HINDI MAPIGILANG manginig ang mga kamay ni Mira habang pinapakain ang anak na si Elisse. Palihim din ang ginagawa niyang pagsulyap kay Elias na inililibot ang paningin sa buong paligid.
Nagkukukot ang damdamin niya na bigla itong magpapakita sa kanilang mag ina na parang wala lang. Pakiramdam niya, Hindi na ito ang lalaking minahal niya. Malayong malayo na ito sa Elias na kilala niya. O nagbago na nga ito sa ilang taong paghihiwalay nila?
Ni Walang makikitang ekspresyon sa mukha nito kundi lamig at pagiging pormal.Wala manlang ba itong katiting na guilt na nararamdaman para sa kanya? O kahit lukso ng dugo nalang para kay Elisse? Halo halo ang emosyon niya ng mga oras na iyon.
"Tita Kat, Come here! I missed you so much and tita Nica! Let's play later when I'm done eating, okay po?"
Napatingin siya sa anak na malawak ang pagkakangiti sa kabilang mesa habang kinakaway ang mga kamay sa mga tiyahin.
"Of course, darling. We'll play later." Tugon ni Katrina.
Tahimik itong nagkakape habang kasama sa mesa si Elias at Veronica na nararamdaman ang tensyon sa pagitan nila ng lalaki. Alanganin lang itong ngumingiti sa kanya kapag nagkakasalubong ang mga titig nila.
Wala na siyang ganang kumain. Pakiramdam niya ay babaliktad ang sikmura niya sa mga sandaling iyon. Hindi niya kasi alam kung papano pakikiharapan ang binata. Nabibigla siya sa mga nangyayari.
"Mommy, I'm full." Iniiwas ni Elisse ang bibig ng akmang susubuan niya pa ito ng cookies.
Napatingin siya sa mga pagkain na nakakalahati palang nito.
"Are you sure? Gugutumin ka kaagad mamaya niyan kasi maglalaro kana naman." Aniya." I will eat again mommy when I get hungry."
" Okay.. May gagawin din si mommy, Elay. Makikipaglaro muna sayo ang mga tita mo okay? Wag masyadong magpapagod anak."
" Are you going somewhere? " Nakataas ang kilay na tanong nito. Makikita ang kainosentehan sa mukha ng anak niya. Wala itong kamalay malay na nasa paligid na ang tatay nito.
Napakagat labi siya ng maalala ang mga tanong ng anak kanina bago sila nakatulog. Naramdaman ba ni Elisse na darating si Elias kaya biglang nagtanong sa kanya ng tungkol sa daddy nito?
Nakaramdam siya ng awa sa anak. Lalo pa't sa tingin niya ay hindi bumalik si Elias para kay Elisse. Ni hindi manlang nito tinanong kung kamusta ang anak nila, kung nasaan ba ito.
"I'm not going anywhere anak. Kakausapin lang ni mommy ang kaibigan ng tita kat at tita Nica mo. Are you okay with that?"
Sumulyap ito sa kasama ng mga tiyahin at nagtagal ang titig ng anak niya doon. Napalunok siya ng bahagyang nangunot ang noo nito. Inihanda na niya ang sarili sa maaring mga tanong ni Elisse. Nakahinga siya ng maluwag ng ngumiti ito.
" Okay mommy." Sabi nito pagkuwan.
" I Love you." Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap sa leeg kasabay ng mariing halik sa kanyang pisngi na ikinatawa na lang niya.Agad niyang binuhat ang anak at siya naman ang nanggigigil na pinaliguan ng halik ang buong mukha nito. Tawang tawa ito habang nakikiliti sa ginagawa niya.
Nawaglit saglit sa isipan niya kung sino ang mga nanonood sa kanila ng mga sandaling iyon.
Nang makaalis ang kanyang mga kapatid kasama si Elisse, Inaya niya si Elias sa kanyang opisina para makapag usap sila ng maayos ng walang makakarinig sa pag uusap nila at makakaistorbo.
Once and for all, Gusto na niyang matapos ang anumang pag uusapan nilang dalawa. Ngayong nagkaharap na sila, siguro naman ay maliliwanagan na siya sa mga tanong sa kanyang isipan at baka pa mabitawan na niya ang nakaraang nagdudugtong sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomansaMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...