Kabanata 5

19 3 0
                                    

PAGKABALIK niya sa cottage nila ay si Carl nalang ang naroon. Inilibot niya ang tingin sa paligid at naroon nagtatampisaw na sa karagatan ang mga kasamahan nila.

"Ligo na tayo." Aya niya dahil nakaupo lang ito sa cottage.

"Sige .. hinintay lang kita." Sagot nito at tumayo na.

Siya naman ay hindi na nag abala pang magpalit. Okay na siya sa suot niyang malaking t-shirt at maikling short pangligo.

Lumapit sila sa mga kaibigan na nagkakasayahan sa tubig . Hanggang dibdib lang nila ang dagat at baka mamaya pa ang mga ito lalangoy sa mas malalim. Naglalaro yata ang mga ito ng sabuyan ng tubig sa mukha. Napapikit nalang siya ng may biglang nagsaboy ng tubig dagat sa kanya.

Natatawang iminuklat niya ang isang mata dahil mahapdi ang isa. Napasukan yata ng tubig.

"Sorry, Mira." Hinging paumanhin ni Jayson na siya palang may gawa non. Lumangoy ito palapit sa kanya.

"Okay lang. Ayos lang ako. Di lang ako nakapag handa." Aniya na kinusot kusot  ang mga mata.

Naramdaman niya ang pag hawak ni Carl sa siko niya at iginiya siya papalayo sa mga kaibigan.
"Ayos ka lang?"

"Oo wala yon. Ito naman. Nagkakasayahan lang doon."

"Hindi ko gusto ang kilos ngayon ni Jayson.  Kanina ko pa siya napapansin na panay ang titig niya sayo. At hinihintay niya lang ang mga pagkakataong makalapit sayo."

Kunot noong napatitig siya dito.
"Wala yon. Ano kaba, wag mong pag isipan ng ganyan ang best friend mo."

"Alam niya namang may gusto ako sayo Mira."

Napalabi siya sa sinabi nito at Napabuga nalang siya ng hangin. Bakit ba nag sisiaminan ang mga ito ngayon sa kanya?

"Carl, kaibigan lang ang turing ko sayo."

Tumango tango ito na parang di narinig ang sinabi niya dahil hindi nag bago ang ekspresyon nito sa mukha.

"Ayos lang. Hindi naman kita minamadali Mira. Basta nandito lang ako."

" Carl promise. Ayokong umasa ka sakin dahil wala ka naman talagang aasahan saakin. "

" Sabi ko nga ayos lang diba. Hayaan mo lang ako Mira. Walang problema sakin. Lapit na tayo sa kanila. " Ngumiti ito sa kanya at nauna nang bumalik sa kumpol ng mga kaibigan nila.

Maglalakad narin sana siya ng biglang may taong umahon sa harapan niya. Sisigaw na sana siya sa gulat buti nalang napigilan niya ang sarili ng makilala kung sino ito.

"A secret rendezvous with your .." napatingin ito sa mga kaibigan niya. At ng tingnan niya kung sino ang tinititigan nito ay hindi nga siya nagkamali. Si Carl.

"Friend. Mag kaibigan lang kami. Wag kang malisyoso."

" Talaga lang ha."

" Tigilan mo nga ako. Bakit kaba nandito?" 

" I told you. Hindi ko hahayaang sirain mo ang pamilya nina Tita Isabela. Kaya babantayan ko ang bawat kilos mo. "

" Wow Ang tyaga mo rin e no?"

" See you around, Mira. " Sabi nito at lumangoy na papalayo sa kanya.

Siya naman ay naiwang nakakunot ang noo. Nagtataka kung pano nalaman nito ang kanyang pangalan.

Halos dalawang oras din silang nagbabad sa dagat at ng umahon ay muli silang nag inuman. Masasabi niyang sobra naman siyang nag enjoy sa paliligo nilang ito.

"Nabalitaan kong naghahanap kadaw ng mapapasukang trabaho Mira? " Tanong ni Angel na siyang katabi niya ngayon. Pareho silang kumakain ng chicharon ni Mang juan.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon