"HANGGANG anong oras ka dito?"Hindi muna sumagot si Mira at hinintay na makababa ng tricycle si Elias bago siya sumunod dito. Dudukot sana siya ng pera sa bulsa para magbayad pero nauna ng mag abot ang binata. Matapos nilang maghapunan kanina ay nagpresinta na naman itong samahan siya sa trabaho. Ang nguso tuloy ni Maya ng paalis sila sarap ingudngod.
"Keep the change." sabi pa nito ng magsusukli pa sana ang driver sa binayad nitong fifty pesos. Twenty lang kasi dapat ang pamasahe nilang dalawa.
"Naku maraming salamat!" Tuwang tuwa namang sabi ng driver at umalis na.
"Hanggang anong oras ka nga?" Baling nito sa kanya.
"Bakit? Wag mong sabihing hihintayin mo pa ako? "
" Why not? "
Nasisiraan naba ito ng ulo? Ano ba ang mapapala nito sa pagbabantay sa kanya eh wala na nga siyang balak pang guluhin ang pamilya ng papa niya kung yon ang inaalala nito.
"Nakabawi ka na nang bilhan mo kami ng ulam kanina at hinatid mo ako dito sa trabaho pero ngayon umuwi kana okay? "
" You're not the boss of me. "
"Ano nga kasi ang pakay mo sakin? Bakit kaba nakabuntot ha? "
" Wala. I just want to drink some beer tonight? and I am at the right place and time."
" Ewan ko talaga sayo." Iniwan na niya ito at pumasok siya sa loob ng bar. Naroon na ang ibang kasamahan niya at nag aayos na ng mesa at upuan. Siya naman ay dumeritso sa kusina para ilagay ang dala niyang bag sa maliit na cabinet na nag sisilbing locker nila kahit wala iyong lock.
Pag labas niya ng kusina ay namataan niyang tahimik na nakaupo lang si Elias habang inililibot ang paningin sa kabuoan ng bar.
" Bakit nandito yan? " Tanong ni Angel na kadarating lang at Kasunod nito si Marlon. Baka iniangkas naman ito ni Marlon sa motor. Tinanguan niya lang si Marlon na siya ring ginawa nito.
"Iinom daw." Maikling tugon niya at nilapitan si Elias para tanungin kung anong oorderin nito. Umorder lang ito ng red horse na stallion at isang finger food. Matapos makuha ang order ay tinalikuran niya na ito at tumulong na sa mga kasamang mag ayos ng mga dapat pang ayusin.
Paglipas ng isang oras ay may mga pumasok nang parokyano. Naging busy na tuloy sila ng sumunod na oras.
Hindi siya makapagtrabaho ng maayos dahil feeling niya sinusundan siya ng tingin ni Elias kaya naman ng mabakante siya ay inis na nilapitan niya ito.
"Hindi kapa ba tapos diyan? Dalawang oras mo nang iniinom Yang stallion mo ah?"
"Paubos na. Paorder pa uli ako ng isa at isang order narin ng chicharon."
"Hindi kapa ba uuwi?"
"Maaga pa."
"Pwes wag kang tingin ng tingin! Naasiwa ako para kang manyak diyan." Hindi na napigilang asik niya dito.
Nagsalubong naman ang mga kilay nito at napaayos ng upo.
"Paanong di kita babantayan, tingnan mo nga yang suot mo. Konti nalang luluwa na ang dibdib mo. Wala kabang mas ibang presentableng damit? Di mo ba nakikita ang mga mata ng mga lalaki dito? Pagyuko mo lang ang inaabangan nila.""so isa ka doon sa nag aabang? "
"what? No! Of course not! "
" Sabi mo 'mga lalaki dito' eh. At ganito talaga ang design ng damit ko kaya nga tinawag na low neck line."
" Wag ka nalang masyadong yuyuko kapag maglalapag ka ng order. "
" At bakit ako makikinig sayo? "
Hindi ito sumagot at tumitig lang sa mga mata niya. Lumaban naman siya ng titigan dito at siya rin naman ang unang nag iwas ng tingin. Walang salitang iniwan nalang niya ito. Wala din siyang imik nang ilapag ang order nito sa mesa nito.

BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...