WARNING: MATURE CONTENT R/18
NAUNA na nga silang umuwi ni Elias kahit na nasa kalagitnaan palang ang selebrasyon ng kaarawan ng Mama nito. Kahit na ayaw pa niyang umuwi para makihalubilo pa ang binata sa mga bisita, ito na mismo ang nag pumilit na umuwi na sila.
"Magbihis kana. Ikukuha lang kita ng maiinom." Sabi ni Elias at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng kwarto.
Siya naman ay pagod na dahan dahang naglakad palapit sa kama at sandaling naupo doon. Tila naubos ang lakas niya para pigilan ang damdamin sa nangyaring interaksyon niya sa papa niya. Hindi madaling umakto na parang wala lang sa harap nito at ng pamilya nito. Lalo pa na nakikita niya ang saya sa mukha ng papa niya kapag kaharap sina Katrina at Veronica. Nakakainggit man pero hindi niya hahayaang lamunin siya ng insekyuridad para sa ama.
Natanggap na niya sa sarili na wala na talaga siyang aasahan pa dito. Nasaktan lang siya dahil sa mga sinabi nito kanina kahit wala naman siyang balak na manggulo pa sa pamilya nito.
Tumayo na siya at naglakad papasok sa banyo upang maglinis ng sarili at makapag pahinga na. Bahagyang Sumakit din ang ulo niya dahil sa nainom na alak sa party.
Ilang minuto rin ang ginugol niya sa loob ng banyo at ng matapos ay saka niya palang narealized na hindi siya nakapag dala ng bihisan. Nagtapis siya ng tuwalya saka lumabas ng silid. Hindi pa naman siguro nakakabalik si Elias kaya may pagkakataon pa siyang kumuha ng pamalit na damit.
Ngunit napalundag na lamang siya ng paglabas niya ng banyo ay siya ring pagbukas ng pinto ng silid at iniluwa noon ang binata na may dalang gatas.
Napatikhim siya at umayos ng tayo. Binalewala ang pang iinit ng kanyang mukha lalo na ng pasadahan nito ng tingin ang kabuoan niya.
"N- nakalimutan kong magdala ng bihisan." Aniya na napakamot pa sa likod ng kanyang tainga.
Tahimik namang tumango si Elias at inilapag ang baso sa lamesa.
Siya naman ay tinungo ang cabinet nito kung saan nakalagay ang mga gamit niya at kumuha ng damit.
Ngunit hindi pa siya nakakaalis sa harap ng cabinet ng maramdaman ang presensya ng binata sa likuran niya. Nanigas siya sa kinatatayuan ng makaramdam ng pag iinit ng katawan.
Hindi ito ang unang beses na nagkasama sila ng silang dalawa lang at ilang beses narin silang natulog na magkatabi ngunit iba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Dala narin siguro ng nainom niyang alak kaya iba ang pakiramdam niya ngayon.
Napalunok siya ng pumulupot sa kanyang katawan ang mga braso nito.
"Are you okay now?" Paanas na tanong nito kasabay ng pagsamyo sa batok niya.
Nagsitayuan ang mga balahibo niya roon kaya agad siyang napaharap sa binata. Tumambad sa kanya ang mapupungay nitong mata na parang inaantok.
"A-ayos na ako.. " Sagot niya na bumaba ang tingin sa mapupula nitong labi.
Hindi niya sinasadyang nakagat ang pang ibabang labi dahil sa antisipasyong nararamdaman. Mukhang pareho rin sila ng nararamdaman ng mga oras na iyon dahil ng muli niyang iangat ang mga mata dito, sa labi din niya nakatingin si Elias.
"Magbibihis lang ako."
Tumango ito ngunit hindi naman umaalis sa harap niya.
"Baby--"
Bago pa niya matapos ang sasabihin ay agad na lumapat sa mga labi niya ang labi ng binata.
Tuluyan na siyang kinain ng kamunduhan. Balewala na sa kanya kung matanggal ang tuwalyang tanging nagtatakip sa kanyang kahubaran ng iangat siya ni Elias at siya naman ay ipinulupot ang mga binti sa baywang nito habang patuloy silang naghahalikan.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomansaMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...