Kabanata 1

31 3 0
                                    

"ILANG BESES ko bang sasabihin sayo na wag ka ng pupunta sa tatay mong walang kwenta? Ano ngayon ang napala mo?!"

Napa irap sa hangin si Mira ng magsimula na namang manermon ang kanyang mama. Mabilis na pinahid niya ang luha na patuloy na dumadaloy sa magkabilang pisngi niya.

Masama ba na gusto niyang kilalanin siya ng kanyang sariling Ama? Nagkaisip siya na tanging ina lang ang kasama niya at ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na iba iba din ang tatay. Mahirap ang pamumuhay nila at umaasa siya na kapag nakilala siya ng kanyang ama ay matutulungan siya nito sa pangarap niyang makapagtapos ng pag aaral. Kahit hindi na siya nito kilalaning anak basta punan nito ang responsibilidad nito sa kanya sa pamamagitan manlang ng pag papaaral sa kanya.

"Ilang beses mo paba ibababa ang sarili mo sa hayop na yon?! Tumigil ka na. Huli na 'to Miranda sinasabi ko sayo!"

"Hindi ko naman alam na nandon ang asawa niya, Ma. Malay ko ba? Ang akala ko kasi lumuwas ng Maynila eh." Tugon niya.

"Hanggang ngayon ba hindi mo parin nakikita? Kung gusto ng tatay mo na tulungan ka simula pa sana ng iniluwal kita nagbigay na siya kahit konting tulong! Ni pisong duling nga walang naibigay, umaaasa kapa ngayon na tutulong yon saiyo?!" Habol na ng kanyang mama ang hininga dahil sa malakas na pagsasalita nito. Nakikita rin niya ang galit sa mga mata nito at hinanakit narin para sa kanyang papa.

"Last na lang ma. Pag hindi niya ako hinarap, hindi na ako aasa. Titigilan ko na siya."  Sagot niya habang patuloy parin ang pag iyak.

Nakilala niya ang kanyang ama ng sampung taong gulang lamang siya. Nang mabuntis nito ang kanyang mama ay lumuwas ito ng maynila at hindi na nagpakita pa. Makalipas ang ilang taon ay bumalik ito ngunit hindi para sa kanila. May sarili na itong pamilya at hindi alam ng pamilya nito na may anak itong naiwan sa probinsya.

Hindi naman sana siya lalapit pa at pipiliting kilalanin siya nito o humingi ng tulong dito kung hindi niya nakikitang maganda ang buhay nito at ng pamilya nito habang siya ay naghihirap. Kung may magagawa lamang siya para tulungan ang kanyang ina at mga kapatid na maging maayos kahit papano ang kanilang buhay handa siyang lunukin ang pride niya at magmakaawa sa kanyang papa na tulungan siya.

Isang pulis ang kanyang papa na dito ngayon sa probinsya ng Masbate nadestino. At  isa namang guro ang asawa nito sa isang private school na naroon din sa bayan nila.

"Wag na! Wala nang last last na yan dahil hindi ako papayag na makikipagkita kapa sa lalaking yon! Pagkatapos mo ng senior high, maghanap ka ng trabaho! Mag ipon ka  baka sakaling makapagtapos ka! Tutulong ako kung may maitutulong ako sayo. "

Hindi na lamang siya umimik dahil alam niyang lalo lamang silang magtatalo nito kung patuloy niyang ipipilit ang gusto niya. Basta gagawa siya ng paraan na makausap ang kanyang ama sa huling pagkakataon at kung ayaw parin nitong makipagkita sa kanya, susukuan na lamang niya ito. Total ay ginawa narin niya ang lahat para makilala ito.

Tumayo siya at inayos ang sarili saka pumasok sa silid nila ni Maya, ang kapatid niyang sumunod sa kanya. Ang tatay ni Maya ay isang tricycle driver. Nang mabuntis niyon ang mama nila ay pinanagutan naman nito. Naging maayos naman ang simula ng pagsasama ng mga ito ngunit nakatagpo ang lalaki ng isang may edad ng babae na may pera at sumama ang lalaking iyon doon.

Ang bunso naman nilang si Mico ay anak ng isang foreigner na nagbakasyon lang dito sa pilipinas. Nagtrabaho kasi noon ang kanilang mama bilang isang entertainer sa isang bar sa manila at doon nabuo si Mico sa isang gabi lamang na pagtatalik ng dalawa.

"Saan mo pinuntahan?" Tanong ni Maya sa kanya pagpasok niya sa kanilang kwarto.
Nagtutupi ito ng bagong labang mga damit.

"Sa bahay nila. Nakita ko kasi nong isang araw sa post ni Katrina na magbabakasyon sila ng tatlong araw sa maynila. Di ko naman alam na di pala natuloy." Sagot niya na ang tinutukoy ay ang kapatid niya sa ama.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon