sa sikat ng araw kung ano ang namamagitan sa kanila. At higit iyon sa isang magkaibigan!
BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...