"MIRA, sorry talaga sorry.""Ayos nga lang yon Carl. Wala namang problema. Kalimutan mo nalang iyon."
Panay sunod sa kanya si Carl habang naglalakad siya patungo sa room niya.
Inabangan talaga siya nito kanina papasok sa gate para lang humingi ng sorry dahil nga nalasing ito noong sabado at hindi na siya nahatid pauwi."Nakakahiya talaga sayo. Kung alam ko lang na malalasing ako sana hindi na ako uminom ng pang huling bote natin." Pagpapaliwanag pa nito.
Tumigil siya sa paglalakad at hinawakan ito sa balikat.
"Okay na Carl.. Nakauwi naman ako ng maayos. Kaya wag kanang mag aalala."Nagpaalam na siya dito at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Hindi naman sa kanya big deal iyong nangyari. At nakauwi naman siya ng maayos dahil hinatid siya ng lalaking iyon.
Speaking of which, hanggang ngayon pala ay hindi niya pa alam ang pangalan nito. Hinatid lang siya nito sa labasan ng eskinita nila dahil hindi na makakapasok sa lugar nila ang sasakyan nito. Gusto pa nga sana siya nitong ihatid mismo sa bahay nila pero tinakot niya na kung iiwan nito ang sasakyan nito doon ay baka pagbalik nito wala na iyong mga gulong.
Nasa hitsura ng lalaki na hindi ito taga rito sa masbate at mukhang bakasyonista lang ito dahil nanunuluyan lang ito sa isang hotel.
Pagdating sa kanyang classroom ay naupo na siya sa kanyang upuan. Wala pa si Angel. Okay lang naman dahil may sampung minuto pa bago magsimula ang klase nila. Nagtext ito kaninang madaling araw na okay nadaw. Nasabihan na nito ang boss nito sa Paraiso na ipapasok siya bilang Waitress at pumayag naman.. sa katunayan nga niyan ay mag sisimula na siya mamaya. Alas otso ng gabi ang oras ng duty niya hanggang ala tres ng umaga. may oras pa siyang magpahinga at makatulog non dahil may pasok pa siya ng seven thirty ng umaga.
Maya maya ay dumating na si Angel. May dala pa itong soft drinks sa Plastic na may straw.
"Mamaya ha." Anito na ang tinutukoy ay ang unang araw niya sa paraiso.
"Ano-ano pala ang dapat suotin? May uniform ba?"
"Wala. Hindi naman high end bar yung trabaho natin. sa maynila lang ang merong ganon. Kahit anong gusto mo kung saan ka komportable."
" Kahit jeans at sweatshirt okay lang?" Paniniguro niya kahit na wala siyang sweatshirt. Sinusubukan niya lang si Angel.
" Oo nga o kahit mag bra ka at panty doon bahala ka. Nasa saiyo yan." Natatawang sagot nito.
Napakamot naman siya sa likod ng tainga niya. Ayaw niya lang na mapagalitan mamaya dahil naka maong siya at t-shirt..yun lang kasi ang karamihan sa mga maayos niyang damit.
"Ano ba ang mga madalas mong suot?" Pagtatanong pa niya.
"High waisted short, crop top, spaghetti mga ganun.. pero kung wala kang damit na nagpapakita ng konting balat okay na ang t shirt. Suggestions kasi ni boss na alam mo na, kung okay lang ma magsuot ng mga sexy na damit para maka attract ng costumers. Pero kung ayaw mo di ka naman pipilitin."
Tumango tango siya. Kahit papano meron naman siya ng mga sinabi nito bilang nga lang. Mayroon siyang crop top at mga spaghetti strap na damit, mga off shoulder. pwede na siguro iyong maisusuot niya sa gabi gabing nagtatrabaho siya.
"Bio data mo pala.. kahit kasi nirekomenda kita kailangan parin yon para alam nito ang impormasyon tungkol sayo."
" Sige gagawa ako pag uwi mamaya. Dadalhin ko nalang pag punta ko doon. "
Tumango ito at umayos na sa pagkakaupo dahil pumasok na ang guro nila. Inubos narin nito ang iniinom na softdrinks.
Naipagpaalam na niya kanina ang magiging trabaho sa kanilang mama pero hindi ito sang ayon. Nagtrabaho na kasi ito minsan sa isang bar at alam nito ang kalakaran sa ganoong lugar.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...