"ELIAS, MATULOG KANA..please magpahinga ka anak."
Hindi gumalaw si Elias kahit na narinig niya ang mga yabag ng kanyang mommy na papalapit sa kanya.
Nasa balkonahe siya ngayon ng kanyang kwarto at nakatitig sa kawalan.
Nakauwi na sila sa bahay na ipinatayo nila dito sa Masbate. Ayaw niya sanang magkahiwalay pa sila ni Mira pero nakita niya sa mga mata nito na hindi pa ito handang tanggapin ang mga nangyari sa kanya.
Kaya labag man sa loob niya ay hinayaan muna niya itong magkaroon ng oras na makapag isip isip.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Matagal niyang inasam na bumalik na ang kanyang mga alaala pero bakit ngayong abot-kamay na niya ay nakakaramdam siya ng kahungkagan?
Muli niyang tinungga ang hawak na bote ng alak at sunod sunod na lumagok doon. Ito lang ang naiisip niyang paraan para maibsan ang pangungulilang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
"Elias!" Mabilis na inagaw ng kanyang mama ang bote ng alak at inilayo sa kanya. Pagkuway dahan dahan itong naupo sa upuang nasa harap niya.
"Hindi mo kasalanan ito anak. Wala kang kasalanan. Tigilan mo na ito." Masuyo siya nitong hinaplos sa buhok."You know how much I love her mom. Alam niyo kung gaano ka special saakin si Mira. Bakit Hindi niyo ipinaalam saakin kung sino siya noong mga panahong wala akong maalala?" Hirap na hirap ang kaloobang sabi niya. Kanina pa hilam sa mga luha ang kanyang mga mata.
Napakasakit isipin na ilang taon ang nasayang sa pagitan nilang dalawa dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya.
Hindi niya lubos maisip na nagawa niyang kalimutan ang babaeng pinaka mamahal niya. Isipin niya palang na nagawa niya iyon kay Mira ay parang gusto na niyang tuluyang mawala na lang ulit sa mundo.
"Alam kong hindi mo maiintindihan ang rason ko anak, pero nagawa ko lang iyon bilang isang Ina. Nag iisa kitang anak, Elias. Kung si Mira ang Buhay mo noon, Ikaw lang ang buhay ko mula noon hanggang ngayon. Kaya nang maaksidente ka, naisip kong..Kung si Mira ang magiging dahilan ng pagkawala mo saamin ng daddy mo, gagawin ko ang lahat para hindi na kayo magtagpo uli." Mariing napapikit ang kanyang mama kasabay ng pagtulo ng mga luha nito.
"Sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kitang walang malay na nakaratay sa hospital. Walang kasiguruhan kung magigising kapa o kukunin ka na niya saamin.""Pero buhay ako ma. Hindi niyo alam kung ano ang nawala saakin dahil lang sa hindi niyo pagsabi saakin ng buong katotohanan."
"Dahil nakita naming wala ng rason pa na malaman mo ang tungkol sa kanya. You're okay without memories of her. Natakot akong..baka kung ano na naman ang magawa mo sa sarili mo dahil sa pagkabaliw mo sa kanya. At tama kami ng daddy mo. Naging maayos ang buhay mo, Elias.. anak. Nakilala mo at minahal si Kaye. Naging Masaya ka sa piling niya at tuluyang nakalimutan si Mira."
Umiling iling siya sa sinabi ng ina.
"I always dreamed of her mom." Tumingin siya sa malayo. Na para bang inaalala ang mga gabing napapanaginipan niya ang dalaga.
"Nakalimutan man siya ng isip ko, Hinding hindi ng Sistema ko. Alam niyo kung ano ang kinuha niyo saakin? Kinuha niyo saakin ang pagkakataong makasama ko ang anak ko." Pumiyok ang boses niya ng banggitin iyon. Hindi maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon."I know, I know Elias. Kahit Ako.. Hindi ko magawang tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Patawarin mo Ako anak. Sobrang mahal lang kita kaya ko nagawa iyon. Patawarin mo Ako .."
Lumapit ito sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
Masama man ang loob niya ay hindi naman niya magawang magalit dito. Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya. Masyado siyang na overwhelmed na nakaligtas siya sa bingit ng kamatayan at hindi na naisip ang buhay na mayroon siya bago mawalan ng alaala.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...