"WHAT TOOK YOU so long to come back to manila? Babe, higit isang linggo ka na diyan. Don't tell me, bumabalik na ang feelings mo sa ex mo kaya parang ayaw mo nang umalis diyan?"Napabuntong hininga na lamang si Elias habang pinapakinggan ang litanya ni kaye sa kabilang linya. Nasa loob na siya ngayon ng kanyang cabin at kakagising niya lang mula sa pagkakatulog. Nang tingnan niya ang oras sa hawak na cellphone ay mag aalas singko na pala ng hapon. Halos dalawang oras din ang naitulog niya. Pagkaalis ng mga kaibigan niya matapos ang ilang oras na pag uusap usap nila kanina ay bumalik din naman siya sa kanyang cabin.
Matapos ang tanghalian kanina ay agad din naman silang iniwan ni Mira bitbit ang anak nito. Alam niyang kahit di nito sabihin, umiiwas parin ito sa kanya pero ayos na iyon kesa sa nag aaway silang dalawa.
"I really don't like that idea from the start. I don't understand why you still have to go there when you haven't had any communication with each other for years. Kahit ako, mag mo moved on na ako at hindi na kita hihintaying bumalik. Hindi ko na kailangan ng closure."
Naiintindihan naman niya kung saan nanggagaling ang hinaing ng kasintahan at hindi niya maiwasang makaramdam ng guilt dahil alam niyang totoo ang sinasabi nito.
" Uuwi na ako ng pilipinas next week and please, gusto ko pagkauwi ko wala ka na diyan kung saang probinsya man yan."
"Yes babe, bukas aalis na ako dito sa resort at sa bahay muna namin magsi-stay. Papunta narin naman sina mom dito, I will wait for them first before I'll go back to manila. " sabi nalang niya para hindi na ito mag isip ng kung anu-ano pa.
" Are we okay, Elias? I just notice that you don't have time for me now that you're there. Tell me, is there a problem?"
" Wala babe. I'm sorry, masyado lang akong nahuhumaling sa kaliligo sa dagat at sa pamamasyal namin nina Katrina."
" Yeah, that Katrina too. Are you sure there is nothing going on between the two of you?" Mahihimigan ang selos sa boses nito.
" Kaye! Kat is just my friend. She is like a sister to me so is her sister Nica. Don't think of them that way. "
"What about Mira? Ganon din ba ang turing mo sa kanya? "
Hindi agad siya nakasagot dahil sa biglaang tanong nito. Napalunok siya ng sariling laway dahil kahit siya ay hindi na sigurado sa nararamdaman.
"There is nothing going on between me and Mira. Maayos ang closure naming dalawa kaya wala kang dapat na alalahanin pa. " pagkuway kalmado niyang tugon. Hindi alam kung sino ang kinukumbinsi, kung si Kaye ba o ang sarili niya.
"why does it seem so hard to believe?"
"Kaye please. Stop that."
"Stop what? I didn't do anything wrong here." Pilit man nitong pakalmahin ang sarili ay alam niyang pinipigilan lang nito ang galit.
" let's talk again later when your head has cooled down. I'll call you. I love you. "
Alam niyang magtatagal pa ang sagutan nilang dalawa at baka mauwi naman sa pag aaway. Hanggat maaari ayaw niyang mas lalo pang sumama ang loob nito sa kanya kaya mas pinili niyang putulin ang tawag.
Dahan dahan siyang lumapit sa kanyang kama at patihayang humiga doon habang ang magkabilang paa ay nakalaglag sa sahig.
Mira..
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagpakawala ng malalim na hininga para makapag isip siya ng maayos.
Habang tumatagal siya sa lugar na iyon ay unti unting bumabalik ang nararamdaman niya para kay Mira. Alam niya at sigurado siya doon.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...