"MAY DELIVERY sa labas, Anak. Ikaw ba ang nag order ng mga yon?" Tanong ng mommy ni Elias sa kanya ng bumalik ito mula sa labas dahil may nag doorbell.
Napakunot noo siya at inalala kung ano sa mga in-order niya online ang dumating ngayon pero hindi na niya maalala kaya naman ipinagkibit balikat nalang niya bago tumayo at walang imik na nilabas ang delivery.
Isang malaking box iyon at mukhang alam na niya kung ano ang laman niyon. Halos limang araw din ang shipped ng mga parcel galing sa manila papunta sa probinsyang iyon.
Elias smiled while carrying the box in his arms.Siguradong matutuwa ang pagbibigyan niya ng mga iyon.
"Ano ang mga iyan, Anak?" Tanong ng mommy niya ng salubungin siya nito.
Naupo muna siya sa pang isahang sofa Bago ibinaba ang kahon at tanggalin ang mga nakabalot doon.
"Mga toys mom. Para kay Elisse." Sagot niya habang isa isa niyang inilabas sa kahon ang mga laruan.
He felt a slight pain while doing that.It's too late for him to make up for all the shortcomings he had with his daughter but he's ready to do everything to make up for them now that his memories are back.
"Did Mira tell Elisse that you are her daddy?"
Napatiim bagang siya dahil sa tanong ng ina. Kung siya ang masusunod gustong gusto na niyang kilalanin siyang ama ni Elisse. Pero nirerespeto parin niya ang desisyon ni Mira.
"Hindi pa po. Pero okay lang saakin kung hindi pa muna masabi ni Mira. What's important to me now is that I can be with my daughter."
Humugot ito ng malalim na hininga. Alam naman niya na kahit ang mga magulang ay gustong gusto nang makasama ang apo ng mga ito at makilala.
"I still can't believe that all of these was happening. That we have a grandchild. I still can't forgive myself for what I did."
"Tapos na yon, Mom. Don't blame yourself anymore. What's important now is that maayos na tayo sa pamilya nila."
"I know, Elias.. I just can't help to regret the time when we were not by my granddaughter's side while she was growing up." She sadly looked at the toys in front of them one by one.
Kahit siya ay hindi parin magawang tanggapin sa sarili ang pagkakalimot niya kina Mira at sa anak nila.
"Mayroon tayong habang buhay para makabawi mom. Wag ka nang mag alala. Makakabawi din tayo. " Ngumiti siya sa Ina para pagaanin ang loob nito.
At nang masiguro na kumpleto ang mga laruan na binili niya ay tumayo na siya upang maghanda sa pagpunta sa anak niya.
It's been weeks nang makabalik ang alaala niya at wala siyang sinayang na pagkakataon para makapunta sa resort ni Mira. Kung pwede nga lang na doon na siya tumira pero ang gusto ng dalaga ay dadahan-dahanin nila ang pagsasabi sa anak nila. At baka magtaka daw ito kung bakit naroon siya palagi.
Nasa bukana palang siya ng resort ay nakita niya na agad si Elisse na nakaupo sa isa sa mga upuan ng restaurant. Nakasuot ito ng kulay blue na uniform at may logo sa bahaging kanang dibdib nito ng pangalan ng school kung saan ito pumapasok dahil nagsisimula na itong mag aral para sa kindergarten.
Hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng pagmamalaki habang pinagmamasdan ang anak niya. Bumagay sa maputing balat nito ang suot na damit at ang kulay pink na headband na may hello kitty na disenyo habang nakalugay lamang ang lagpas balikat na buhok nito.
Ang batang cute na cute na ito ay anak niya. Anak nila ni Mira.
"Good afternoon, My baby. Are you ready for school?" Nakangiting bati niya dito habang papalapit. Pinigilan ang sariling takbuhin ito at mahigpit na yakapin.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...