NAPAUPO SA kama si Mira dahil parang pinanghinaan siya ng tuhod. Kung kailan titigilan na niya ang kanyang papa saka naman may nakaalam ng tungkol sa kanila. Mas lalo siyang isusumpa nito kung mabunyag ang lihim nito! Lalo na sa pamilya nito!"N-nagkakamali ka po, kuya. Hindi naman ako manggugulo sa kanila. Nagkataon lang na dito kami ng mga kaibigan ko maliligo at nandito rin sila. Wag kang mag alala hindi ako lalapit sa kanila, promise po."
Humalukipkip ang lalaki at mariin siyang tiningnan. Tila hindi siya pinaniniwalaan.
"Today is tita Isabela's birthday. At hindi ka talaga manggugulo sa kanila dahil hindi kita hahayaang makalabas ng kwartong ito.""B-bakit naman? Ayoko rin naman malaman ng asawa't mga anak niya ang tungkol saamin kaya rest assured na wala akong gagawing ikasisira ng celebration nila!"
"At sa tingin mo maniniwala ako? Hindi mo nga kanina napigilan na hindi yakapin si Tito Fidel." Tumawa ito ng nang uuyam sa kanya.
"D-dahil ..!" Napasabunot nalang sa sariling buhok si Mira. Ang kulit ng lalaking ito!
"Teka nga, bakit kaba nakikiaalam ha?! Sino kaba sa mga Del Rosario?!""Hindi mo gugustuhing malaman kung sino ako. Kaya matulog ka nalang dito." Sabi nito at akmang tatalikuran na siya para lumabas ng silid ng mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at humabol dito. Nahawakan niya pa ang laylayan ng damit nito.
"Hindi ako manggugulo promise! Wala akong gagawin. Nag usap naman na kami eh na ito na ang huli na magpapakita ako sa kanila, sa kanya. Kaya wala kang dapat na ipag alala. " Pangungumbinsi niya dito dahil balak yata ng lalaking ito na ikulong siya sa hotel room nito.
Hindi ito sumagot. Sinuyod lang ng mga mata nito ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa laylayan ng suot nitong t-shirt. Agad naman niyang binitiwan iyon.
" No. You will stay here until the party is over. That way, masisiguro ko na hindi ka nga manggugulo. Katrina and Veronica are very dear friend of mine. The last thing I want is to see them hurting. "
"Pwede ba, wala kang alam! Kaya wag kang makikialam saamin!" Kung kanina ay nagmamakaawa pa siyang palabasin nito ngayon talaga humilagpos na ang galit niya.
Bakit sa mga kapatid niya ang daming concerned na masasaktan ang mga ito? Sa kanya wala manlang nag aalala kung nasasaktan din siya na harap harapan siyang tinanggihan at kinaila ng kanyang papa?!
" Oh sad to say little Missy, I know everything now, kaya sa gusto mo't sa hindi makikialam talaga ako. "
Nagpupuyos sa galit na mariin niyang tinitigan ang lalaki. Wala na siyang pakialam kung nakikita nito ang panunubig ng kanyang mga mata. Kung makita man nito ang kahinaan niya.
Napakurap kurap naman ito dahil hindi yata inaasahan na iiyak siya.
"Sa tingin mo mapipigilan mo ako kung gusto ko talagang manggulo sa pamilya nila? Ano habang buhay mo akong ikukulong dito?! Ang bobo mo naman! Maraming pagkakataon kung gugustuhin kong sirain ang maganda nilang pamilya, sinira ko na sana!"
Pinahid niya ang luha na dumaloy sa pisngi niya.
" Wag kang mag alala hindi ko sasaktan ang pinakamamahal niyang pamilya! At hindi ko rin ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanila! Kaya tigilan mo na ako dahil nag sasayang kalang ng laway at panahon sa paniniguro dito saakin na hindi ako makakalapit sa mga dear friend of yours!"
Hindi na siya nito napigilan ng binuksan niya ang pinto at lumabas ng kwarto. Naiinis na pinunasan niya ang mukha dahil ayaw niya magkaroon ng bakas ng luha doon. Narito siya para mag saya hindi para malungkot!
Hinamig niya ang sarili at ng bumalik siya sa paghahanap ng cottage ng mga kaibigan ay nasalubong niya si Carl.
" god, Mira! Saan kaba naligaw at kanina kapa namin pinaghahanap? Akala namin umuwi kana?" Tanong nito na hinawakan pa siya sa siko sa sobrang pag aalala nito.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...