MATAPOS makapag bihis ay tumabi na si Mira sa natutulog na si Maya sa kama. Hindi naman siya inaantok pero dahil sa paglilibot nila kanina at paliligo ay nakaramdam siya ng pagkapagod. Napagdesisyonan niyang mahiga nalang at magpahinga kahit hindi na siya makatulog.
Hindi pa nagtatagal ang pagkakahiga niya ng marinig niyang tumunog ang cellophone niya na nakapatong lang sa side table, katabi ng kama. Inabot niya iyon at tiningnan kung sino ang nagtext."Hey baby, are you done changing your clothes?"
"I miss you.."
"Baka nagpapahinga kana. I love you. "
Kanina pa pala nagte- text ang binata at hindi niya iyon napansin dahil medyo nag tagal siya sa banyo. Tumingin siya sa mahimbing na natutulog na si Maya at napagdesisyonang doon nalang siya sa kwarto ni Elias magpapahinga. Isa pang pasada ng tingin sa kanyang sarili sa harap ng salamin bago siya naglakad palabas ng kwarto.
At dahil katabi lang naman ng kwarto nila ang kwarto ni Elias, inilang hakbang niya lang ang pagitan niyon. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses sa pinto nito. Hindi naman nagtagal ang paghihintay niya dahil agad na bumukas ang pinto. Agad nagtama ang mga mata nila ng kasintahan.
Hindi niya naiwasang hindi mapalunok ng sariling laway ng sumikdo muli ng mabilis ang dibdib niya lalo pa ng makitang naka hubad baro ito at tanging cotton shorts lang ang suot. Kitang kita ang matikas na pangangatawan nito. Napansin siguro nito ang pagkakatigil niya kaya matapos siyang papasukin sa kwarto ay agad itong kumuha ng damit sa bag nito at isinuot iyon.
Matapos makapagbihis ay agad na humarap sa kanya si Elias at masuyo siyang niyakap.
"Hindi ka makatulog?"Tumango lang siya dahil ninanamnam niya pa ang init ng katawan nito mula sa pagkakayakap sa kanya at nakasubsob ang mukha niya sa dibdib nito. Inaamoy ang mabangong samyo ng katawan nito dahil sa katatapos lang maligo. Nanunuot pa sa ilong niya ang ginamit nitong sabon at shampoo.
"Same here. Gusto ko nga sanang pumunta sa kwarto niyo kaso baka natutulog ka na."
"Dito nalang ako matutulog." Aniya na ngumiti sa binata.
"Good idea. Hindi rin ako makakatulog kung hindi kita kasama."
"Dalhin ko na dito ang mga gamit ko?" Biro niya na nagpasingkit ng mata nito.
"Why not? Let's go get your things."
"Nagbibiro lang ako. Hoy!" Pigil niya ng akmang maglalakad na ito palabas ng kwarto.
"C'mon! Gusto kong sulitin ang mga araw na kasama kita. Apat na araw nalang ang natitira sa bakasyon ko at uuwi na ako ng maynila after that."
"Susulitin naman natin pero wag tayong abuso sa tiwalang ibinigay satin ni mama. "
" We're not doing anything. We will just going to rest and sleep."
" Alam ko naman pero mas mabuti nang nagkakahiwalay tayo para hindi naman tayo magkasawaan kung palagi nalang tayong magkasama. "
Napakunot ang noo ng binata at mataman siyang tinitigan. Maya maya pa ay humalukipkip ito at tumayo ng tuwid sa harap niya.
" Don't tell me nagsasawa kana sa akin? " Tila hirap na sabi nito.
Gusto niyang matawa dahil sa reaksyon nito pero pinigilan niya ang sarili.. ayaw niyang sumama pa lalo ang pakiramdam nito. Mas lalo nalang siyang lumapit sa binata at matamang pinagmasdan ang napaka gwapo nitong mukha. Inabot niya ang mukha nito at siya na ang tumingkayad upang halikan ito ng marahan sa mga labi.
Naramdaman niya ang paglalim ng paghinga nito at ang pag gapang ng mga kamay nito sa baywang niya. Umawang ng bahagya ang mga labi nito na siyang nag udyok sa kanya upang palalimin pa ang halikan nilang dalawa.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...