Kabanata 33

12 0 0
                                    


KINAKABAHAN SI Mira habang pabalik balik na naglalakad sa loob ng cabin ni Elias. Kadarating lang nila ni Elisse kanina sa kanyang opisina ng hinihingal na tinawag siya ng isa niyang staff at sinabing nahimatay daw ang binata.

Agad niyang iniutos sa mga kasama na tumawag ng ambulansya lalo na ng makita niyang may dugong dumaloy mula sa ilong nito.
Hindi naman niya ito sinaktan kanina kahit na galit na galit siya diba? Bakit ito biglang nahimatay matapos ang pag uusap nila?
Napatingin siya sa walang malay na si Elias habang nakahiga sa kama ng may dumaan sa isip niya. May iniinda ba itong sakit?

"Mira..."

Natigil siya sa paglalakad lakad ng marinig ang pabulong na bigkas ni Elias sa pangalan niya.

"Mira.. Baby.. I missed you so much."
Nakapikit nitong sabi na para bang nananaginip. May luha ding dumaloy sa gilid ng mga mata nito.

Tila napako naman siya sa kinatatayuan dahil sa narinig. Nakaramdam siya ng mumunting kirot sa dibdib kasabay ng pagkagising ng kuryente sa bawat himaymay ng katawan niya dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ng binata.

How dare you say that now, Elias..

"Mira.. Mira..."

Mas lalo pang lumakas ang ungol ni Elias habang mariin ang pagkakapikit ng mga mata. Hindi niya alam kung lalapitan ba ito at gigisingin o hahayaan na lang.

Sa huli ay pinili niyang  lumapit sa kinahihigaan nito at marahan itong niyugyog sa balikat kahit na nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa nangyayari.

"Elias... Elias nananaginip ka."

Sa halip na magising ay ginagap nito ang kamay niyang pinanggigising niya dito at mariin iyong hinawakan nito. Siya naman ay napaatras dahil sa hindi malamang gagawin.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito?!

"Elias!! Gumising ka,ano ba?"

Napangiwi siya ng mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanya na para bang ayaw siyang pakawalan. kaya naman buong pwersa niyang inagaw ang kamay  at tuluyang umatras palayo sa binata.

Nalilitong napatitig siya dito.

Si Elias naman ay unti unti nang nagmulat ng mga mata habang habol ang hininga. Napalunok na lamang siya sa nakikitang ayos nito. Tagaktak din ng pawis ang noo at leeg nito.

"A-are you okay?" Alanganin niyang tanong. Mukhang wala pa ito sa sarili dahil natulala pa ito ng ilang segundo.

"M-mira?" Pagkuway sabi nito makalipas ang ilang sandali. Nagtataka itong napatingin sa paligid at muling tumigil ang titig sa kanya.
"What happened?"

"You passed out at the restaurant kanina matapos nating mag usap. On the way na ang ambulance. Maghintay lang tayo ng ilang sandali."

"No need. I'm okay. Sabihin mong wag nang tumuloy ang ambulansya at okay na ako."

"Hindi ka okay. Nahimatay ka bigla at dumugo pa ang ilong mo. Dapat macheck up ka."

"I'm fine Mira. Normal lang sakin yung nangyari..  Ganon talaga pag pinapagod ko ang sarili ko."

Sasagot pa sana si Mira ng makarinig sila ng katok mula sa pinto. Siya na ang lumapit at binuksan iyon.

" Ma'am, nariyan napo ang ambulansya. " anang staff niya na napagbuksan niya ng pinto.

Huminga siya ng malalim at napatingin kay Elias.

"Send them back Mira. Okay nga lang ako. "

Sumusukong iiling iling na lang si Mira. Bahala na nga. Muli niyang hinarap ang staff.

My Memories of You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon