Kabanata 23

16 1 0
                                    


"What's the meaning of this, Fidel?" Nanginginig ang boses na tanong ni Isabela del Rosario nang magharap-harap na sila sa restaurant ng mga ito.

Matapos ang pag i-eskandalo ng kanyang mama kanina, ngayon naman ay nagharap harap silang lahat para pag usapan ang nangyari. Nasa bahagi sila ng restaurant ng mga ito na wala masyadong tao at nagkataong madalang ang costumers sa mga oras na iyon. Kasama nila sina Katrina, Veronica, Maya at Mico.

"Hon, l-let me explain.." Anang papa niya.

"Tell me everything we need to know, Fidel. How... how come you have a child with another woman that we don't know about and most of all, girlfriend pa ni Elias?"

Napasinghap siya ng makita ang panunubig ng mga mata ni Mrs. Del Rosario. Hindi niya ninais manggulo. Wala na sa isip niya ang makilala pa ng pamilyang ito pero ngayong naririto na ito, wala na siyang magagawa kundi aminin ang lahat. Wala nga talagang lihim ang hindi nabubunyag. Kahit anong pilit mong tago ng katotohanan sa dilim, lalabas at lalabas parin iyon sa liwanag.

Napabaling siya ng tingin sa magkapatid nang maramdaman niya ang mga titig ng mga ito. Nakita niya ang pagkakatigalgal ng mga ito ng makita siya kanina at mapansin ang umbok sa tiyan niya. Hindi ang mga ito makapaniwalang ang tinutukoy ng mama niya na ibang anak ng papa ng mga ito ay walang iba kundi siya.

"M-matagal nang wala akong balita sa kanila, hon. Please believe me. Hindi kami kailanman nagkikita at nagkakausap maliban nalang noong birthday ni Lorna nang dinala ni Elias ang.. babaeng ito." Masama siyang tiningnan ng kanyang papa. Pilit nitong inaabot ang kamay ng asawa ngunit winawaksi iyon ng huli.

"Babaeng ito? Ha, fidel?! Tawag mo sa anak mong higit dalawang dekada mong inabandona, babaeng ito?! Napakawalang hiya mo talaga!" Napatayo ang kanyang mama dahil sa galit.  Sigurado siyang anumang oras manunugod ito kapag naubos na talaga ang pasensya nito.

"M-ma..  Tama napo." Napapunas siya sa pisngi ng maramdamang basang basa na iyon ng kanyang mga luha. Hinawakan niya sa laylayan ng damit ang ina para awatin ito.

"Tinatanong ko kung paanong nangyari na hindi namin ito alam ng mga anak mo fidel! Bakit mo nagawang itago saamin?!"

Napahilamos sa sariling mukha ang kanyang papa at nanghihinang napaupo sa upuan nito.
"Bago tayo muling magkita sa maynila noon.. nagkaroon kami ng relasyon ni Marissa. H-hindi ko na noon inaasahan na magkikita pa tayong dalawa matapos kang ilayo saakin ng mga magulang mo kaya naman.. sinubukan kong umibig sa iba. Nakilala ko si Marissa. Sa isang taon naming relasyon, nabuntis ko siya. N-nang malaman kong buntis siya at k-kailangan ko siyang panagutan.. natakot ako. I..I can't be with another woman for the rest of my life. You're the only one I love and you're the only one I want to be with.Kaya naman.. nagpaalam akong luluwas ng maynila kay Marissa para maghanap ng trabaho pero ang totoong plano ko, ang hanapin ka..at gawin ang lahat para bumalik ka saakin. Patawarin mo ako Isabela. A-ayoko lang mawala ka ulit saakin kaya hindi ko na sinabi sayo ang lahat ng ito."

Mariing napapikit si Isabela del Rosario habang unti unting tumulo ang mga luha sa magkabila nitong pisngi. Napalunok siya sa tensyong namamagitan ngayon sa gitna nilang lahat. Maraming senaryo ang gumugulo sa isip niya. Kung makakaya bang tanggapin ng pamilyang ito ang katauhan niya, o katulad din ng papa niya ipagtatabuyan siya? Para sa kanya ay wala na siyang pakialam dahil natanggap naman niya na hindi siya kailanman naging parte ng mga del Rosario.

Nahigit niya ang hininga nang tumama sa kanya ang mga mata ng ginang.
"Matagal mo na bang alam, Mira? Matagal mo na bang alam kung sino ang tatay mo?"

Dahan dahan siyang tumango. Lumunok pa muna siya bago nagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan niya.
"M-matagal napo.. Simula ng unang pagdating niyo dito sa masbate, alam ko na dahil sinabi ni mama."

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon