Kabanata 3

22 3 0
                                    


SA MGA SUMUNOD na mga araw ay ang lalaking yun parin ang sumusundo at naghahatid sa mga kapatid niya kaya naman napagdesisyonan ni Mira na sadyain ang kanyang ama sa presinto kung saan ito naka duty. Nagbabantay ito ng mga preso sa Masbate city jail. Hindi naman niya ito guguluhin. Titingnan lang niya kung nandito pa sa probinsya ang ama dahil baka na destino na ito sa ibang lugar kaya hindi na niya nakikitang sumusundo sa mga kapatid niya.

Alas sais pagkatapos ng klase niya ay tinahak niya ang daan patungo sa presinto. Naglakad lamang siya dahil wala naman siyang pamasahe sa tricycle. At kung mayroon man ay nakakapanghinayang na gagastusin niya pa iyon kung kaya lang naman lakarin.

Kinse minutos yata ang nilakad niya bago makarating sa presinto. Pumasok siya sa malaking park na kaharap niyon para doon tanawin kung makikita ba niya ang kanyang papa. Open naman ang tanggapan ng presinto kaya makikita niya kung sino ang mga nag lalabas masok at ang mga nagbabantay doon.

Hindi pa umiinit ang pagkakaupo niya sa bench ng mapansin niya ang pag tigil ng isang pamilyar na sasakyan. Yun ang sasakyan ng binatang sumusundo sa mga kapatid niya! Bumukas ang mga pintuan ng kotseng iyon at lumabas ang apat na sakay nito.

Ang asawa ng papa niya, si Katrina, Veronica at ang lalaking driver. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang pagsalubong sa mga ito ng kanyang papa. Ibig sabihin narito pa ang kanyang papa.

Hindi niya mapigilan ang mainggit ng makita ang mahigpit na yakap na ibinigay ng kanyang papa sa dalawa nitong anak. Napalunok siya ng maramdaman na parang may bumara sa kanyang lalamunan.

Kaya naman palang magmahal ng kanyang papa sa mga anak nito bakit hindi siya mabahagian kahit katiting na pag mamahal? Anak din naman siya. Hindi naman masasabing anak siya sa pagiging kerida dahil una silang naging pamilya ng kanyang papa. Naunang nakilala ang kanyang mama bago ang asawa nito. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang kilalanin ng kanyang papa.

Tumayo na siya upang matigil na ang panunumbat na meron siya para dito. Kahit anong sabihin niya sa isip niya hindi naman nito maririnig iyon. Ngayong nasiguro niya na nandito pa ito ay uuwi na siya. Yon lang naman ang ipinunta niya.

Pagkadating sa bahay ay wala siyang pinagsabihan kung saan siya galing at bakit ginabi na siya ng uwi. Wala din namang nagtanong sa mga kasama niya. Naabutan niya ang ina na nakahiga sa kawayan nilang upuan. Nagpapahilot sa bunso nilang kapatid dahil marahil sa pananakit ng mga binti nito sa maghapong kakatayo sa palengke.

"Kumain kana. May dala akong kangkong kanina. Inadobo ko." Sabi ng kanyang ina na ang atensyon ay sa panonood ng tv. 

Tumango lamang siya at tumuloy na sa kwarto nila ni Maya upang makapagbihis muna bago kumain. Naabutan niya ang kapatid na nakahiga sa papag nilang higaan habang busy sa kakapindot sa cellphone nito. Naabutan niya pa itong humahagikhik na agad namang nawala ng pumasok siya.

"Ano yan ha?" Usisa niya.

"Wala!" Sagot nitong umiirap pa sa kanya. Mukhang ayaw mag pa istorbo sa kung sino ang matext nito.

"Naku sinasabi ko sayo Marian! Wag ka munang mag boboypren at walang magandang maidudulot sayo yan!" Sabi niya rito habang naghuhubad ng kanyang uniform.

"Kakadating mo lang ang ingay mo na ate! Kumain ka nga muna. Kung anu- ano ang naiisip mo!" Napapakamot pa sa ulo ang kapatid niya habang nag sasalita.

"Pinapaalalahanan lang kita!"

"Oo na. Alam ko na! Andiyan si mama oh. Malaking halimbawa na wag basta bastang magtitiwala sa mga lalaki. Wag kang mag alala. Alam ko ang mga sumusunod."

"Wag ka talagang magkakamali Marian! Magtatapos muna tayong dalawa saka na tayo mag boypren kung may dumating."

"Naku ate. Sabihin mo yan sa sarili mo! Baka nga hindi kapa nagka college magkaboyfriend kana. Akala mo di ko naririnig na pinopormahan ka nong Carl at Jayson? Magkaibigan pa talaga ha!" Ganti sa kanya ng kapatid na ngayon ay natatawa na dahil nailipat sa kanya ang panunudyo.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon