Kabanata 18

13 1 0
                                    


NAPAKAGAT nalang si Mira sa kanyang pang ibabang labi ng muli siyang igiya ni Elias sa mga bagong dating na bisita. Lahat yata ng dumalo sa birthday ng mama nito ay walang nakalagpas sa pagpapakilala sa kanya. Kanina pa nangangawit ang mga binti niya dahil narin sa takong na kanyang suot na ilang pulgada rin ang taas.

Nahihiya naman siyang magreklamo kay Elias lalo na't nakikita niya ang saya at pagiging proud nito sa kanya habang ipinapakilala siya sa mga tao.

Hindi rin maiwasang lumaki ang ulo niya kapag pinagmamasdan ang kasintahan. Napakagwapo nito sa suot na itim na pantalon at Bukas ang tatlong butones nito sa taas ng suot na puting long sleeves na itinupi hanggang siko. Maayos rin ang pagkakasuklay ng buhok nito na bahagyang may nalalaglag nakakaunting hibla ng buhok na tumatabing sa noo nito.

Wala pa kasi si Tita Lorna at Tito Eliseo kaya silang dalawa lang muna ang nag eestima sa mga bisita. At kanina ay nakilala na niya ang lolo at lola ng binata sa father side nito. Ang lolo at lola naman nito sa mother side ay nasa ibang bansa at may katandaan na. Hindi ni- required ng doktor na mag byahe pa ng malayo.

May kalakihan ang hotel-restaurant na pag mamay ari ng mommy ni Elias na sadyang ipinasara  para sa gaganaping okasyon sa araw na iyon. Sabi ng binata kanina sa kanya ay iyon ang main branch ng Fleùr Restaurant. May isang branch pa daw nito na malapit lang kung saan ang kompanya ng mga ito.

"Are you alright baby?" Bulong sa kanya ni Elias ng humakbang na papalayo ang kausap nilang bisita. Karamihan ay mga kamag anak lang, malalapit na kaibigan ng pamilya at ang iba naman ay mga tauhan sa publishing company ng mga ito.

"Ayos lang. N-nahihiya lang ako kasi hindi ako sanay na ipinapakilala sa maraming tao." Pagtatapat niya. Lihim niya pang pinasadahan ang kabuoan ng restaurant.

"Masasanay karin dahil hindi ito ang una't huling aattend ka ng mga family gatherings o mga events na dadaluhan ko. Palagi kitang isasama kung may pagkakataon."

"Tigil tigilan mo ako sa mga ganyan Elias. Don nalang ako sa masbate at mag rereview nalang ako kapag wala akong pasok."

Sasagot pa sana si Elias ng may umagaw ng atensyon nilang dalawa. Kitang kita rin niya ang pagkakatigil ng taong hindi niya inaasahang makikita niya pa ng mga sandaling iyon.

Tuloy tuloy naman sa paglapit sa kanila ang dalawang dalaga. Hindi napansin ang pagkakatigil ng ama.

" Elias! Long time no see. How are you?" Tanong ni Katrina at agad na nag beso kay Elias. Kasunod nito si Veronica na pinang gigilan pa ang binata.

Napatikhim siya at hinamig ang sarili. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Bakit ba niya nakalimutan na maaring dumalo ngayon ang pamilya ng kanyang papa? Malapit nga palang kaibigan ng mga Guerrero ang mga del Rosario!

" Katrina. Ayos lang ako.. kayo? Buti nakaluwas kayo para sa birthday ni mommy." Sagot ni Elias. Marahan siya nitong iginiya palapit pa lalo sa tabi nito.

Mula kay Elias ay lumipat sa kanya ang mga mata ng dalawang kapatid niya sa ama.

"Don't tell me .. this is.." si Katrina.

"This is Mira, my girlfriend. Mira sila sina Veronica at Katrina. Mga kaibigan ko. " Pagpapakilala sa kanila ng binata.

" Omg! Omg! It's soooo nice to meet you ate!" Hyper na sabi ni Veronica at agad na yumakap sa kanya sabay halik sa pisngi niya. May mainit na bagay na yumakap sa kanya dahil sa tinawag nito sa kanya. Mas masaya sana kung tinawag siya nitong ate dahil sa nakakatandang kapatid siya nito.

Ngumiti lang naman sa kanya at kumaway si Katrina.

Hilaw siyang napangiti ngunit niyakap narin si Veronica. Hindi parin maalis ang kaba sa dibdib niya lalo't huminto sa harap nila ang kanyang papa at ang asawa nito.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon