Kabanata 24

14 0 0
                                    

"ELISSE! Teka lang wag diyan!"

"I want Mommyy!!" Sabi ng bata at tumakbo sa gawi kung saan siya naroroon. Patakbong nakasunod dito ang isang staff ng kaniyang Resort.

Nasa kalagitnaan siya ng pagsasalita ng biglang mapatigil at agad na napatayo nang makita ang bata na nadapa. Pumalahaw agad ito ng iyak bago naabutan ng babaeng staff at agad itong binuhat saka pinagpagan ang bahagi ng katawan na may mga buhangin.

"Tapusin nalang muna natin ang meeting ngayon. Basta kung may kakilala kayong may experienced sa pag ha-house keeping at waitress papasahin niyo lang ng resume at saka tayo mag iinterview kapag mayroon nang atleast five applicants. Lalaki at babae sana dahil kailangan din natin ng atleast two bell boys pa at kulang na kulang talaga tayo sa tao ngayon. " Pagkatapos magsalita ni Mira at mag excuse sa mga kausap ay agad niyang tinakbo ang pagitan nila ng kanyang anak na si Elisse.

Nagpameeting siya ngayon kasama ang kanyang mga staff  para sa iilang concerns ng kanilang resort. Tatlong buwan makaraan ang pag bubukas ng Elisse Haven's Beach Resort ay nagkaroon agad sila ng magandang views. Naging patok agad ito sa mga turista lalo na sa mga magpapamilya na gustong mag bonding.

Bukod kasi sa bago lang ang resort, nilagyan din niya ng maliit na palaruan sa gitna ng pool na ipinasadya niya talaga at may mga life size Marvels superhero characters pa sa palibot para dagdag atraksiyon sa mga bata. Para kahit nasa swimming pool ang mga ito, ay mai-enjoy nila ang pagsi-swimming at makakapaglaro parin.

"Pasensya na ma'am. Nakawala po kasi saakin at agad na tumakbo papuntang pavilion." Hinging paumanhin ng staff na si Grace na siyang nag presintang magbabantay muna sa anak niya habang nasa meeting siya.

Kinuha niya mula dito ang bata at ngumiti na humarap dito.
"Wala yon Grace. Salamat sa pagbabantay kay Elisse. Pasensya narin at makulit talaga ang batang ito."

" Okay lang ma'am. Sarap ngang panggigilan ng baby na iyan eh. Hehe sige po ma'am balik napo ako sa trabaho." Paalam nito.

Nakangiting tumango siya dito bago hinarap ang anak. Naningkit ang mga mata niya ng makitang malawak ang pagkakangiti nito kahit na may bakas pa ng luha sa mga mata dahil sa kakatapos lang na pag iyak.

"What was that Elay? I told you to behave didn't I? Nasa meeting ako kanina. Pasaway ka talaga. " Kunwari'y kiniliti niya ang tagiliran nito at humalakhak naman ito.

Hinagod niya ng tingin ang katawan nito kung mayroong sugat dahil sa pagkakadapa mabuti at wala naman. Namumula lang ang mga palad at tuhod dahil iyon ang ipinangtukod nito kanina.

Naglakad siya patungo sa isang duyan na nakaharap sa malawak na karagatan. Umupo siya doon habang kandong ang may kabigatang anak. Marahan siyang napapikit ng maramdaman ang mabining simoy ng hangin.

"Mommy, gutom na ako.." ungot ni Elisse.

Kunot noong napabaling siya sa anak. Halos mag iisang oras pa lang sila sa resort gutom na agad ito gayong kakatapos lang nilang kumain kanina ng agahan bago umalis sa apartment nila.

"Gutom ka kaagad? Kakalaro mo yan eh."

"Please mommy. I want to eat cake. " Naglalambing pa itong kumapit sa leeg niya.

Napapailing nalang siyang tumayo at inakay narin ito paalis ng duyan.
"Okay, c'mon. Titingnan natin kung ano ang makakain sa resto."

It's been six years. Simula nang maglaho na parang bula ang tatay ni Elisse at makilala siya ng pamilya ng papa niya. Ang buong akala niya noon ay hindi na siya makakaalis sa pagkakalugmok niya, pero blessing in disguised narin na nalaman ng mga del Rosario ang tungkol sa kanya. Dahil ang tita Isabela niya ang tumulong sa kanya na makabangon sa pagkakadapa. At syempre maging ang suporta narin ng kanyang mama at mga kapatid.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon