Kabanata 31

12 0 0
                                    

ALAS SAIS na ng umaga nagising si Mira kinabukasan. Medyo sumakit ang ulo niya dahil sa ininom na alak ng nagdaang gabi. Agad na inayos niya ang sarili upang mapuntahan na ang kanyang anak at sabay silang uuwi sa kanilang apartment para maligo at maghanda na muli pabalik ng resort.

Napag alaman niya mula sa kanyang mga staff na hating gabi na nakauwi ang kanyang mga kapatid at maging si Elias.
Pagpunta niya sa kusina ay naroon na ang kanyang mama at nag kakape. Mabilis niya lang itong binati bago siya tumuloy sa pagsundo sa anak.

Buti nalang ay gising narin si Elisse ng dumating siya sa bahay ng kanyang papa. Nag aagahan na nga ang mga ito maliban sa kanyang mga kapatid na marahil ay tulog parin dahil sa sobrang kalasingan ng nagdaang gabi.

"Dito ka na mag breakfast. Saluhan mo ang anak mo, Mira.." anang kanyang papa habang kumakain.

"Oo nga naman hija. Matagal tagal na rin ng nagsalu-salo tayo sa pagkain." Segunda naman ng tita Isabela niya.

Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Humugot siya ng upuan katabi ang anak na maganang kumakain ng agahan nito. Mabilis niya itong niyakap at hinagkan sa ulo.

"Nag usap na kayo ni Elias?" Walang pasubaling tanong ng kanyang papa kahit hindi ito nakatingin sa kanya.

Natigil siya sa akmang pag abot ng malinis na pinggan dahil sa narinig. Natigilan din pati ang asawa nito.

"Ahmm... O-opo pa. Nag usap napo kami." Tugon niya at inabot na ng tuluyan ang pinggan at sumandok ng makakain.

"Anong sabi niya?"

"Gusto niya lang po na humingi ng tawad saakin sa biglang pag iwan niya sa akin sa ere noon. Yon lang naman po, Pa." Napalunok siya at hindi matignan sa mga mata ang mga kaharap niya sa hapag.

Kahit na wala naman siyang tinatago sa mga ito dahil yon naman ang totoo, naiilang parin siyang pag usapan ang tungkol sa kanila ni Elias.

"Ang tungkol kay--" napatikhim ang kanyang papa at napatingin sa anak niya bago muling nagsalita.
"Ang tungkol sa anak niya? Anong sabi niya?"

"W-wala po.. "

" Anong wala, Mira? " Tanong ng tita Isabela. Nasa mukha nito ang kuryusidad.

"Hindi po niya alam na may anak siya. " Mabilis niyang ibinaba sa kandungan ang mga kamay para hindi makita ng mga kasama niya ng ikuyom niya iyon para humugot ng lakas.

Mahina ang loob niya pagdating sa anak niya. Masakit para sa kanya na makitang wala manlang pakialam si Elias dito kahit konti. Ni hindi manlang nito kinarga ang anak niya,niyakap. Kahit manlang gustuhing makita ito, wala. Alam niyang ayaw ni Elias ng obligasyon kaya kinalimutan nito ang sariling anak, pero yung makita na nito ng harap harapan ang inabandonang anak kahit ayaw nito? Wala manlang bang lukso ng dugo? O konsensya man lang na may anak itong iniwan at pinabayaan?

"You mean, hija.. walang alam si Elias na .. All these years..?" Naninigurong tanong pa ng tita niya.

"Yon po ang ipinapakita niya. Pero hindi po ako maaring magkamali. Sigurado po akong naipaalam ko sa kanya. Nag usap kami tungkol doon bago siya.. nawala. "

"Did you talk to Lorna, hon? " Tanong ng kanyang papa sa asawa nito.

"Hindi pa. Pero nag chat saakin na pupunta sila dito sa masbate one of these days para mapag usapan namin ang tungkol sa restaurant."

Gumapang ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa narinig. Pupunta dito? Paano kung magkita sila? Makita ng mga ito ang anak niya?

Naunahan na siya ng kaba bago pa sumagi sa isip niya na kahit nga si Elias na sariling ama ni Elisse ay hindi makilala ang sariling anak. Ang mga magulang pa kaya nito?

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon